Third Person's POV
Patuloy sa pagwawala ang halimaw. Halos magkagulo ang mga estudyante ng Magical Academy. Sinisira nito ang mga buildinf at sinusunog ang mga puno gamit ang pulang apoy na nanggaling sa bibig nito.
Hindi naman makagalaw si Yuki sa kinatatayuan niya. Pinagmasdan niya lang ang halimaw... ang lalaking mahal niya... si Keita.
Halos lahat ng estusyante ay ginamit ang kanilang kapangyarihan upang paigilan ang nagwawalang halimaw. Pero masyado itong malakas.
"Keita..." Mahinang sabi niya. Biglang napatingin sa kanya ang halimaw. Ibinuka nito ang kanyang bibig ay nagpalabas ng matinding apoy at mukhang siya ang target nito.
Hindi agad makagalaw si Yuki dahil gulat pa din siya sa mga pangyayari.
Hanggang sa may lumitaw sa harap niya at tinira ng apoy ang apoy nung halimaw at nawala agad ito.
"Light..."
Hindi sumgot si Light. Hinila niya si Yuki palayo sa halimaw. Tumigik sila sa isang puno. "You stay here."
Akmang aalis na si Light nang hawakan ni Yuki ang kamay niya. "S-saan ka pupunta?"
"Pipigilan ko ang halimaw na 'yan."
"Pipigilan? A-anong ibig mong sabihin? Papatayin niyo siya?"
"We don't have any choice, Yuki."
"No!" Sigaw ni Yuki. Hinigpitan niya ang pagkakahawak sa kamay ni Light. "Please don't kill him!"
"Yuki, kapag hindi natin siya pinigilan patuloy niyang sisirain ang paaralan."
"Pero si Keita pa rin 'yan!"
Tiningnan ni Light si Yuki habang umiiyak. "I'm sorry, Yuki. Ang kaharap mo ngayon ay hindi si Keita, kundi isang halimaw." Sabi niya at tuluyang iniwan ang dalaga.
Binalikan ni Light ang halimaw at tinulungan ang ibang estudyante na patumbahin ito. Tama nga ang kutob niya kanina. May mangyayari ngang hindi maganda.
Nagpalabas siya ng apoy at tinira sa halimaw pero mukhang hindi man lang ito nasaktan.
"Damn it!" He curse.
Kahit anong gawin nilang atake hindi pa rin nasasaktan o nasugatan man lang ang halimaw. It's like its body is made of metal.
Nakita niyang tumingala ang halimaw at parang may nakita siya sa kanyang itaas. Tumingin din siya kung saan nakatingin ang halimaw. Nanlaki ang mga mata niya nang makita niya si Saphire na nakalutang sa ibabaw ng ulo ng halimaw. At mukhang siya ang puntirya ng nito.
"Saphire, get the hell away from there!" Sigaw ni Light sa kanyabng kakambal.
BINABASA MO ANG
When Snow White meets Her Prince (COMPLETE)
FantasyBook 2 of Magical Academy: The Fire Princess.