-Chapter 8-
NASA PIER NG DUMAGUETE na ang mag-iinang sina Marga, Marrah at Katharina pati ang kanilang kaibigan na sina Betsy at Angela. Nakaupo sila sa waiting area ng mga oras na iyon habang hinihintay na tumunog ang intercom hudyat na papasok na ang mga pasaherong sasakay sa higanteng barko na Super Ferry 9. Mugto ang mga mata ni Marrah na kagabi pa umiiyak dahil sa napipintong pag-alis ng kanyang nakatatandang kapatid at si Aling Marga naman ay pilit na tinatagan ng loob dahil ayaw niyang labis na mag-aalala ang panganay na anak kapag nasa biyahe na ito.
“Mare, hindi ka na ba talaga papipigil?”
Mababakas sa mukha ni Betsy ang ibayong kalungkutan at nagsisimula na ring bumalong ang luha mula sa mga mata nito habang sila’y nasa loob ng banyo.
“Bets, ayoko mang lisanin ang lugar na ‘to pero iyon lang ang sa tingin ko’y kailangan kong gawin.” Sagot ni Katharina sa kaibigan. Hinawakan niya ang mga kamay nito at saka marahang pinisil.
“Mami-miss talaga kita, Kath. Hindi ko alam kung paano ako makakapag-adjust doon sa opisina lalo na ngayong hindi na kita makakasama doon.” Malungkot pa ring pahayag nito sa kanya.
“Mami-miss din kita, Bets. Alam mo namang ikaw lang ang nag-iisa kong bestfriend pero babalik din naman ako.”
Hanggang sa kapwa na nila hindi na nila napigilan ang mga damdamin kaya tuluyang tumulo ang kanilang mga luha habang sila ay magkayakap. Nagbitiw lang sila sa pagkakayakap ng marinig nila ang ang pagtunog ng intercom upang anyayahan na ang mga pasaherong magsipag-akyat sa barko.
“Mag-iingat ka doon, bestfriend.”
“Salamat.” Maikling pahayag ni Katharina.
Nagmamadaling nilakad ng dalawang magkaibigan ang pasilyo patungo sa waiting area na kung saan ay nakapila na ang mga pasaherong magbibiyahe patungo sa Maynila.
“Mag-iingat ka doon, anak. Sana sa pagbalik mo ay maghilom na ang sugat diyan sa puso mo.” Sambit ni Aling Marga sa panganay na anak saka ito niyakap na ginanti naman ng dalaga.
“Gagawin ko po iyon, Ma.”
Pilit na ngumiti si Katharina upang maging panatag ang loob ng kanilang ina saka siya bumaling sa nakababatang kapatid.
“Huwag mong pababayaan ang Mama, Marrah. Mag-iingat ka dito ha saka huwag mo ring pababayaan ang pag-aaral mo. Madalas ko kayong tatawagan.” Bilin niya sa kapatid.
“Ingat ka ate.”
Tango lang ang tanging isinagot ng dalaga sa nakababatang kapatid at binitbit na ang luggage na naglalaman ng kanyang mga damit at ibang personal saka sumabay sa mga pasaherong nakapila. Hindi na siya nag-abala pang lingunin ang mga mahal niya sa buhay na maiiwan dahil baka hindi matuloy ang kanyang pag-alis. Ngunit ng makaakyat na siya sa mala-higanteng sasakyang pandagat na iyon ay tila naman natutuksong dinungaw niya ang mga ito. Ilang sandali pa ang lumipas at naramdaman niyang papalayo na ang barkong kinasasakyan at unti-unti na ring lumiliit sa kanyang paningin ang luntiang isla ng Negros Oriental. Naroon siya sa nakalaang deck sa kanya at unti-unti na ring kumakagat ang dilim sa buong paligid. Malayang sinalipadpad ng hanging pandagat ang kanyang mahaba at alun-along buhok at habang patuloy na tinitingnan ang malayong isla ay marahang tumulo ang kanyang mga luha.
“Pansamantala na muna kitang iiwan, Negros. Masakit sa akin ang lisanin ka ngunit kailangan ko munang hanapin ang sarili kong tila nawawala na.” Piping sambit ni Katharina sa kanyang isipan.
“Miss, bakante ba ang higaang ‘to?”
Tila nagising ang kanyang lumilipad na diwa ng marinig niyang may babaeng nagsalita. Gumuhit ang isang ngiti mula sa mga labi nito eksaktong lumingon siya dito habang nakaturo sa katabi niyang higaan ang naturang babae. Sa wari niya’y kaedad niya lang ito at nakatawag-pansin din sa kanya ang medyo maumbok ng tiyan nito.
BINABASA MO ANG
Like Only A Woman Can (A Brian McFadden Fan Fiction) [Revising]
Fanfic[[NOTE: This is the unedited version of the story so please bear with the typos and wrong grammar. I'm still finding enough time to polish this so it would look presentable.]] "Like Only A Woman Can" is a fan-fiction romance novel written by Yours T...