17th Chapter

3K 116 8
                                    

Nilapitan ni Yuki ang nagwawalang halimaw nang mapansin niya si Light na pinipigilan ang halimaw.

Lalapitan niya sana si Light upang tulungan siya nang maaninag niya ang isang pigura ng isang tao na nakahiga sa lupa malapit sa kinatatyuan niya.

"Saphire!" Patakbo siyang lumapit kay Saphire at lumuhod. Nakita niya ang ilang sugat sa katawan nito. "Saphire..." Sinubukan niyang gisingin ito. Pero nanatili itong nakapikit.

Narinig niya ang malakas na sigaw ng halimaw. Lumingon siya at nakita niyang hahampasin nito si Light na nakahiga sa lupa. Bago matuloy ng halimaw ang paghampas ay nagpalabas siya ng isang makapal na yelo at hinarangan ang hampas nung halimaw.

Bahagyang nagulat si Light. Napatigin ang binata aa direksyon niya. "Yuki..."

Tumayo si Yuki habang nakatuon ang mga mata nito sa halimaw. Humakbang siya palapit sa halimaw at hindi pa rin tinatanggal ang mga tingin niya dito.

"Yuki, step back! Masasaktan ka lang! Masyado siyang malakas!" Sigaw ni Light. Ngunit parang walang narinig ang dalaga. Napansin niyang seryoso ang mukha nito. Ngayon niya lang nakita si Yuki na ganyan ka-seryoso ang mukha.

Tumigil si Yuki sa harap ng halimaw. Tinitigan niya ito, tinitigan din siya ng halimaw. Naiyukom niya ang kanyang mga kamay. "Keita, kung naririnig mo man ako. Pakiusap tumigil ka na. Bumalik ka na sa dati." Pakiusap niya.

Hindi umimik ang halimaw. Nagulat siya nang bigla itong sumigaw at nagpalabas ng isang matinding apoy at tinira si Yuki. Mabilis na kumiloa si Yuki at gumawa ng shield gamit ang yelo.

Sumunod naman ang malalaking kamay nito at hinampas siya buti na lang ay nailagan niya ito pero nagulat siya nang sinalubong siya ng malaki nitong buntot kaya tumalsik siya at tumama ang likod niya sa pader ng building. Bumagsak siya pero nagawa pa niyang itukod ang mga tuhod niya. Dumaloy ang dugo mula sa kanyang uli pababa ng kanyang mukha. She's breathing heavily. Napahawak siya sa kanyang tyan at napaubo siya ng dugo.

Hindi niya inaasahan na ganito kalakas ang halimaw.

"Yuki!" Nakita niyang patakbong lumapit sa kanya si Light pero agad na hinarang ng halimaw ang malaki nitong buntot at sinugod si Light. Bumuga ito ng apoy at tinira ang binata. Nagawa namang iwasan 'yun ni Light.

"I've had enough of you!" Sigaw ni Light. Nagpalabas siya ng apoy mula sa kamao niya. Tumakbo siya at sinuntok ng malakas ang paa nito. Narinig niya ang malakas na sigaw ng halimaw, hudyat na nasasaktan ito.

Agad siyang lumayo nang hahampasin siya ng buntot nito.

--

Dahan-dahang tumayo si Yuki. Napaungol siya dahil sa matinding sakit na nararamdaman niya aa kanyang tyan pero hindi niya 'yun pinansin. Pinunasan niya ang dumaloy na dugo mula sa kanyang labi at muling sinugod ang halimaw.

Nagpalabas siya ng nyebe mula sa kanyang dalawang kamay at pinuntirya niya ang mga paa nito at ginawa itong yelo upang hindi ito nakalakad. Patuloy siyang nagpalabas ng nyebe sa mga kamay niya. Halos mawalan siya ng lakas dahil nahihirapan siyang pigilan ang halimaw.

Pero sa huli ay nabigo siya dahil nagawang sirain ng halimaw ang yelo na ginawa niya. Agad na nagpabuga ng apoy ang halimaw at tinira siya. Mabilis siyang gumawa ng harang at hinarangan ang atake ng halimaw.

When Snow White meets Her Prince (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon