Yuki's POV
Hindi ako makagalaw. Hanggang ngayon nakayakap pa rin sa'kin ang lalaking 'to. Ni hindi ko nga siya kilala.
"Kay tagal kong hinintay na makita ka, Shirayuki." sabi niya.
Huh? Kilala niya ako?
"U-um.."
Magsasalita pa sana ako nang may humila sa braso ko palayo sa kanya. Paglingon ko si Light pala at sobrang sama ng tingin niya dun sa lalaki.
"Who are you? Are you a student here?" tanong ni Light dun sa lalaki. "Mukhang ngayon lang yata kita nakita."
Tumayo bigla ang lalaki. Tutulungan sana siya ng kasamahan niyang babae pero tinanggihan niya 'to. Tapos pinagpag niya ang pantalon niya.
"My apologies. Hindi agad ako nakapagpakilala." sabi niya. "My name is King."
King..?
Napatitig ako sa kanya. King.. Parang narinig ko na ang pangalan na 'yan.
---
Habang naglalaro ako ng mga manika ko dito sa aking kuwarto, narinig ko na lamang ang pagtawag sa'kin ni papa.
"Yuki, baba ka muna dito." sigaw ni papa mula sa ibaba.
"Haaaii." iniwan ko muna ang mga manika ko tsaka lumabas ng kwarto at bumaba.
"Nani, otou-san?" tanong ko nang makalapit ako sa kanila ni mama na nakaupo ngayon sa sofa. Katapat nila ang dalawang tao. Siguro mag-asawa sila. At may kasama din silang batang lalaki.
"Yuki, why don't you play with King outside? May pag-uusapan lang kami." sabi sa'kin ni mama.
"Pwede po ba kaming sumali sa usapan niyo?" tanong ko kay mama.
"No, princess. You're too young para makisali sa usapan namin. Now you kids play outside, okay?" sabi ni papa.
"Okay po!" I smiled.
Papa pat my head. "That's a good girl."
Tumingin ako dun sa batang lalaki. Nakakapit siya sa braso ng mama niya at parang nahihiya pa siya. Lumapit ako sa kanya.
"Wanna play with me?" tanong ko sa kanya at nilahad ko ang kamay ko sa kanya.
Tinitigan lang niya ang kamay ko tsaka siya tumingin sa mama niya. His mother just nod her head and smiled. Muli siyang tumingin sa'kin at dahan-dahang ini-stretch ang kamay niya.
Dahil sa sobrang bagal ng kilos niya ako na mismo ang humila sa kamay niya.
Pumunta kaming dalawa sa bakuran namin.
"Ano nga pala ang name mo?" tanong ko sa kanya.
Yumuko siya at nilaro-laro ang mga daliri niya. "Ahm.. Eh.. P-pangalan k-ko?"
I nodded.
"K-K-Ki..ng."
"Ilang letter K meron ang pangalan mo, K-K-Ki..ng?"
Napaangat siya ng kanyang ulo. "E-eh? I-isa l-lang.."
Sa hindi malamang kadahilanan, napatawa ako sa kanya.
"Ang cute mo naman. Masyado kang shy." lumapit ako sa kanya. "Ako naman si Shirayuki. Just call me Yuki, okay? Simula ngayon, friends na tayo."
---
Tama. Naalala ko na. Si King, siya ang..
"Naalala ko na.." tumingin silang lahat sa'kin. Lumapit ako kay King. "Masaya ako't nagkita ulit tayo, King.."
BINABASA MO ANG
When Snow White meets Her Prince (COMPLETE)
FantasyBook 2 of Magical Academy: The Fire Princess.