I dedicate this chapter to Little-Miss-Cutesy.
Hope you like it! Maraming salamat sa pagsuport sa story ko!
***
Kanina pa'ko nakaupo dito sa sofa habang hinihintay ko ang pagbaba ni Yuki. Ngayong araw kasi ang simula ng pagpasok niya sa kanyang klase. Oo, she is now a student of Magical Academy. Ako pa mismo ang nagkumbinsi kay mom na paaralin siya dito since nakuwento ko na sa kanya na wala nang ibang matitirhan si Yuki. Pumayag naman si mom, pati na rin si dad.
Nakiusap din ako kay Saphire na pahiramin si Yuki ng uniform niya. Walang kahirap-hirap na pumayag naman siya.
"Come on, Yuki! Labas na tayo! Daliii!" kahit kailan ang laki talaga ng bunganga ni Saphire. Tapalan ko kaya 'yan ng scotchtape para naman matahimik siya. Tch.
"A-ano kasi... Tama ba talaga 'tong suot ko?" narinig kong sabi ni Yuki.
"Ano ka ba! 'Yan naman talaga ang uniform dito eh kaya huwag ka nang mahiya. And besides, you look good on that uniform. Mas lalo kang gumaganda!"
Naiinip na'ko dito! Girl's are slow! What's taking them so long anyway?
Nakita kong pababa na si Saphire habang hila niya si Yuki na nakasuot ng uniform namin. Tumayo ako nang makita ko siya.
I was stunned when I look at her. Pero ang pinagtataka ko lang ay bakit nakasuot siya ng jacket? Masyado bang malamig dito sa loob ng palasyo?
"Your girlfriend is pretty." lumingon ako sa nagsalita and I saw dad with a wide smile.
"How many times do I have to tell you, dad. She's not my girlfriend. We just met yesterday." sabi ko.
"Is that so? If she's not your girlfriend then... What is she?"
Damn! Bakit ba ang kulit nila? Hindi ko nga siya girlfriend eh! "She's just a... Friend."
"Friend.. Okay. Naintindihan ko."
"Dad naman, huwag niyo naman po bigyan ng kahulugan 'yun."
"Bakit? Hindi ko naman talaga 'yun binibigyan ng kahulugan eh. Unless kung..."
"What?"
"Nothing. Just do your best." tinapik niya ang balikat ko tsaka umalis. What did he mean by that?
"Kuya, tara na! Baka ma-late pa tayo!" sigaw ni Saphire habang hila-hila niya si Yuki.
Hinawakan ko ang braso ni Yuki at hinila ko siya palapit sa'kin. "Stop pulling her, Saphire. Baka maputol ang braso niya kakahila mo."
"OA mo naman kuya! Hinihila ko lang putol agad ng braso? Masyado kang over, you know that?" sabi niya.
Nagsukatan kami ng titig. Kulang na lang may lumabas na mga kidlat mula sa mata namin.
"Um.. Light ayos lang. At isa pa, natutuwa naman ako sa kakulitan ni Saphire.. Kaya huwag na kayong mag-away."
"Hah! See told 'ya! Sa'kin kampi si Yuki! Bleh!" tapos binelatan pa ako ng maldita kong kakambal.
"Tch." binitawan ko ang kamay ni Yuki at naunang lumabas.
Una akong sumakay sa kotse. Nakita ko na papalapit na silang dalawa. Pinagbuksan sila ng driveqg, naunang pumasok si Yuki tsaka tumabi sa'kin. Akmang papasok na si Saphire pero pinigilan ko siya.
"Stop right there." pigil ko kay Saphire.
"What?!" inis na tanong niya.
"Dun ka sa harap."
BINABASA MO ANG
When Snow White meets Her Prince (COMPLETE)
FantasyBook 2 of Magical Academy: The Fire Princess.