31st Chapter

2K 67 0
                                    

I was not in the mood while writing this. Pero nung makita ko siya bigla tuloy akong ginanahan magsulat. Awiiieee, my inspiration!

Anyways, enjoy!

**

Yuki's POV

I woke up with my head feeling so heavy. Kahit masakit ang ulo ko ay nagawa ko pa ring bumangon. Kinusot ko ang mga mata ko at tumingin sa paligid.

Nasaan ako?

Wala akong ibang nakikita dito maliban sa kama na hinihigaan ko ngayon at nag-iisang bintana. Hinawi ko ang kumot at tinapak ang aking mga paa sa malamig na tiles. Ngunit natigilan ako ng makarinig ako ng ingay mula sa aking mga paa. Pagtingin ko, may dalawang kadena ang nakakabit sa mga paa ko.

Nanlaki ang mga mata ko at hinawakan ang mga kadenang 'yon.

Anong nangyayari? Nasaan ako?

Tumayo ako at nagpunta sa bintana upang buksan ang salamin nito pero hindi ko ito mabuksan.

"Oh, the princess is already awake from her sleep." Lumingon ako sa pinanggalingan ng pamilyar na boses na 'yon.

"Yuna..."

Nakatingin siya sa'kin na may ngisi sa kaniyang labi.

"Oh, you poor thing. Nararapat ka pala sa lugar na ito noh? Sana sa simula pa lang ay pinalagay na kita dito." She said while holdig her hips with her both hands.

"Nasaan ako?" Tanong ko. Lalapit sana ako sa kaniya ngunit napatigil ako dahil hindi naaabot ng kadena ang pinto. The chain was attached below the window and it can't reach the door.

"In the tower. Where no one can find you."

"Tower?" Muli akong lumapit aa bintana at sumilip sa ibaba. Duda ko hindi ito ang tore na konektado sa palasyo namin. Hindi kasi pamilyar sa'kin ang lugar sa labas. At isa pa, puro puno lang ang nakikita ko at wala ng iba.

"Nagusutuhan mo ba ang bago mong kwarto, Yuki?" Dahan-dahan kong inangat ang ulo ko at lumingon sa pinto.

Nakita ko si ina na nakangiting tumingin sa'kin at katabi niya si Yuna at 'yung lalaking naka-maskara. Kasama niya ay ang dalawang guwardiya.

"I-ina... a-anong ibig sabihin nito?" Tanong ko.

"Oh don't be scared, my dear. I won't hurt you. For now." She wickedly smile at me.

"Ina, ano ito? Bakit ako nandito sa isang tore? Bakit wala ako sa palasyo?" Sunod-sunod kong tanong.

"Do you want me to tell her, mother?" Tanong ni Yuna ngunit itinaas lamang ni ina ang kaniyang kamay bilang sagot.

"Pakibukas ng pintuan." Utos ni ina sa isang guwardiya na agad naman itong sinunod.

Pagkabukas ng pinto ay pumasok si ina at lumapit sa'kin. Ando'n pa rin ang ngiti sa kaniyang labi ngunit hindi ko gusto ang ngiti niya.

Napasandal ako sa semento ng makalapit siya. Hinaplos niya ang aking pisngi. "My dear..." she whispered. Ngunit nabigla ako ng sampalin niya ako. Isang malakas na sampal na pakiramdam ko ay bumakat ang kamay niya sa pisngi ko.

Napahawak ako sa pisngi ko at tumingin sa kaniya. "I-ina..."

Hinawi niya ang kamay kong nakahawak sa pisngi ko tsaka niya hinawakan ng madiin ang baba ko.

"Ito ang kabayaran ng demonyo mong ama sa ginawa niya sa pinakamamahal kong asawa." Puno ng hinanakit na sabi niya sa'kin.

"H-hindi kita maintindihan, ina..." nahihirapang sabi ko.

When Snow White meets Her Prince (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon