"Keita?" binuksan ko ang pinto dito at sumilip sa loob. Nakita ko siyang nakaupo habang nagbabasa ng libro.
"Hime.." sinarado niya ang libro at pinatong sa lap niya.
Ngumiti ako at lumapit sa kaniya. "Here. I bought some fruits." pinakita ko sa kaniya ang dala kong basket na may prutas.
Buti na lang at may supeparket dito na konektado ng academy. At salamat kina Saphire sinamahan nila akong bumili ng mga prutas na 'to.
"Arigato, hime."
Sinuklian ko siya ng isang ngiti. Nilagay ko ang basket sa mesang katabi ng kama niya. Andito kami ngayon sa clinic. Bigla kasing hinimatay si Keita buti na lang at dumating sina Saphire at gamit ang kapangyarihan ni Saphire ay dinala namin siya dito.
"How are you feeling? Ayos ka na ba? Wala bang masakit sa'yo?" sunod-sunod kong tanong sa kaniya.
Natawa siya. "I'm fine, Hime-chan. Sorry if I made you worried."
"Hindi mo kailangang humingi ng sorry." tumayo ako at kumuha ng apple sa basket. "Oo nga pala, Keita-kun. Diba bukas na ang birthday mo?" nilingon ko siya. Nakita ko ang pagsalubong ng kilay niya. And his hands turned into fist. "Keita-kun?"
"Huh?" napakurap siya. "Ah, gomen." he smiled at me.
"May problema ba?" umupo ulit ako sa silya katapat niya.
"Nanimonai."
"Ne, ne. Anong gusto mong regalo para sa birthday mo?"
"I don't need any presents." tapos hinawakan niya ang kamay ko. "All I wanted is to be with you on my birthday."
I smile at him. Sweet as ever.
Pero bakit bigla akong kinabahan? Pakiramdam ko may mali, eh.
"Hime-chan.."
Nagulat ako nang bigla niyang nilapit ang mukha niya sa mukha ko. Is he going to kiss me? I willingly close my eyes and waited for his lips to touch mine. Pero sa halip ay lumapat ang labi niya sa noo ko.
"Aishiteru, Shirayuki.."
Did he just... called me by my full name?
*BLAG!
Nagulat kami pareho at sabay na tumingin sa pinto. Huh? Anong ingay 'yun?
"Someone's outside." sabi ni Keita. Tumayo ako at binuksan ang pinto pero wala namang tao. Nilabas ko ang ulo ko at tumingin sa hallway from left to right. Pero wala talaga.
Sino kaya 'yun?
"Aaack!" lumingon ako kay Keita. Nakatakip ang kamay niya sa bibig at sumusuka siya ng... dugo?
"Keita-kun!" lumapit ako sa kaniya. Patuloy lang siya sa pagsuka ng dugo. "Keita-kun.." naiiyak ako. Ano bang nangyari? Bakit sumuka siya ng dugo? Pero hindi lang 'yun basta dugo lang, parang may halong kulay itim 'yung dugo niya.
"Aargh!" napahawak siya sa dibdib niya kung sa'n naka-locate ang puso niya.
"Keita-kun, a-anong nangyayari sa'yo?" hindi ko mapigilang umiyak.
Tumingin siya sa'kin. May bahid ng dugo sa gilid ng labi niya at umagos ito pababa. Ngumiti siya sa'kin.
"Keita..."
Tinanggal niya ang kwintas na nakasabit sa leeg niya at binigay niya sa'kin. "Here. Take this."
Binuksan ko ang kamay ko. "Keita, diba ito ang Holy Sword na binigay sa'yo ng iyong ama bago siya mamatay sa digmaan? Bakit mo binigay sa'kin?"
BINABASA MO ANG
When Snow White meets Her Prince (COMPLETE)
FantasiaBook 2 of Magical Academy: The Fire Princess.