LIKE ONLY A WOMAN CAN -Chapter 16-

913 20 2
  • Dedicated kay Jamie Anne Laranjo
                                    

-Chapter 16-

“KATHARINA! ANAK! KUMUSTA NA?” pasigaw na tanong ng kanyang Mama Marga. May dala itong travelling bag at kasunod nito si Marrah. Sa kanyang pagkabigla ay hindi agad natinag ang dalaga. Napako siya sa kanyang pagkakaupo sa grill house. Hindi siya makapaniwala na nasa harapan niya ang kanyang ina at kapatid.

“Ate! Hoy! Bakit ka nakatulala diyan?” tanong ni Marrah. Bahagya ng nakalapit ang mga ito sa kanya. Natauhan ang dalaga at hindi na niya napigilan ang mapasigaw.

“Mama! Marrah! Naku! Kumusta na kayo? At paano kayo napunta dito?” Hindi magkamayaw na tanong ng dalaga sa ina at kapatid habang napapayakap siya sa mga ito. Napahinto sa kanilang ginagawa sina Jannah at Anna Lou.

“Tama ba ‘yong narinig ko Cuz? Narito sina Tita Marga at Marrah?” Takang tanog ni Jannah sa pinsan

“Yun din ang dinig ko Cuz. Ay naku! Tara na nga at ng matingnan.” Yaya ni Anna Lou dito. Sabay nilang tinungo kung saan naroon ang bakeshop at laking gulat nga nila ng makita ang tiyahin at pinsan.

“Ayy! Totoo nga! Tita Marga! Marrah! Welcome back!” napatakbo ang bakla sa kinaroroonan ng mga ito at bineso-beso ang mga bagong dating.

“Mommy! Mommy! Tito Roger! Narito sina Tita Marga at Marrah!” Walang pakundangang sigaw nito saka tumakbo patungo sa kanilang bahay kung saan naroon pa rin ang ina at tiyuhin nila.

“O, Sylvester! Bakit kung makasigaw ka ay parang may sunog?” kunot ang noong tanong ni Aling Isabel.

“Eh kasi mommy, narito sina Tita Marga at Marrah!” pasigaw na sagot niya sa ina.

“Ay naku! Totoo ba yang sinasabi mong bata ka? Ay! Roger! Pumunta na tayo sa grill house! Naririto sina Marga! Napasigaw na rin ang ginang ng tawagin nito ang kapatid na lalaki. Mula sa kanyang kwarto ay lumabas ang tinawag. Mukhang inaantok pa ito dahil naghihikab pa.

“Ano ba? Ang ingay nyo naman! Kung ayaw nyong matulog, magpatulog kayo!” bulyaw ni Mang Roger sa kapatid at pamangkin.

“Eh kasi naman tito, umaga na po! Kung hindi nyo alam, alas nwebe na! At isa pa, narito lang naman si Tita Marga at Marrah!” maarteng sagot ni Jannah sa tiyuhin. Mula sa natutulog na diwa ay bigla itong nagising.

“Ano?! Ay naku! Puntahan na natin!” sambit nito at saka nagpatiuna ng lumakad patungo sa grill.

“Tingnan mo ‘tong taong to. Kanina, binulyawan tayo tapos ngayon, nagkukumahog na pumunta sa grill house at iniwan pa tayo.” Nailing na pahayag ni Aling Isabel. Kibit-balikat lang ang itinugon ni Jannah sa ina at nagpunta na sila sa kinaroroonan ng mga bagong dating. Malalaki ang kanilang mga hakbang habang papunta doon. Lahat sila ay excited na makita ang mga itong muli.

“Marga! Marrah! Kayo na ba ‘yan? Bakit naman hindi kayo nagpasabi na luluwas kayo? Disin sana ay nasundo namin kayo.” Saad ng ginang ng marating na nila ang grill house. Napangiti lang sina Aling Marga.

“Naku, pasensiya ka na ate Isabel. Balak kasi namin na surpesahin kayo. Saka nag-eroplano lang  kami papunta dito at hindi rin naman kami magtatagal. Bale tatlong araw lang kaming mamalagi dito kasi pasukan na naman sa susunod na linggo.” Mahabang pahayag ng ina ni Katharina.

“Ay ganun ba? Sayang naman. Akala ko pa naman ay medyo magtatagal kayo dito.” Medyo may panghihinayang sa boses na pakli ni Mang Roger.

“Naku, hindi po tito. Gustuhin po sana namin ay hindi po talaga pu-pwede. Saka, kadarating lang ng pensiyon ni papa kaya kinunan namin iyon para ipamasahe at yung iba ay hinulog naming sa banko.” Nakangiting saad ni Marrah.

Like Only A Woman Can (A Brian McFadden Fan Fiction) [Revising]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon