-Chapter 7-
“SINASABI KO NA NGA BA! Hindi talaga kami nagkamali sa nakita namin ni Angela doon sa Pasta King last week, ate Kath.”
Mababakas sa boses ni Marrah ang galit at ito ang unang nakapansin na namumugto ang mga mata ng kapatid. Hindi na maikakaila ng dalaga dito kung ano ang tunay na dahilan kung bakit ganoon ang kanyang hitsura. Napatingala siya sa nakababatang kapatid habang ito ay nakapameywang habang nagsasalita.
“Ano ba talaga ang nakita niyong dalawa ni Angela ha, Marrah?”
Nakakunot ang noo ni Aling Marga habang nagtatanong sa bunsong anak. Labis siyang hindi makapaniwala sa sinapit ng pagmamahalan nina Katharina at ang kasintahan nitong si Patrick na noon pa ma’y inasahan na niyang sa kasalan hahantong.
“Kasi naman Ma, noong nagpunta kami ni Angela sa Robinsons, napadaan kami sa Pasta King at ayun! Nakita lang naman namin ang gagong Patrick na ‘yon na kasama iyong bwisit na schoolmate namin. Kala mo kung sinong gwapo!” gigil na pahayag ulit ni Marrah.
Nanggalaiti na ito sa galit na tila gusto na nitong patayin ang dating nobyo ng kapatid. “Sus! Kung hindi pa kasalanan sa Diyos, pina-salvage ko na ang walanghiyang ‘yon!” Napahalukipkip niyang dagdag. Lumuluha pa rin ang kanyang ate. Panay ang pahid nito ng malinis na basahan na halos mabasa na dahil sa dami ng luhang tumulo galing sa mata nito.
“Kaya nga naiinis ako sa sarili ko dahil minahal ko siya ng labis. Tingin ko ay napakalaki ng kasalanang nagawa ko dahil sa pagmamahal ko sa kanya ng lubos. Paano na ‘to? Parang gusto ko na yatang sumuko.” Napahagulhol na sambit ni Katharina.
“Susko ‘te! Umpisahan mo ng limutin ‘yon. Marami pa naman diyan. Hmm, tandaan mo binata pa si Brian hanggang ngayon. Malay mo bukas, o bukas makalawa o kaya next year, magsasanga ang mga landas niyo.”
Kahit umiiyak ay napabunghalit ng tawa ang dalaga sa tinuran ng kapatid. Hindi niya inaasahan na isisingit nito ang tungkol sa lalaking kanyang iniidolo sa gitna ng pagiging seryoso nilang lahat sa mga oras na iyon. Naibsan ng konti ang sakit na kanyang nadarama dahil marinig niya lang ang salitang “Westlife” o ang pangalang “Brian McFadden” ay tila nawawala na ang kanyang nararamdamang kalungkutan.
“See? Napangiti rin kita sa pagkakabigkas ko sa pangalan ni Papa B. Paalala lang ate Kath kalimutan mo na si Patrick at magbagong-buhay ka na.” palatak ulit ni Marrah sa kanya.
“Tumahimik ka nga diyan, bruha. Baka sabihin pang mga ambisyosa tayo kapag may nakarinig sa atin.”
Habang sinusuway ang kapatid ay hindi naman mapigilan ni Katharina ang mapangiti at tuluyan na ngang napawi ang lahat ng sakit na kanyang nararamdaman sa mga oras na iyon.
“Magsitulog na nga kayong dalawa. Puro na kayo kalokohan diyan eh.” Singit ng kanilang ina. Tumayo na ito mula sa pagkakaupo at nilapitan ang telebisyon saka iyon ini-on upang panoorin ang inaabangang teleserye.
----------------------------------------------
Apat na kanta nalang at mare-release na ang bagong album ng Westlife. Tapos na nilang i-shoot ang music video ng “Hey! Whatever” na kantang kabilang din sa nasabing album. Napagpasiyahan ng kanilang General Manager na si Peter Clapton na papagpahingahin sila sa araw na iyon kaya ginugol nila ang ilang oras sa pamamasyal sa magagarang malls sa Stockholm. Magkasama sina Nicky, Shane, Brian, Mark at Kian sa pamamasyal suot ang naglalakihang sunglasses at makakapal na jacket upang hindi sila mamukhaan ng mga fans na maaaring magdulot ng komusyon kung sakali. Nasa Biblioteksgatan sila sa araw na iyon. Ang naturang shopping mall ay isa sa mga pinakatanyag na shopping mall sa buong Stockholm na kung saan makikita ang nagagandahang mga damit na nasa uso, mga sapatos at kung anu-ano pa. Magkasama silang lima na naglalakad sa lobby ng naturang gusali. Ang mga bodyguards naman nila ay mataman ring nagmamatyag ngunit nanatiling nasa malayo ang mga ito. Minsan ay napadaan sila sa isang boutique sa loob ng naturang shopping mall. Pumasok si Brian doon na siyang ipinagtaka ng apat na binatang sina Shane, Mark, Nicky at Kian. Nakita ng apat na dinampot ng binata ang isang cigarette heels na napapalamutian ng nagkikinangang beads.
BINABASA MO ANG
Like Only A Woman Can (A Brian McFadden Fan Fiction) [Revising]
Fiksi Penggemar[[NOTE: This is the unedited version of the story so please bear with the typos and wrong grammar. I'm still finding enough time to polish this so it would look presentable.]] "Like Only A Woman Can" is a fan-fiction romance novel written by Yours T...