A/N: natuwa ako sa mga nabasa kong comments sa previous chapter. Hehe.
So here's the update. Enjoy reading! *wink*
***
Yuki's POV
"Aalis na ka, ate Yuki?" Mangiyak-iyak na tanong ni Yesha.
"Hindi ba pwedeng dito ka lang?" Tanong ni Sasha habang nakayakap sakin. Niyakap ko din siya. Mamimiss ko talaga ang kakulitan ng dalawang 'to kahit na pansamantala lang ako tumira dito.
"Huwag na kayong umiyak. Naiiyak din ako sa inyo, eh." Umupo ako at pinantayan ko silang dalawa. "Dadalawin ko naman kayo dito."
"Bakit kailangan mo pang umalis?" Ayan tuloy. Umiyak na sila.
"Yesha, Sasha. Tama na 'yan." Sabi ni Silver.
"Pero, kuya..."
"Hindi niya kailangang tumira dito. May tahanan naman siyang kailangan niyang balikan. At huwag kayong mag-alala, gaya ng sinabi niya dadalawin niya tayo kaya magkikita pa rin naman kayo."
The twins pout. Tiningnan nila ako at sabay nila akong niyakap. "Promise mo ate na dadalawin mo kami, ah?"
"Oo naman. Promise ko 'yan sa inyo." Niyakap ko silang dalawa. Pagkatapos kong yakapin ang kambal lumpit naman ako kay tita Silviya at niyakap din siya. "Maraming salamat po sa lahat ng kabutihang pinakita niyo sakin, tita Silviya."
Kumalas ako sa pagkakayakap kay tita Silviya. "Mag-ingat kayo. Okay?" Sabi ni tita habang hinahaplos ang buhok ko. Tumango ako. Kahit papaano ay naramdaman ko ulit ang pagmamahal ng isang ina. Ang swerte nina Silver dahil nagkaroon sila ng isang mabait at maalagaing ina.
Pagkatapos kong yakapin si tita Silviya, lumapit ako kay Silver.
"Aalis ka na talaga." Sabi niya.
Hindi ako sumagot sa halip ay niyakap ko siya. "Maraming salamat sa lahat, Silver."
Ginantihan niya ako ng isang mahigpit na yakap. "Huwag mo akong kalimutan, ah."
"Syempre naman. Ikaw pa?" Natatawang sabi ko.
"Saan nga pala kayo babalik?"
"Sa Magical Academy. Isa 'yung paaralan. Malapit lang 'yun dito."
BINABASA MO ANG
When Snow White meets Her Prince (COMPLETE)
FantasyBook 2 of Magical Academy: The Fire Princess.