21st Chapter

2.8K 112 13
                                    

A/N: meron pa bang nagbabasa ng story ko? If yes, please raise your right hand and say 'PRESENT!'

Chos lang! Hehe. :D

Anyway, a new character arrived! Please welcome, Silver! Ang bagong rival ni Light kay Yuki. Hehe. Haba ng hair ni Yuki!

***

Yuki's POV

"Saan ka galing?" Tanong ko kay Silver nang makauwi na siya sa bahay nila.

Kanina kasi iniwan niya ako saglit para daw habulin sina Sasha at Yesha na naglalaro. Kaya ayun, nung umalis siya bigla na lang ako dinumog ng mga tao para bumili ng kahoy nila. Halos gulong-gulo na nga ng utak ko at hindi ko alam kung anong gagawin ko dahil sa dami ng taong bumibili. But I still manage kaya pag-uwi ko, ang dami kong dalang pera. Natuwa naman si tita Silviya dahil bihira lang daw maubos ang mga paninda nilang kahoy.

"Dun lang. Hinabol ko kasi ang dalawang 'to." Tukoy niya kina Sasha at Yesha na nakanguso. Hehe, ang cute nilang dalawa. Nakakatuwa sila.

Binitawan niya ang mga kapatid niya. Tumakbo naman silang dalawa kay tita Silviya. Lumapit sa'kin si Silver at umupo sa tabi ko. "Hindi ka ba nahirapan sa pagtitinda nung umalis ako?"

Umiling ako habang nakangiti. "Ang dami ngang bumili ng mga kahoy eh. Actually, naubos ang lahat ng kahoy mo, tapos sobra-sobra pa ang mga pera. May iba kasing hindi tumatanggap ng sukli at binibigay lang nila sa'kin."

"Oh edi magandang balita 'yan. Kunin mo din ang hati mo dyan."

"Hindi. Sa inyo na ang hati ko. Isipin mo na lang na kabayaran 'yun dahil sa pagpapatira niyo sa'kin diyo sa bahay niyo."

"Okay." Napatingin ako sa kamay ko nang hawakan niya 'yun. "Maraming salamat."

"Hindi. Maraming salamat."

Nagtawanan kaming dalawa. Ang sarap palang kasama at kausap si Silver. Akala ko nung una ang sungit-sungit niya pero kalaunan lumalabas din pala ang pagiging mabait niya.

"Ehem!" Natigil ang tawanan namin nang bigla may umubo. Pagtingin namin sa may pinto, nakita namin ang kambal na nakatingin sa'min. Nakatingin sila sa sides nila na parang walang nakita. Halatang nagpipigil sila ng tawa.

"Mukhang nakakaistorbo yata tayo, Yesha." Sabi ni Sasha.

"Oo nga. Mukhang nakakaistorbo nga tayox , Sasha." Sabi naman ni Yesha.

When Snow White meets Her Prince (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon