A/N: Pagpasensyahan niyo na ang mga maling typos ko.
Anyway, happy reading!
**
Saphire's POV
Pagkatapos ng nangyari, maraming mga estudyante ang nasaktan. Halos puno ang clinic dahil ginagamot nila ang mga nasugatang estudyante. Idineklara muna ni Mom na wala munang klase for one month. May damage din kasi ang building ng academy at kailangan iyang ipaayos.
"Princess Saphire, ayos lang po ba kayo?" Tanong ng isa sa mga nurse.
Tumango ako. "Okay lang ako. Konting galos lang naman ang natamo ko." Sagot ko.
Simula nung malaman ng mga estudyente pati na rin ng mga guro at councils na kaming dalawa ni Light ay anak ng hari at reyna, nagbago na ang turing nila sa'min. Mas nirerespeto pa nila kamong dalawa.
Ito na nga ba ang sinasabi ko, eh. Kaya ayaw naming ipaalam ni Light na anak kami ng hari at reyna ay dahil mag-iiba ang tingin nila sa'min. Natatakot at nilalayuan nila kami dahil baka kapag nakagawa sila ng kahit na maliit na kasalanan sa'min, mapapatalsik na sila dito sa academy.
Tumayo ako at lumabas ng clinic. Paglabas ko nakita ko sina Friz, Bloom at Kim. Tinawag ko sila at nagulat sila nang makita nila ako.
"Guys." Nilapitan ko sila.
"Saph--I mean, Princess Saphire." Tapos nag-bow sila sa'kin. Hindi ko mapigilang malungkot.
"May kailangan ka, Princess Saphire?" Tanong ni Bloom.
"Oo. Kailangan ko ulit ang mga kaibigan ko.." Sabi ko sa kanila.
Nagkatinginan silang tatlo.
"Guys, magkaibigan pa rin naman tayo diba? Wala namang pinagbago diba? Diba? Nalaman niyo na anak ako ng hari at reyna pero hindi ibig sabihin nun ay magbabago na ang turing ko sa inyo, ganun din ang turing niyo sa'kin. Kaya please, treat me not as a princess. But as a friend." Yumuko ako. "Sorry. Sorry talaga dahil hindi ko sinabi sa inyo ang totoo. Kaya namin tinago ni Light ang totoo naming pagkatao, is because we wanted to be treated fair like the other students." Hindi ko mapigilang umiyak. "Sorry... I'm so sorry talaga... P-please forgive---"
BINABASA MO ANG
When Snow White meets Her Prince (COMPLETE)
FantasyBook 2 of Magical Academy: The Fire Princess.