One week. One week na silang absent. Saphire and Light. I can't help but to sigh. Pinatong ko na lang ang baba ko sa kamay kong nakapatong sa mesa at tumingin sa bintana.
Ano kayang nangyari? Nung mga nakaraang araw, okay pa naman kami. Girls bonding. Well, kasama dun sina Light at Echo. Inaasar ni Echo si Saphire habang hindi namin mapigilang tumawa.
That moment was perfect. Pero...
I sigh again. Pinatong ko ang ulo ko sa desk. I miss him...
Tumayo ako at lalabas sana ng biglang sumulpot si Echo sa may pintuan at mukhang may hinahanap. At nung makita niya ako nanlaki ang mga maya niya.
"Found you!" Sigaw niya at nilapitan ako.
"Bakit, Echo? May problema ba?" Tanong ko. Hindi niya ako sinagot at dali-dali niya akong hinila sa kamay palabas ng classroom. Tumakbo kaming dalawa palabas ng building at palapit ng gate. Naaninag ko dun sa sasakyan na nakaabang.
Pumasok kaming dalawa ay agad n pnaharurot ang kotse papunta sa palasyo.
"Uhhh, Echo? What's happening?" Tanong ko kay Echo.
Tumingin siya saken at ngumiti ng alanganin. "Sorry kung hinila kita bigla. Gusto ka na niya kasi makita. Miss na miss ka na daw niya."
Miss na daw niya ako? Siguro ang tinutukoy niy ay si...
--
"WAAAAAHHH!!! YUKIII!!! I SO SO SO MISS YOOOUU!!" Sigaw ni Saphire habang yakap niya ako ng mahigpit. Kawawa tenga ko. "One week na tayong hindi nagkita at miss na miss na talaga kita!"
"Tch. Ingay talaga. Parang isang taon kayong hindi nagkita." Sabi naman ni Light habang nakalagay ang maliit niyang daliri sa kanyang tenga at iniikot ito. Nabingi yata siya sa sigaw ni Saphire.
"Che! Kontrabida ka talaga kuya!" Saphire stuck out her tounge.
"Epal ka naman." Light stuck out his tounge, too.
Nandito kaming pito sa kwarto ni Saphire. Yup, pito. Andito kasi sina Bloom, Kim at Frez. Kaya pala hindi ko sila nakita kanina andito na pala sila. At mukhang first time yata nilang makaapak dito sa loob ng palasyo. Medyo naiilang nga sila nung una kasi nadatnan nila ang reyna nung pabalik na ito sa opisina niya. Pero sinabihan lang sila ni Queen Ember na, "Pumasok kayo huwag kayong mahiya. It's so nice that both of them brought their friends here. Just feel at home."
Ang bait talaga ni Queen Ember noh?
"So, kwento na." Sabi ni Bloom habang kumkain ng pancake na niluto ni Queen Ember. May ilang maids at butlers din ang nags-serve samen.
Saphire sigh. "Sorry kung hindi kami nakapag-paalam na one week kaming mawawala. Biglaan kasi ang nangyari."
"Biglaan?" Tanong ni Kim.
Saphire nod her head. "Because, you see... Um.." Yumuko siya at nilaro-laro and daliri niya.
"Malapit na ang birthday naming dalawa." Lahat kami napatingin kay Light which is katabi ko lang. Sa kabilang side ko naman ay si Saphire habang nakaupo naman sa tapat namin sina Kim, Bloom at Frez habang sa single chair naman si Echo.
"Light!" Hinampas ni Saphire ng unan si Light.
"What's that for?!"
"You're ruining my act! Ugh! Ako dapat ang nagsabi nun at hindi ikaw!"
"Wait, wait, wait.." Biglang sumingit si Kim. "Birthday? Ninyong dalawa?"
Natigil sa pagbabangayan ang dalawa at sabay na tumango. Nanlaki ang mata naming apat, well except kay Echo dahil mukhang alam na niya ang tungkol sa birthday nila.
BINABASA MO ANG
When Snow White meets Her Prince (COMPLETE)
FantasyBook 2 of Magical Academy: The Fire Princess.