LIKE ONLY A WOMAN CAN -Chapter 27-

624 13 10
                                    

Note: I apologize for the delay of its update. I was just really busy these past few days. Just like the previous chapters, there are switching of scenes again so I hope there'll be no confusions. I hope you like this chapter. Concrete criticisms are open and are highly-appreciated. Thank you and happy reading! x

------------------------------------------------------------------------------------------------------------

-Chapter 27-

DINALA NINA TRIXIE AT Vito ang walang malay na si Katharina sa cottage ng binata. Inihiga nito sa kamang naroon ang dalaga. Ilang saglit na pinasadahan ni Trixie ang kabuuan ng natutulog na dalaga saka tumaas ang isang kilay niya.

“Infairness, may hitsura naman pala ang gagang ‘to pero lamang nga lang ako sa kanya.” Paismid na wika niya.

“Ano ang gusto mong gawin ko dito ngayon?” Kunot ang noong tanong ni Vito sa babae.

“Medyo may pagka-bugok ka rin pala Vito ‘no? ‘Di ba sinabi ko na sa’yo na kailangang may mangyari sa inyong dalawa.”

“Ano?! Sira pala ‘yang tuktok mo eh. Paano ko naman gagawin ang bagay na ‘yon gayung tulog ang isang ‘to? At isa pa, hindi ko ugaling makipagtalik sa isang tulog at walang kalaban-laban.” Mariing tanggi ng binata habang panay ang iling nito. Kahit papaano ay nakaramdam siya ng kunsensiya nang masulyapan niya ang inosenteng mukha ni Katharina ngunit mas nanaig ang pagkagahaman niya sa pera.

“Pagkakataon mo na ito. Saka hindi ka naman lugi kasi may hitsura din ‘yan plus magkakapera ka pa.” Hindi pa rin tumitigil na sulsol ni Trixie dito.

“Pwede akong pumatay ng tao Trixie pero hindi ako rapist. Pasensiya na pero hindi ko magagawa ang gusto mo.”

“Kunsabagay nga naman, kahit gustong-gusto ko ng mamatay ang p*ny*t*ng babaeng ‘yan, ayoko munang mangyari ang bagay na iyon kasi nag-uumpisa pa lang akong sirain ang buhay niya. Sige ganito nalang. Hubaran mo siya.”

“Tapos anong gagawin ko?” Muli na namang kumunot ang noong tanong ng binata.

“Huwag ka ng maraming tanong diyan! Pi-picturan ko nalang kayong dalawa. Saka sundin mo lang kung ano ang ipapagawa ko sa’yo.” Ani Trixie saka dinukot ang celphone nitong may magandang kuha ng mga larawan mula sa maliit na pouch na kinalalagyan niyon.

Hindi na nga napigil ang kanilang ginawang pangseset-up sa dalagang hanggang ngayon ay hindi pa rin binalikan ng malay. Hindi napigilan ng binata na mapuri ang magandang hubog ng katawan ni Katharina habang hinuhubad ang blouse nito ngunit hindi niya talaga trip ang makipagtalik sa isang taong walang malay. Aliw na aliw si Trixie habang kinukunan ng larawan sina Katharina at Vito. Abot-langit ang kanyang kaligayahan dahil nakikinita na niya ang pagka-sira ng relasyon ng dalagang itinuring siyang kaibigan at sa lalaking kanyang kinababaliwan na si Brian.

“Tingnan ko lang kung nanaisin pa ni Brian na makita ‘yang pagmumukha mo, Katharina. Natitiyak kong pandidirihan ka na niya. Ihanda mo na ang sarili mo sa limpak-limpak na perang ibabayad ko sa’yo, Vito. Bukas na bukas din ay babalik tayo ng Maynila. Tapos na ang misyon natin. Madali lang ‘di ba? Sinasabi ko na nga ba, akin ang huling halakhak!” Saka sumilay muli ang mala-demonyong ngiti sa mga labi ng dalaga na nauwi sa isang halakhak.

“Oo nga naman, Trixie. Pera na naman ‘to!” Pagkatapos sambitin ang mga katagang iyon ang sumabay na rin sa paghalakhak si Vito. “At ano na ang gagawin natin sa babaeng ito ngayon?” Kumunot muli ang noong tanong ng binata.

“Well, ibalik mo na ang baduy na blouse niya. As if walang nangyari para naman magkaroon siya ng thrill sa katawan. Saka bumalik na tayo sa bar pagkatapos. Gusto kong i-celebrate ang tagumpay ko.” Pinal na wika nito.

Like Only A Woman Can (A Brian McFadden Fan Fiction) [Revising]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon