LIKE ONLY A WOMAN CAN -Chapter 33-

674 14 6
                                    

-Chapter 33-

MASAYA SI KIAN SA nasimulang hakbang upang tulungan ang isa sa kanyang matatalik na kaibigan na si Brian. Ginawa niyang dahilan ang pag-uwi sa Sligo upang hindi na dumagsa ang mga katanungan galing sa mga ito kung bakit siya pupunta sa Pilipinas. Bukas na bukas ay makikilala na niya ang taong siyang makakasangga niya sa pagtuklas kung ano talaga ang punu’t-dulo ng mga kaguluhang nangyayari. Ngunit kahit medyo maliwanag na sa kanya ang parte sa katotohanang kanyang narinig ay nanatiling tikom ang kanyang bibig sa apat na kaibigan at kasamahan sa banda. Habang nakahiga siya sa kamang nasa kwarto ng hotel kung saan siya naroon ay tahimik naman niyang binabalikan ang naging pag-uusap nila ni Vivien at iyon ang araw kung saan nawala ang kanyang pagdududa para kay Katharina. .

Habang nanunood siya ng pelikula sa DVD ay biglang tumunog ang kanyang celphone at pagtingin niya sa caller ID ay pangalan ni Vivien na kapatid ni Brian ang nakarehistro doon. Walang pagdadalawang-isip na pinindot niya ang “Answer” button saka sinagot ang naturang tawag.

“Hello, Kian? Can we meet at the Accents Coffee & Tea Lounge. I have an important thing to tell you.” Ani Vivien sa kanya mula sa kabilang linya.

“Sure! I’ll be there in 30 minutes.”

At dahil may kutob siyang tungkol kay Brian ang kanilang pag-uusapan ay hindi na siya nag-atubiling sumang-ayon sa itinawag ng kapatid ng kaibigan. Nang maputol ang linya ay agad siyang lumabas ng bahay at tinungo ang garahe kung saan naroon ang kanyang kotse. Pagkatapos paandarin ay agad niya iyong pinasibad patungo sa lugar kung saan sila magkikita ni Vivien. Wala pa ang dalaga doon ng dumating siya kaya naghintay pa siya ng konti habang hinihintay din ang kapeng kanyang inorder. Maya-maya’y nakita niyang nasa entrance na ito ng naturang coffeeshop at ng makapasok ay mabilis itong nagtungo sa pwestong kanyang kinauupuan. Ngumiti ang dalaga ng makita siya at umupo sa upuang nasa may kaliwang bahagi niya. Dumating din ang service crew na nagdadala ng kapeng kanyang inorder para sa kanilang dalawa ni Vivien.

“Hi, Kian! Thank you for coming over. I’m sorry if I’m a bit late.” Nakangiting bati ng dalaga.

“No worries, Vien. I just came in. So what important matter are we going to talk about?” Nakangiti ring saad ni Kian.

Biglang sumeryoso ang mukha ng dalagang kanyang kaharap saka tumiim ang titig sa kanya. Nakita ng binata na may dinukot ito mula sa shoulder bag na dala. Nang mailabas nito ang isang bagay mula doon ay nakita niya ang tila pamilyar na celphone na hawak nito.

“Yes, this is Bri’s phone. I chose to phone you because I’ve noticed that you’re closest to him among the three lads though we cannot really doubt the five of you’s closeness with each other. Kian, I think you should listen to the voicemail messages ang read the text messages inside the inbox and please tell me if you can help me with this.” Seryoso pa ring pahayag ni Vivien saka iniabot sa binata ang hawak na celphone nito.

Kinuha ni Kian ang iniabot sa kanya ng dalaga. Pinakinggan niya ang mensaheng nasa voicemail nito at kahit hindi niya maintihan ang ibig sabihin ay tila ramdam niya ang pait sa boses ni Katharina habang binibigkas ang mga kataga doon.

“Brian, please naman oh. Sagutin mo ang tawag ko. May problema ba tayo? Ilang araw mo na kasi akong hindi kinakausap. Please, kausapin mo naman ako.  May nagawa o nasabi ba akong ikinagalit mo? Huwag naman ganito, Bri. Kung may kasalanan man ako, please sabihin mo sa akin. Hindi ko kasi kaya na ganito tayo. Mahal na mahal kita, Brian. Mahal na mahal kita.” Umiiyak na pahayag ni Katharina na tila si Brian talaga ang kausap nito.

Like Only A Woman Can (A Brian McFadden Fan Fiction) [Revising]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon