LIKE ONLY A WOMAN CAN -Chapter 18-

684 20 2
  • Dedicated kay Marivic Larido Idano
                                    


Note: To those who are unfamiliar with the song, just click the video that I tagged. Thanks much and enjoy reading! Luv yah! xxx

 ------------------------------------------------------------------------------------------------------------

-Chapter 18-

“'Cause baby Goodbye doesn't mean forever. .Let me tell you goodbye doesn't mean we'll never be together again. .If you wake up and I'm not there, I won't be long away. .'cause the things you do my goodbye girl. .Will bring me back to you. .”

Iyon ang kantang ngamumula sa guard house na nagpagising kay Katharina sa umaga ng huling araw ni Brian sa resort. Walang ganang bumangon ang dalaga mula sa kamang kinahihigaan. Namanhid ang utak niya. Pakiramdam niya ay hindi niya alam kung paano haharapin ang araw na hindi niya kasama ang binatang iniibig. Tila naririndi siya sa ideyang iyon kaya napatitig nalang ang dalaga sa kisame. Maya-maya’y nangilid ang luha sa kanyang mga mata. Walang humpay ang kanyang pag-iyak dahil hindi pa man niya nakikitang umaalis ang binata, pakiramdam niya’y tila nag-iisa na siya. Pagkatapos ibuhos ang lahat ng sama ng loob, inot-inot na bumangon ang dalaga. Halos madilim-dilim pa sa labas ng sumilip siya. Tulog pa ang lahat ng tao sa loob ng bahay. Nagpasya ang dalaga na pumunta sa dalampasigan at maglakad lakad upang kahit papaano’y maibsan ang lungkot na nararamdaman. Tahimik pa ang cottage na inookupa ni Brian. Nang matapat siya sa may pintuan ay ilang beses siyang  nagtangkang kumatok ngunit naunahan na siya ng hiya.

“Naku! Baka isipin niyang napaka-cheap ko.” Saisip ng dalaga kaya ipinagpatuloy nalang niya ang paglalakad patungo sa dalampasigan. Wala pang katao-tao dun pero pakiramdam niya’y ligtas naman siya kasi private ang naturang resort. Naglakad pa siya ng naglakad hanggang sa pinakadulong bahagi. Namulot siya ng maliliit na bato at inihagis niya iyon sa dagat. Alas tres ng hapon ang flight ng binata. Alas singko y medya pa lang ng umaga. Kung magagawa lang niyang pigilin ang oras ay noon pa niya ginawa para hindi na umalis pa ito. Nang mapagod ang dalaga ay umupo siya sa malapad na bato at doon ipinagpatuloy ang pag-iyak.

----------------------------------------------         

Nagising si Brian ng dahil sa tunog ng kanyang celphone. Ibinuka niya ang isang mata upang silipin iyon. Tila hinaplos ng malamig na kamay ang kanyang puso ng makita ang screensaver na picture nilang dalawa ni Kaharina ang naroon. Hindi kasi siya masyadong nakatulog kagabi dahil sa despidida party na ginawa nina Jannah para sa kanya sa tabing-dagat. Pangalan ng kanilang manager na si Peter ang nakarehistro sa Caller ID ng kanyang celphone.

“Hello Brian! You need to fly back to Ireland as soon as possible because the producers and the sponsors of your upcoming world tour are calling for a meeting.” Mabilis nitong pahayag mula sa kabilang linya. Napapitlag ang binata sa sinabi nito dahil alas tres ang kanyang scheduled na flight.

“But—“ Hindi na natapos pa ng binata ang kanyang iba pang sasabihin dahil sumingit ulit ito mula sa kabilang linya.

“Just re-book the flight as soon as possible, Brian. Your presence is highly needed. Shane, Kian, Mark and Nicky are already back in Dublin.“ Malumanay na sabi ni Peter saka nagpaalam na ito na tila nagmamadali. Hindi na nagkaroon ng panahong tumanggi ang binata. Labis ang kanyang nararadamang kalungkutan sa napipintong pag-alis dahil hindi niya kayang iwan si Katharina. Tila hinihiwa ang kanyang puso sa isiping makakahiwalay sila ng dalaga ng isang taon. Kahit walang gana ay napilitan ang binata na bumangon mula sa kama. Sinipat niya ang relo. Alas sais na ng umaga.

Like Only A Woman Can (A Brian McFadden Fan Fiction) [Revising]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon