Sorry kung maikli lang ito. Babawi na lang ako sa susunod.
Vote and comment! Mwah! <3
***
Napaunat ako habang naglalakad dito sa hallway. Hindi ko kasama ang iba, busy sila eh. Kaya ako lang mag-isa ngayon. Pati si Light busy din. I hear that he has a club activities na kailangan niyang asikasuhin. Bakit ako wala man lang akong narinig na may club activities pala? Sa tinagal-tagal ko ng nag-aaral ito wala akong nabalitaan tungkol sa club na 'yan.
"Hmm.. Ang boring naman." Sabi ko.
Liliko na sana ako sa kaliwa nang may makabunggo ako kaya nalaglag tuloy ang mga librong dala niya.
"Naku, sorry. Sorry." Lumuhod ako at tinulungan siyang pulutin ang mga libro.
"Sorry din. Kasalanan ko din naman kasi. Hindi kasi ako tumitingin sa dinadaanan ko." Natigilan ako sa narinig ko. That voice...
Tiningnan ko ang nakabangga ko. Nanlaki ang mga mata ko ng mapagtanto kung sino ang nakabangga ko. "SILVER?"
Nagulat siya ng makita niya din ako. "S-Shirayuki?"
Tumayo ako dala ang ilang librong dala niya. "Estudyante ka pala dito? Kelan pa?" Gulat na tanong ko sa kanya.
"Umm.." He scratch his left cheek. Now I noticed nakasuot pala siya ng salamin. And I must say bagay sa kanya ang may suot na salamin, he looks cute. "I just got enrolled here last week."
Last week? "Talaga?"
"Yeah."
"Teka, paano naman sina Tita Silviya? Sina Sasha at Yesha?" Alalang tanong ko. Kung nag-aaral siya dito, paano naman ang pamilya niya?
"Huwag kang mag-alala sa kanila. Magiging okay lang sila." Kinuha niya sakin ang libro at nilagpasan ako. Sinundan ko siya hanggang sabay kaming maglakad.
"Paano mo nasabi na magiging okay lang sila?"
"Andun kasi 'yung pinsan ko. Nakiusap ako sa kanya na siya muna ang bahala sa pamilya ko habang nandito ako. Ang totoo, ikaw talaga ang dahilan kung bakit ako nandito."
"Ako?" Sabay turo sa sarili ko.
Tumango siya. "Ikaw kasi ang inspirasyon ko."
Hindi ako nakapagsalita. Inspirasyon daw niya ako? Huh? Talaga? Kelan pa?
Pumasok kami sa library. Sinoli niya ang mga libro sa shelves. Habang sinosoli niya ang mga libro ako naman nakatayo lang at pinanood siya. Kung last week lang siya nakapag-enroll dito, bakit ngayon ko lang siya nakita?
Napatingin siya sakin ng maramdaman niyang nakatitig ako sa kanya. "May sasabihin ka ba?" Tanong niya pagkatapos ilagay ang huling libro sa shelf.
"Wala.."
Pinagpag niya ang mga kamay niya at lumapit sakin. "Anong bumabagabag sayo? Pwede mong sabihin sakin. Makikinig ako."
I smile and shook my head. "Wala nga."
"You can't hide a secret from me, Yuki." He smiled at me.
My smile suddenly fades of what he said. "Huh?"
Imbes na sumagot siya ginulo niya lang ang buhok ko. "Magkaibigan tayo diba? Kaya kung may problema ka, andito lang ako kung kailangan mo ng tulong." Then he walks away.
BINABASA MO ANG
When Snow White meets Her Prince (COMPLETE)
FantasyBook 2 of Magical Academy: The Fire Princess.