LIKE ONLY A WOMAN CAN -Prologue-

2.4K 37 7
  • Dedicated kay Abby Gail Alimagno
                                    

-Prologue-

MATAMANG NAKATITIG SI KATHARINA sa monitor ng kanyang computer ng mahagip ng kanyang paningin ang isang ahenteng nakataas ang kamay na animo’y nanghihingi ng tulong.

“Oh, unsa man na, Roxanne? (Oh, ano yan, Roxanne?)” tanong ni Katharina sa salitang Bisaya.

“Miss, isog naman kayo ang customer. Nangayo ug supervisor. (Miss, galit na galit na po ang customer at nanghihingi ng supervisor)” sagot naman ng kanyang ahenteng si Roxanne sa wikang Bisaya rin. Lumapit ang dalaga sa cluster kung saan ito nakaupo.

“Okay, I’ll just take over the call. Give me the headset.” Pahayag niya dito.

Nagliwanag ang mukha ng ahente dahil hudyat iyon na mare-resolve na nito ang issue dahil sa pagte-take over ng tawag ng kanyang supervisor na walang iba kundi si Katharina. Umupo ang dalaga sa swivel chair at nagsimula ng makipag-usap sa customer.

“Hello Ma’am, this is Katharina the supervisor speaking. .Alright, Mrs. Clarkson. So I will just just cancel your order.” Sagot niya sa customer. “Okay. So thank you for calling and do have a great day, Ma’am.” Pinal na pahayag ng dalaga sa kausap.

Tiningnan nya si Roxanne. Nakayuko ang ulo nito. “Gi-cancel na niya iyang order nga phone, Roxanne. Dugay man gud kuno ang delivery. (Kinancel na nya ang phone na inorder nya, Roxanne. Matagal daw kasi ang delivery.)” aniya sa kanyang ahente.

"Sorry Miss. Wala nako na-resolve ang issue. Nangayo man gud siya dayon ug supervisor kay gikapoy na kuno siya ug pakigstorya sa mga ahente. (Sorry Miss hah. Hindi ko po na-resolve yung issue. Humingi po kasi kaagad siya ng floor supervosir kasi sabi nya, pagod na daw siyang makipag-usap sa mga ahente.)” Nahihiyang sagot ni Roxanne

“Sus! Okay ra na uy! Kung dili siya ganahan di bahala siya. (Sus! Okay lang yun. Kung ayaw nya di bahala siya).” Makabagbag-damdaming sagot ng dalaga dito.

Bumalik na si Roxanne sa pagsagot ng mga tawag ng kanilang mga customers na taga-America habang si Katharina naman ay pinindot na ang isang button sa kanyang monitor para mag-break. . . 

Like Only A Woman Can (A Brian McFadden Fan Fiction) [Revising]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon