LIKE ONLY A WOMAN CAN -Chapter 20-

727 17 2
                                    

-Chapter 20-

“KATHARINA, BUSY KA BA?” Biglang naalerto ang dalaga ng may nagsalita sa kanyang likuran. Nang lingunin niya ito ay ang nakangiting mukha ni Trixie ang sumalubong sa kanya. Mabilis na tumayo ang dalaga at tila hindi siya makapaniwalang pupuntahan talaga siya nito sa grill house. Saglit na napinid ang kanyang bibig.

“Ah, eh. Ikaw pala Miss Johanna. Hindi naman po ako busy. Actually, katatapos ko lang pong ilagay sa estante yung mga cakes na dala-dala ko kanina.” Magalang na sagot niya dito pagkatapos hamigin ang kanyang sarili.

“Ito naman, huwag mo na nga akong tawaging Miss o kaya’y pino-po. Nakakailang kasi eh. Mukhang magka-edad lang naman tayo. Saka magkaibigan na rin naman tayo eh.”  Patawa-tawa pa ito habang sinasabi iyon. Hindi talaga maiisip ng kahit sino na sa likod ng mga ngiting iyon ay may maitim itong  binabalak. Kung ano man iyon ay siya lang ang nakakaalam.

“Sige, ikaw ang bahala. Pero nakakahiya talaga sa’yo eh. Baka isipin ng mg kaibigan mo na bastos ang mga nagta-trabaho dito.” Nahihiyang saad ni Katharina.

“Asus! Hindi ah! Saka, wala akong ibang kasama dito.” Ani Trixie. “Ikaw lang talaga ang ipinunta ko dito. Nagta-tiyaga nga lang ako sa pangit na resort na to.” Saisip nito.

“Hay naku! Bahala ka na nga.” Pero bakit tila kay gaan ng loob ng dalaga sa bagong kaibigan. Hindi rin niya maitatanggi na nagagandahan siya dito at nagagalingan siya sa paraan ng pagdala nito ng damit.

“Cuz! Tapos mo na ang pag-aayos ng mga cupcakes mo? Ang bilis yata.” Ani Jannah ng dumating ito.

“Ang tagal ko ngang natapos eh. Ah, ito nga pala si Jannah. Miss—ah, eh Johanna. Pinsan ko at Cuz, si Johanna. Bago kong kaibigan dito.” Pagpapakilala niya sa dalawa.

“Hi Jannah! Magkatunog pa pala names natin.” Bati ni Trixie dito saka inilahad ang kanyang palad. Hindi iyon tinanggap nito bagkus ay hinagod nito ang tingin ng bagong kaibigan ng pinsan saka nagkibit-balikat.

“Taga-saan ka?” Diretsang tanong nito sa babae. Walang nagawa si Trixie upang bawiin ang kanyang palad.

“Taga Maynila ako. Narinig ko kasi na maganda ang resort na ‘to kaya pinuntahan ko kaagad and it’s true! The resort is really amazing!” Napatango-tango lang si Jannah sa sinabi nito saka marahang hinila ang pinsan.

“Ah, may sasabihin na muna ako kay Cuz ha, Johanna. Medyo confidential kasi eh. Tungkol sa resort.” Paalam nito sa babae.

“Sure! Take your time.” Nakangiting sagot ni Trixie. Napilitang sumunod si Katharina sa pinsan dahil malakas ang pagkakahila nito sa kanyang kamay.

“Teka, teka. Ano ba talaga problema bakla?” Tanong ng dalaga sa pinsan. Binitiwan nito ang kanyang kamay at saka nagpaka-wala ito ng isang buntong-hininga.

“Hmm, hindi ko yata type ang karakas niya, Cuz. Ewan ko lang ha, pero parang mabigat ang loob ko sa kanya. Para kasing may naaamoy akong hindi tama.” Seryoso nitong pahayag sa kanya saka nilingon si Trixie na ngayon ay nililibot ang paningin nito sa buong grill house.

“Naaamoy? Hindi ko alam na may pagka aso ka na pala ngayon. Ibang klase ka rin Cuz no?” natatawang sagot niya dito.

“Seryoso kaya ako Cuz. Ewan ko ba pero hindi ko talaga kayang makipag-plastikan sa kanya. Ngayon ko pa lang siya nakilala pero ewan ko ba.”

“Hindi naman! Ang bait niya kaya kasi nakabangga ko siya kanina. Natumba siya sa damuhan pero take note, hindi siya nagalit.” Pangungumbinsi niya sa pinsan. Nagkibit-balikat lang si Jannah. “Maniwala ka nalang kasi sa goodness! Hindi naman kasi sa lahat ng panahon ay kailangan nating pagdudahan ang mga taong nakikilala natin.” Dagdag pa niya.

Like Only A Woman Can (A Brian McFadden Fan Fiction) [Revising]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon