Halo-halo ang nararamdaman ko ngayon. Hindi ko alam kung anong emosyon ang uunahin kong ipalabas. Madiin kong niyukom ang kamao ko habang nakatitig kay Yuki na hirap na hirap sa paghinga at halatang nahihirapan. Napapangiwi siya sa tuwing nararamdaman niya ang kirot.
"There. Okay na. May kailangan ka pa ba?" Narinig kong tanong ng nurse kay Silver.
Umiling si Silver bilang sagot. Ang mga mata niya ay nakatutok pa rin kay Yuki.
Pagkalabas ng nurse saka ko lang siya kinausap. "What happened?"
Hindi siya nagsalita at nakatingin pa rin siya kay Yuki. Hindi ko mapigilan ang sarili ko't nilapitan siya at hinila sa kwelyo. "Tinatanong kita. Anong nangyari sa kaniya?!"
Sa halip na magsalita ay nanatili pa rin siyang tahimik.
"Fuck! Answer me you asshole!" Nag-iinit na ang kamao ko at gusto ko na siyang suntukin sa mukha.
Dahan-dahan siyang tumingin sa'kin. Hinawakan niya ang kamay kong nakahawak sa kwelyo niya at pilit na inalis 'yun. "Let go of me."
"Oh, I will let go of you if you tell me what happened to Yuki."
"I said let go of me."
"Magsalita ka bago kita sunugin ng buhay, Silver! Anong nangyari kay Yuki!"
"She was being tortured by her step-mother and step-sister." Sabi niya na ikinabigla ko.
"What?" Di ako makapaniwala sa narinig ko.
"You heard me, minamaltrato siya ng sarili niyang pamilya. Ikinulong siya sa isang tore at don ay pinaparusahan siya. Kaya dapat nga magpasalamat ka pa sakin dahil inilayo ko siya at binalik ko siya dito sa academy."
Fuck it. Tama nga ang hinala ko. Walang magandang mangyayari kay Yuki kapag bumalik siya doon sa palasyo nila. Kaya nga ba natagalan ang pagbalik niya dito sa academy? Kasi minamaltrato siya ng step-mother niya at step-sister niya? How could they do this to her?! Kahit na hindi sila magkadugo, pamilya pa rin sila!
Damn, I want to kill them for torturing Yuki like this!
"Paano mo nalaman na ginaganun siya ng pamilya niya?" Tanong ko dahilan upang matigilan siya.
Agad siyang nag-iwas ng tingin. Sa paraan ng pag-iwas niya, nasisiguro kong may nililihim siya.
"Anong alam mo sa mga nangyayari kay Yuki, Silver?" Tanong ko ngunit nanatili siyang tahimik.
Pinakititigan ko siya ng matagal ng marinig namin ang pagbukas ng pinto. Pumasok si Tita Angel kasama si Claire.
May dalang puting maliit at pa-rectangle na kahon si Tita Angel.
"Oh my God. What happened to her?" Tanong ni Claire nang makita niya ang kalagayan ni Yuki. Walang sumagot sa tanong niya at pinili na lang naming manahimik.
Nilabas ni Tita Angel ang laman ng kahon, isa pala itong injection na may lamang kulay berdeng liquid sa loob.
Hinawakan niya ang nangingitim na braso ni Yuki at tinurok ang injection.
Nakita ko ang pagngiwi ni Yuki. Hahawakan ko sana siya ngunit bigla akong pinigilan ni Tita Angel.
"Huwag mo siyang hahawakan." Sabi niya. "Kapag hinawakan mo siya, maaaring hindi dumaloy sa ugat niya ang kulay berdeng liquid na pinasok ko sa katawan niya."
"Ano pong ibig niyong sabihin, Tita Angel?" Nagtatakang tanong ko.
"Aaahh! Ang sakit!" Biglang sigaw ni Yuki. Shit. She's hurting.
"Yuki.." muli akong pinigilan ni Tita Angel nang akmang hahawakan ko ang kamay ni Yuki.
"Huwag mo sabi siyang hahawakan, Light! Gusto mo bang mamatay si Yuki?"
BINABASA MO ANG
When Snow White meets Her Prince (COMPLETE)
FantasyBook 2 of Magical Academy: The Fire Princess.