Yuki's POV
Naglalakad ako ngayon sa may hallway para sana pumunta sa classroom ko nang bigla kong makasalubong si Yuna.
Nakangiti siya na parang ang saya-saya niya. She was staring at me while both of her hands are behind her.
Nag-iwas ako ng tingin. Lalampasan ko sana siya at huwag siyang kausapin nang bigla siyang nagsalita.
"Hindi mo man lang ba ako babatiin?" Narinig kong tanong niya.
Tumigil ako sa paglalakad. "Bakit naman kita babatiin?" Tanong ko nang hindi man lang siya nilingon.
"Hindi mo man lang ba ako na-miss? My dear little step-sister?" May halong pang-aasar na tanong niya.
Hindi ako sumagot. I decided to ignore her and continued to walk and leave her.
"By the way, mother said she wants to meet you."
I stop. Lumingon ako sakanya. "Ano?" Did I hear it right?
"You heard me. She wants to meet you."
Niyukom ko ang mga kamay ko. Ayokong maniwala. Imposibleng gusto niya akong makita. "Bakit gusto niyang makipagkita saken?"
"Hmm. Maybe because she misses you so much."
Liar!
"No. Ayokong bumalik don." Tinalikuran ko siya.
"Hindi ka man lang ba nag-aalala kay ina?"
Bigla akong kinabahan. "Bakit? A-anong nangyari kay ina?" Alalang tanong ko.
"She's sick."
Kumunot ang noo ko. Mother is sick? How can that be? "Ayoko pa rin."
"Do you want mother to die? Hahayaan mo na lang bang mamatay si ina nang hindi ka man lang nagpapakita sakanya?"
I gritted my teeth. Naiyukom ko ang mga kamay ko. "She ruined my life. My whole life. Nasa kanya na nga ang palasyo at ang kayamanan ng pamilya namin! Sinira niya ang kasal ko at pinaghiwalay kami ni Keita tapos ngayon gusto niya akong makita? Ano pa bang gusto niya saken?! Hindi pa ba siya kunteto at gusto pa niyang sirain ang buhay ko?!" Hindi ko mapigilang magalit.
Natahimik si Yuna. Maya-maya ay nagsalita siya. "She regret everything she did."
Nilingon ko siya. Bakas sa mukha niya ang kalungkutan. "Pinagsisisihan niya ang ginawa niya, Yuki. At kaya siya gustong makipagkita sayo ay dahil gusto niyang humingi ng tawad sa lahat ng mga kasalanan niya. Kaya sana pagbigyan mo siya sa huling kahilingan niya bago siya tuluyan mawala sa atin." Nakita ko ang pagpatak ng luha galing sakanyang mga mata.
"Yuna..."
"Kaya nakikiusap ako sayo, Yuki. Sumama ka saken sa kaharian. Gawin mo ito para kay ina."
Hindi ako sumagot. Lumapit ako sakanya at niyakap siya. Ito ang unang pagkakataong nakita ko si Yuna na umiiyak.
Pero... maniniwala ba ako sa mga sinabi niya?
--
Third Person's PoV
Hindi mapigilang mapangiti si Yuna. Konti na lang ay magtatagumpay na siya sa kanyang plano. Makukumbinsi niya si Yuki na bumalik sa palasyo. Ayos pala ang acting niya kanina. Sa totoo lang gusto niyang itulak palayo si Yuki nang yakapin siya nito. Ngunit tiniis niya ang pagkyakap nito sakanya dahil parte iyon ng plano.
"Nasabi ko na sakanya, ina. Pumayag siyang makipagkita sa inyo." Sabi niya habang kausap nito ang kanyang ina sa isang maliit na crystal na hawak niya.
BINABASA MO ANG
When Snow White meets Her Prince (COMPLETE)
FantasyBook 2 of Magical Academy: The Fire Princess.