32nd Chapter

2K 60 2
                                    

Short update. Enjoy! :)

--

Third Person's POV

Nang marating ni King ang tore, agad siyang bumaba mula sa kabayo at binuksan ang pinto nito. Mabilis siyang umakyat papunta sa itaas.

Sana hindi pa siya huli!

Pagdating niya do'n, nakahinga siya ng maluwag ng makita niya si Yuki na natutulog sa kama. Kinapa niya ang kaniyang maskara, napatampal siya ng malamang hindi pala niya ito nadala dahil sa pagmamadali niya.

Tiningnan niya ang guwardiyang nakaupo sa tabi ng pinto. Nakasabit sa pantalon nito ang susi. Kailangan niya itong makuha. Hindi man niya dala ang maskara niya, buti na lang ay madala siyang panyo kaya 'yun ang ginawa niyang pantakip ng kalahati ng mukha niya.

Dahan-dahan siyang lumapit sa natutulog na guwardiya, ngunit di sinasadyang matabig ng paa niya ang bote ng tubig na nakahara pala sa harap kaya nagising ang guwardiya.

"Sino ka?!" Sigaw ng guwardiya.

Hindi siya nag-aksaya ng panahon, nilapitan niya ang guwardiya at sinipa ito sa tyan. Hindi pa siya tapos at tinamaan niya ito sa batok dahilan upang mawalan ito ng malay. Lumuhod siya at kinuha ang susi mula dito. Lumapit siya sa pinto at binuksan ito. Nakita niyang nakaupo si Yuki sa kama. Mukhang nagising yata ito dahil sa sigaw nung guwardiya.

Pagkabukas niya ng pinto ay pumasok siya sa loob. Lumapit siya kay Yuki at lumuhod upang tanggalin ang mga kadenang nakakabit sa dalawa niyang paa.

Ramdam niya ang pagtitig sa kaniya ng prinsesa kaya hindi niya mapigilang lingunin ito.

"Mahal na prinsesa--"

Bahagya itong nagulat ng biglang hawakan ni Yuki ang mukha niya gamit ang dalawa nitong kamay. Tinitigan siya nito ng mabuti.

"Silver..?"

Natigilan siya.

"P-prinsesa--"

"Silver, ikaw ba 'yan?"

Anong sasabihin niya? Kilala siya nito bilang si Silver, hindi bilang si King.

"A-ako nga, Shirayuki-hime..." yumuko siya at tinanggal ang panyong nakatakip sa mukha niya.

Napatakip si Yuki sa kaniyang bibig. Bakas sa mukha nito ang pagkagulat.

"P-pero... b-bakit..."

"Hindi ito ang tamang oras upang magpaliwanag ako sa'yo, Yuki. Sa ngayon, kailangan nating umalis dito!" Hinila niya ang kamay nito patayo.

Tumalikod siya at aalis na sana ngunit natigilan siya ng makita niyang nakatayo sa may pinto si Yuna. Nakahalukipkip ito habang nakatingin sa kanilang dalawa.

"I knew it. Sinasabi ko na nga ba't sisirain mo lang ang lahat ng mga pinaplano ni ina!" Sigaw ni Yuna sa kaniya.

Hinawi niya si Yuki sa likod niya. "Yuna, ayoko ng ipagpatuloy ito. Walang kinalaman si Yuki sa nangyari sa pamilya niyo kaya pakawalan niyo na siya."

Nakita niya ang pagkuyom ng kamao ni Yuna. "You betrayed mother. You betrayed her! Ngayon, pagsisisihan mo ang nagawa mong pagtataksil!"

May lumabas na maliliit at itim na solid particles mula sa likod niya at mabilis silang inatake.

Naihawi niya si Yuki sa tabi at ganun din siya. Nagpalabas agad siya ng bolta-boltaheng kuryente mula sa katawan niya at tinira si Yuna ngunit nagawa nitong sanggain ang atake niya dahil gumawa ito ng shield gamit ang maliliit na solid particles.

"Pagsisisihan mo ang ginawa mo! Hindi pwedeng pumalpak ang plano ni ina na lang taon niyang pinaghirapan!" Galit na sigaw ni Yuna.

Nagpalabas siya ng maraming maliliit na metal si Yuna ngunit bago pa sila atakihin ulit nito ay mabilis na tinapak ni Yuki ang kaniyang paa at ginawang yelo ang sahig dahilan upang madulas si Yuna at natumba.

When Snow White meets Her Prince (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon