-Chapter 4-
PAGKATAPOS MANANGHALIAN NINA KATHARINA at Marrah ay bumalik na sa kwarto niya ang una at naghanda ng matulog dahil may duty siya mamayang gabi. Kinailangan niyang pumunta sa Telecel Inc. ng alas siyete ng gabi dahil bago siya nag day off ay in-announce niya sa kanyang mga ahente na magkakaroon sila ng pre-shift meeting para pag-usapan ang mga bagong updates. Napakaraming updates lalong-lalo na sa Quality Assurance ng kumpanya dahil score ng team ang nakasaad doon. Installed ng IT Specialist ang mga programang eksklusibo lang sa kumpanya lalo na ang mga tools na gagamitin ng mga ahente habang tumatanggap ang mga ito ng tawag mula sa mga customers nila na taga Amerika. Kaya kung anong programa ang nakikita sa isang computer ay siya ring makikita sa lahat ng computers na nasa loob ng building.
Kumpleto na ang kanyang mga ahente ng pumasok si Katharina sa loob ng Meeting Room 3 na nasa ikalimang palapag ng building. Nakaupo na ang mga ito sa swivel chairs na nakapalibot sa biluhabang kristal na mesa. Naupo ang dalaga sa pinakaharap na bahagi ng Meeting Room at binuksan na ang flat screen television na 28 inches ang laki ng monitor saka itinipa ang kanyang log-ins ngunit bigla siyang nakaramdam ng inis ng mag-Access Denied iyon.
“Felixes, pwede mo bang tawagin ang IT Specialist? Pakisabing Access Denied tong PC ko.” Utos niya sa isa sa kanyang mga ahenteng nakaupo sa swivel chair.
“Yes, miss.”
Pagkatapos ay mabilis itong lumabas upang hanapin ang IT Specialist. Hindi nagtagal ay bumalik si Felixes at kasama na nito ang IT Specialist.
“Miss Katharina, nag Access Denied daw po ang log-in niyo?” Magalang na tanong ng IT Specialist na si Lester sa dalaga.
“Oo eh, pakiayos mo naman siya, Les.”
Pagkatapos sumagot ay tumayo ang dalaga sa swivel chair upang paupuin doon ang lalaki. Ni-reboot nito ang PC at saka tinipa ang log-in nito. Wala itong kahirap-hirap sa pag-aayos sa pag-install ng mga programa at ilang saglit ay natapos na rin ito. Pagkaalis ng IT Specialist ay siya namang bukas ng monitor ng flat screen TV. Inumpisahan na niya ang pag-discuss ng mga updates para sa araw na iyon. Eksaktong alas otso ng matapos ang pre-shift meeting ng team ng dalaga. Bumalik na ang mga ahente sa mga cubicles ng mga ito at nag-umpisa ng mag-ingay sa bahaging iyon ng building. Masaya si Katharina dahil pagtingin niya sa mga evaluations ng kanyang mga ahente ay matataas ang mga scores nito. Matuling lumipas ang dalawang oras kaya nag-break ang dalagaat nagpunta sa pantry. Adobong baboy ang napili niyang ulamin at pinarisan iyon kanin. Nasa kalagitnaan ng kanyang pagkain ang dalaga ng makita niyang palapit sa kanyang kinaroroonan si Betsy.
“Uy, Bets! Break mo din pala.” Aniya ng makalapit na ang kaibigan sa kanyang kinauupuan.
“Oo. Mabuti na rin ‘to kasi nagugutom na rin talaga ako.”
Nagtungo ito sa counter kung saan nakahilera ang mga ulam at kakanin na binebenta saka bumalik kung saan nakapuwesto si Katharina.
“Uy, mare! Sorry ha, hindi na ako nakapunta sa inyo noong isang araw. Napaaga kasi ang punta ni Jovan sa bahay at dumiretso na kami sa movie world para manood ng ‘The Lucky One’. Huling araw na kasi ng pelikula sa araw na iyon. Ang gwapo talaga ni Zac Efron.” Basag ni Betsy sa katahimikan saka bahagyang namilipit sa kilig.
“Hay naku, ikaw talaga Bets. Eh, may Jovan ka na.” Natatawang sabi niya sa kaibigan.
“Eh, ikaw nga may Patrick ka na rin pero baliw na baliw ka pa rin kay Papa B.” Panunukso nito sa kanya na ang tinutukoy ay si Brian McFadden.
“Huwag ka na, first love ko ang lalaking iyon at kahit si Patrick ay walang angal sa pagkabaliw ko kay Brian.”
Hinintay ni Katharina na matapos ang kaibigan saka magkasabay sila nitong bumalik sa kanilang Supervisor’s stations. Nakalimutan na niyang itanong sa kaibigan kung ano ang gustong sabihin nito noong isang araw. Nang matapos ang shift nila ay matiyagang hinihintay ni Katharina ang boyfriend na si Patrick sa may exit ng TeleCel Inc. building at as usual, naunang umuwi ang kasamahan at kaibigang si Betsy. Malalim ang iniisip ng dalaga ng marinig niyang tumunog ang kanyang celphone at pangalan ni Patrick ang nakarehistro sa caller ID kaya mabilis niya iyong sinagot.
BINABASA MO ANG
Like Only A Woman Can (A Brian McFadden Fan Fiction) [Revising]
Fanfic[[NOTE: This is the unedited version of the story so please bear with the typos and wrong grammar. I'm still finding enough time to polish this so it would look presentable.]] "Like Only A Woman Can" is a fan-fiction romance novel written by Yours T...