Yuki's POV
Papunta ako ngayon sa clinic. Tapos na kasi ang klase namin kaya naisipan kong bisitahin sila. May dala akong mga pagkain para kina Shin at King.
Speaking of King, kumusta na kaya siya? Sana naman ayos na siya ngayon.
Nung nasa tapat na'ko ng pinto ng clinic, kumatok muna ako. "King, ako 'to si Yuki. Pwede ba akong pumasok?" tanong ko.
Pero wala man lang sumagot. Hinawakan ko ang doorknob. Buti na lang hindi naka-lock. Sumilip muna ako sa loob. "King? Shin?"
Nagulat ako nang walang nakahiga sa kama. Patakbo akong pumasok at nilagay ang dala kong pagkain sa mesa.
"King? Nandito ka ba sa loob?" nagsimula na'kong kabahan. Nasaan kaya siya?
Nakarinig ako ng tunog na umaagos na tubig mula sa banyo. Hindi ako nagdalawang isip at nagtungo ako dun. Dinikit ko ang tenga ko sa pinto at pinakinggan kung may tao ba sa loob.
"King, andyan ka ba sa loob?" tanong ko.
"Ugh.." nagulat ako nang makarinig ako ng isang ungol.
Bumilis ang tibok ng puso ko. Anong nangyayari sa kanya sa loob?
Kinatok ko ang pinto. "King, ayos ka lang ba? Please answer me!" sigaw ko mula sa labas.
"Yu...ki.."
Oh no. Hinawakan ko ang doorknob at buti na lang hindi ito naka-lock.
"Ki--KYAA!" tinakpan ko ang mukha ko ng dalawa kong kamay at mabilis na tumalikod. "G-gomenasai!" paumanhin ko.
Pagbukas ko kasi ng pinto tumambad sa'kin si King na..n-nakahubad ng pagn-itaas at naliligo.
"Gomenasai! Hontoni gomenasai!"
"It's okay. You don't have to apologize again and again." pinatay niya ang shower. "Bakit mo nga pala ako hinahanap?"
"Akala ko--KYAA! M-magsuot ka muna ng damit." akala ko naman nakabihis na siya. Hindi pa pala.
"Haha. Okay. Hintayin mo na lang ako sa kama. Magbibihis lang ako." sabi niya.
Tumango ako mabilis na nagtungo sa kama. Hinintay ko ang paglabas ni King mula sa banyo. Hindi ko maiwasang mapaisip dahil dun sa nakita ko. God, hindi ko aakalaing ganun pala kaganda ang katawan niya. Kitang-kita mo talaga 'yung mala-muscles na katawan nito.
Tsaka, 'yung anim na bundok sa may bandang tiyan niya.
Ano kaya ang tawag dun?
"Sorry to keep you waiting." tumingala ako't nakita ko siyang lumabas ng banyo. Buti na lang nakasuot na siya ng damit niya.
"So, bakit mo nga pala ako hinahanap?" umupo siya sa kama. May nakasabit na maliit na tuwalya sa balikat nito at basa pa din ang buhok niya.
Hindi ko maiwasang mamangha dahil sa kaguwapuhan niya. Siguro ang dami nang nagkagusto sa kanya.
"Ahm, gusto ko lang sanang kamustahin ka. Kung ayos na ba 'yung sugat mo sa ulo." sabi ko.
"I'm already fine. Ayos na din ang sugat sa ulo ko." ngitian niya ako.
Nakahinga ako ng maluwag. Buti na lang at ayos na siya.
"Is there something wrong?"
Tumingin ako sa kanya. "Medyo kinabahan lang ako."
"Why?"
"Kasi.. Akala ko kung napano ka na dun sa loob ng banyo. Nung tinawag kita hindi ka naman sumasagot. Pinag-alala mo tuloy ako."
BINABASA MO ANG
When Snow White meets Her Prince (COMPLETE)
FantasyBook 2 of Magical Academy: The Fire Princess.