-Chapter 23-
“TATLONG LINGGO NALANG AT lilipad na patungo dito Pilipinas ang pinakasikat na bandang Westlife na kinabibilangan ng limang binatang walang itutulak-kabigin sa kakisigan at ka-gwapuhan na sina Brian McFadden, Mark Feehily, Shane Filan, Kian Egan at Nicky Byrne para sa kanilang Turnaround Tour. Makikita natin sa screen ang kanilang pagiging abala sa pagsasanay para sa napipintong konsiyerto. Inaasahang mapupuno ang Smart Araneta Coliseum sa araw na iyon patunay na hindi na talaga mapipigilan ang kasikatan ng kanilang grupo. Ang nasabing concert ay siya ring pamasko ng grupo para sa kanilang pinoy fans. At ito po si Phoemela Baranda para sa ating Star Patrol!” ang nakangiting pahayag ng anchor woman ng gabing iyon ng manuod ng TV Patrol sina Katharina, Jannah at Anna Lou habang hinihintay ang panggabing palabas. Maaga silang umuwi dahil inaasahan na ang pagbuhos ng isang napakalakas na ulan.
“Ayyyy! Cuz, I’m so happy for you! Magkikita na naman kayo ni Papa B!” Tili ni Jannah pagkatapos magsalita ang anchor woman sa telebisyon.
“Oo nga, Cuz. Excited na nga ako eh. Ano na kaya ang histura ni Brian ngayon sa personal? Mas lalo siyang gumwapo dahil nag-ahit na siya noong interview nila sa Disney at bumalik na rin sa pagka blonde ang buhok niya. Hindi pa rin kasi nawala ang pagka fan ko sa kanya.” Nagniningning ang mga matang sagot ng dalaga sa pinsan.
“Kahanga-hanga naman kasing talaga si Papa B, Cuz. Basta, sama-sama tayong tatlong lumuwas ng Maynila isang araw bago ang concert ha?” pahayag pa nito.
“Hindi talaga ako mawawala diyan, Cuz! First time ko yatang ma-meet ang baby Shaney ko! Yeeee!” Pakli ni Anna Lou na hindi na rin mapigilan ang pagtili.
“Isang napakalaking excuse me lang sa mga nuno sa punso ha, akin si Shane! Doon ka kay Kian!” Kunwari’y napoprotestang saad ni Jannah.
“Pwede rin. Pero, tingnan nalang natin kung saan si Shaney ko Cuz ha? May the best woman wins!” Tatawa-tawa pa nitong sagot.
Hindi na rin napigilan ni Katharina ang mapatawa kapilyahan ng mga pinsan kaya nakisabay na in siya sa usapan.
“Magsitigil nga kayo diyan! Ang sarap niyo talagang pagbuhulin na dalawa ‘no? Idinamay niyo pa si Shane sa kalokohan ninyo.” Aniya saka napahagikhik.
“Ah, basta ako. Naniniwala ako na magkakaroon ng himala at magkakamatris ako para maging kami ni Shane!” giit pa rin ni Jannah.
“At—“ Hindi na nagawa pang sudlungan ni Anna Lou ang kanyang sabihin ng magsalita ang kanilang pinsang bakla.
“At! Huwag ka ng umangal kasi may Papa Justin ka na! Ibalato mo nalang sa akin si Papa Shaney ha? Magpapasko na at ako na lang kasi ang walang lovelife sa ating tatlo. Pabayaan niyo na akong lumigaya!” Palatak nito.
“Tingnan mo ‘tong baklang ‘to! Parang korek kung makapagsalita ah! Hoy! Walang ganyanan ha. Huwag mo akong i-blackmail kay Justin! Bakla ka.” Nakatawang sagot ni Anna Lou.
“Baka magkasabunutan pa kayo diyan ha. Kawawa naman si Shane. Baka mabilaukan iyon kasi nililibak niyo!” sabad ng dalaga.
“Wala na nga akong sinabi eh. Humanda ka sa akin Anna Lou!” Pabirong banta ni Jannah sa isa pang pinsan.
“Halina kayo. Kakain na tayo ng hapunan!” Tawag ni Aling Isabel sa kanilang tatlo mula sa kusina.
“O, siya, siya. Tama na. Gumising na kayo dahil baka humantong sa bangungot ang panaginip niyo. Kakain na raw.” Nakapandilat ngunit natatawang sabi ni Katharina sa pinsan saka tiningnan din si Anna Lou. Kaya hindi nalang umangal pa ang dalawa at sabay na silang nagtungo sa kusina.
BINABASA MO ANG
Like Only A Woman Can (A Brian McFadden Fan Fiction) [Revising]
Fanfic[[NOTE: This is the unedited version of the story so please bear with the typos and wrong grammar. I'm still finding enough time to polish this so it would look presentable.]] "Like Only A Woman Can" is a fan-fiction romance novel written by Yours T...