Sorry dahil alam kong matagal ang update ko dito. Hindi na ako maglalagay ng kung ano-anong author's note puchu puchu kaya heto na, magbasa na lang kayo.
Enjoy :)
Kung may gusto kayong itanong sa'kin, just comment.
Sabi nga sa kanta: "Huwag mahihiyang magtanong."
Hehehe. Ang dami ko ng sinasabi.
PS: Sinong marunong gumawa ng book cover? Gusto ko sanang palitan ang cover ng story na 'to. Pretty please? Just message me.
--
Hindi man lang ako nakatulog ng maayos. Hanggang ngayon iniisip ko pa rin kung sino 'yung kausap ni ina kagabi doon sa kwarto niya.
Tumayo ako at nagpunta ng banyo upang maligo. Pagkatapos kong maligo ay nagpunta ako sa closet ko at pumili ng damit na pwede kong suotin. Hanggang sa nakita ko ang isang dress, kulay puti ito, long sleeves at off shoulder. Simple lang ang disenyo at may nakasabit na maliliit na diyamante sa ibabang parte ng dress. 'Yon ang napili kong isuot at tinernuhan ko ito ng kulay puting sapatos.
Inayos ko ang sarili kong buhok at nagsuot ng kulay puti na headband na may disenyong ribbon sa magkabilang gilid nito.
Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin dito sa loob ng kwarto ko. Hindi si Shirayuki ang nakikita ko na nag-aaral sa Magical Academy, kundi si Shirayuki na isang prinsesa dito sa kaharian ng Frost.
Nagpunta ako sa veranda at binuksan ang glass door. Lumabas ako. Napapikit ako habang dinadama ko ang malamig na hangin na tumatama sa aking balat. Pinatong ko ang dalawa kong kamay sa railing at binuksan ang aking mga mata at pinagmasdan ang malawak na harden. Nagsalubong ang aking mga kilay ng makita kong wala na doon ang mga bulaklak at tanging mga damo na lang ang natira.
Nasaan ang mga bulaklak?
Napatingin ako sa pinto ng makarinig ako ng katok.
"Shirayuki-hime? Gising na po ba kayo?" Narinig kong tanong ni Akira mula sa labas.
Naglakad ako patungo sa pinto at binuksan ito.
"Bakit Akira?" Tanong ko.
"Pinapababa na kayo ng mahal na reyna upang kumain ng breakfast." Nakatungong sabi ni Akira.
"Okay." Lumabas ako ng kwarto at sinarado ito. Sumabay ako kay Akira sa paglalakad.
"Bagay sa inyo ang iyong kasuotan, Shirayuki-hime." Sabi ni Akira.
"Maraming salamat. Wala na kasi akong ibang mahanap na damit na magigustuhan ko. Hanggang sa nakita ko ito at ito na lang ang napili kong suotin."
Pagkababa ko ay agad akong nagpunta sa dinning area. Nakita ko si ina at si Yuna. Nasa dulo si ina habang nasa left side naman niya si Yuna.
Lumapit ako at naupo sa right side ni ina at kaharap si Yuna. Napatingin ako kay Yuna. Nagsimula na siyang kumain pero may napapansin ako sa mukha niya dahilan upang magtaka ako.
Bakit namumula ang pisngi niya? May sumampal sa kaniya?
"Kumain ka na, Shirayuki. Bago pa lumamig ang pagkain." Ani ni ina.
"O-opo, ina." Pinaglapat ko ang dalawa kong palad. "Itadakimasu." Nagsimula na akong kumain.
"Naging mahimbing ba ang iyong tulog, Shirayuki?" Tanong ni ina sa gitna ng hapag-kainan.
"O-opo.."
"Mabuti kung ganoon. Hindi ko kasi nagawang ipalinis ang kwarto mo kasi may code at hindi makakapasok ang mga katulong. Tanging ikaw lang ang may alam sa code papasok sa iyong kwarto." Nakangiting sabi niya sabay subo ng pagkain na nakatusok sa tinidor.
BINABASA MO ANG
When Snow White meets Her Prince (COMPLETE)
FantasyBook 2 of Magical Academy: The Fire Princess.