-Chapter 5-
NASASAKTAN SI AMANDA HABANG tinitingnan ang natutulog na si Brian. Hindi niya sukat akalain na sa dinami-dami ng mga lalaking nagakakandarapa sa kanya na hindi niya pinag-ukulan ng pansin dahil si Brian ang kanyang nagustuhan ay hindi pa siya nito magawang mahalin. Nadudurog ang puso niya sa ideyang wala na siyang pag-asang makamit pa ang pagmamahal ng lalaking pinangarap niyang makasama habambuhay kaya ipinasiya niyang lisanin nalang ang naturang hotel ng walang paalam. Natutulog pa ang binatasa kinahihigaang kama kung saan sila naka-check-in kagabi ng biglang mag-ring ang kanyang celphone. Kinapa niya ang bagay na tumutunog hanggang sa ito’y mahawakan. Tiningnan na muna niya ang screen at nakita niya ang pangalan ni Peter, ang kanilang General Manager. Pipikit-pikit pa siya na halatang inaantok pa saka pinindot niya ang “Answer” button at ipinatong iyon sa kanyang tainga.
“Lads, where are you now? You need to be ready because we’ll be flying to Stockholm, Sweden today for the recording of your upcoming album which is the ‘Turnaround’.” Mabilis na pahayag ni Peter sa kabilang linya.
Biglang nagising ang inaantok pang diwa ng binata kaya napabalikwas siya ng bangon. Pagkabangon niya ay nakita niyang wala na si Amanda sa kama. Sa pag-aakalang nasa banyo lang ang babae ay itinuon niya ulit ang pansin sa kausap niya sa celphone.
“WHAT?! I thought that would still be this coming Monday. Come on, Peter! Today is just Saturday!” Gulat na bulalas ng binata.
“Yes, That’s what I thought of too but the producers changed their minds and phoned me last night then informed me that we should be in Stockholm tomorrow so we need to prepare now. You and the rest of the lads should be in BMG building by ten in the morning, Okay?” Giit pa ni Peter.
Wala ng nagawa pa si Brian kundi ang sumang-ayon nalang at sinabing pupunta siya pagkatapos niyang ihanda ang kanyang mga dadalhin. Nawala na sa linya si Peter pero nakasimangot pa rin ang kanyang mukha sa inis. Nagsisi siya kung bakit pumayag pa na magpunta sa disco pub kagabi kundi sana ay nakapagpahinga pa siya. Nanggagalaiti nalang ang binata ng dahil sa inis at pagkatapos ay sinipat ang kanyang wristwatch. Alas siyete pa ng umaga. Nang maalala niya na wala sa kanyang tabi si Amanda ay kinatok niya ang banyo ngunit wala siyang narinig mula doon.
“Where is she?” tanong ni Brian sa kanyang sarili.
Bumalik siya sa kama at nakita niyang wala na ang damit ng babae doon kaya naisip niya na baka umalis na ito ng walang paalam. Kahit chickboy siya ay maalalahanin din naman siya kaya tinawagan niya ito upang itanong kung ayos lang ba ito. Saglit na idinayal ng binata ang numero ng dalaga sa kanyang celphone at nakatatlong rings rin bago may sumagot mula sa kabilang linya.
“Hello, Brian?”
“Why did you leave without informing me? Where are you now? Are you alright?” Magkasunod na tanong ni Brian sa dalaga.
“I’m already home now. Oops! I’m sorry if I wasn’t able to inform you. You were so asleep that I can’t dare to wake you up.”
Pilit na pinapasigla nito ang boses pero sa likod niyon ay nasasaktan ang kanyang puso sa tuwing naririnig niya ang boses ni Brian.
“Alright, I’ll go ahead ‘cause we still have to fly to Sweden for our next album.” Pinal na pahayag ni Brian.
Nagpaalam na rin ang babae sa kabilang linya at ng matapos ang kanilang pag-uusap ay ipinatong ng binata ang kanyang celphone sa sidetable na katabi ng kama saka isa-isang pinulot ang kanyang mga saplot na nahubad kagabi. Mabilis na isinuot ni Brian ang kanyang damit at nag-check out sa nasabing hotel. Nilapitan niya ang kanyang Ferrari na nasa parking lot at ng mapaandar iyon mabilis niyang pinaharurot patungo sa bahay na tinitirhan kasama ang kanyang pamilya. Pagdating ni Brian sa bahay ay sumalubong sa kanya ang Filipina housekeeper nilang si Kakai. Nasa early 40’s ang edad ng babae at dahil din dito kaya siya nakakaintindi ng konting Tagalog. Maypagka komedyante din ito at minsan ay napagsasabihan niya ng sikreto.
BINABASA MO ANG
Like Only A Woman Can (A Brian McFadden Fan Fiction) [Revising]
Fanfiction[[NOTE: This is the unedited version of the story so please bear with the typos and wrong grammar. I'm still finding enough time to polish this so it would look presentable.]] "Like Only A Woman Can" is a fan-fiction romance novel written by Yours T...