25th Chapter

3.2K 124 5
                                    

   "Heto, suotin mo 'to!"

   "Hindi! Huwag kang makinig dyan! Ito talaga ang suotin mo! Mas bagay ka dito!"

   "Ay nako! Huwag kang makinig sa dalawang 'yan! Dapat sakin ka makinig! Kaya heto, ito ang suotin mo!"

   Nalilito nako sa kanilang tatlo. Kanina pa sila ganyan. Ako nakaupo lang dito sa kama ng dorm namin ni Saphire.

   Today is Saphire and Light's birthday. Busyng-busy ang mga students, teachers at coucils sa paghahanda para sa magaganap na evening ball.

   And here I am. Dinala ako nina Kim, Bloom at Frez dito sa dorm namin ni Saphire kasi daw may binili na dress sakin si Saphire nung nawala ako don sa mall. Sobrang galit nga si Saphire kay Light kasi daw kinidnap niya ako. Kawawa naman si Light, hehe.

   "Ano na, Yuki? Kanino ang pipiliin mo?" Tanong ni Kim na may hawak na dress na kulay blue. Si Bloom naman kulay green at si Frez na kulay pink. Lahat naman sila magaganda at simple. Pero...

   "Wala bang kulay puti?" Tanong ko. Nagkatinginan silang tatlo. Natawa ako. "Biro lang. Okay lang kahit walang puti. Ano... Yan na lang kay--"

   *tok* *tok* *tok*

   Lahat kami lumingon sa pinto ng biglang may kumatok. Sumilip si Analee, classmate ko.

   "Hi. May delivery nga pala para kay Shirayuki."

   Tumayo ako at lumapit sa kanya. Nakita kong may hawak siyang box. Isang malaking box. "Para sakin 'yan?" Tanong ko.

   Tumango siya. Kinuha ko ang box at inalog ito. Hala, may tumunog sa loob. Ano kaya laman neto? "Kanino galing?"

   Ngitian niya ako ng napakalapad. "Secret. Hehe. Osya alis nako. Maghahanda pa ako eh. Babye."

   "Salamat dito." I wave goodbye at her and she left. Sinarado ko ang pinto at pinakita sa kanila ang delivery box.

   "Ano 'yan?" Tanong ni Bloom
  
   "Malamang box. Bulag lang teh?" Tiningnan ng masama ni Bloom si Frez.

   "Kanino galing?" Tanong ni Kim.

   Nagkibit-balikat ako. "Hindi ko alam."

   "Uy, may sulat oh." May kinuha si Bloom mula sa left side ng box. Bakit hindi ko napansin na may sulat palang nakadikit? Kinuha ko 'yun at binasa.

   I'll be expecting you to wear this tonight.

   Napangiti ako. Mukhang alam ko na kung kanino galing ang box na 'to.

   "Uuuuuyy." Bigla akong napatingin sa kanilang tatlo.

   "Ang sweeeet." Tukso ni Bloom.

   "Kinikilig akooo." Dagdag ni Frez.

   "May secret admirer ka pala, Yuki?" Tanong ni Kim.

   I shrug my shoulders. Umupo ako sa kama ay nilapag ang box sa lap ko at binuksan ang takip. Bumungad sakin ang isang puting dress. A simple yet beautiful white dress with a white sandal in it. Pero maliit lang ang takong.

   "Ang gandaaa." Sabi nina Kim, Bloom at Frez.

   I smile. Thank you, Light. I'll definitely wear this tonight.

--

   Pagkatapos nila akong ayusan naghanda na kami para sa pag-alis.

   "Gosh, Yuki. For sure sayo ang spotlight ngayong gabi. Ang ganda mo, promise!" Sabi sakin ni Kim.

When Snow White meets Her Prince (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon