LIKE ONLY A WOMAN CAN -Chapter 19-

743 16 0
  • Dedicated kay Julia Montes
                                    

-Chapter 19-

WALA SA MOOD SI Brain na umattend sa meeting nila kasi latang-lata na ang kanyang katawan at gusto na niya iyong ilapag sa kanyang malambot na kama. Tila babagsak na talaga ang kanyang mga mata habang nakikinig sa kanilang producer na si David. Ito ang nagtatalakay tungkol sa kanilang napipintong World Tour. Naroon ang kanyang katawan pero naglalakbay ang kanyang isip. Hindi na rin niya mapigilan ang paghihikab. Napansin iyon ni Kian na katabi niya kaya kinalabit siya nito.

“Hey Brian, tell me about the girl named Katharina.” Bulong nito sa kanya habang panay ang tingin sa kanilang producer. Napapitlag ang binata sa sinabi ng kaibigan at kasamahan sa banda. Nawala ang kanyang antok ng marinig ang pangalan ng dalaga. Sumilay ang isang napakatamis na ngiti sa mga labi ng binata.

“Yes, I met her in one of the resorts in the Philippines. She’s so different from those other women I’ve met. I guess I’m already falling head-over-heels inlove with her. I’m even excited for our concert in the Philippines. In that way, I can sneak to the resort and see her again.” Pabulong ni Brian. Narinig iyon ni Nicky kaya bahagya rin nitong inilapit ang tainga sa kanila. Hindi nakaligtas ang tagpong iyon kay David.

“Yes, lads? You wanna share something to us?” seryoso nitong tanong at sa kanilang tatlo nakatingin. Partikular na kay Brian na siyang narinig nitong huling nagsalita. Napapitlag ang tatlong binata at tila parang mga magnanakaw na nahuli sa aktong napaayos ng upo.

“Ah, eh. Y-yes, yes! David! We were talking about the Turnaround album and also. .also the World Tour. Right Nicky? Kian?” Hindi magkandaugagang sagot ng binata at pinalipat-lipat pa ang tingin nito sa dalawang kaibigan.

“Yes David! Brian was asking about the Turnaround Tour because as we all know, he’s out of the country for three weeks!” Napapitik pa sa daliring sagot ni Nicky. Tumango-tango na lang ang producer kahit tila hindi pa rin ito kumbinsido sa mga palusot ng tatlo.

“Just in case you didn’t really know, Brian. Turnaround sold a total of £5,000,000.00 in the whole United Kingdom only and Westlife is nominated again for Best International Pop Act and I am confident enough that you’ll bag the award.” Nagliliwanag ang mukhang sagot ni David sa kanya. Tuluyang nawala ang antok ng binata dahil sa kanyang narinig. Hindi siya makapaniwalang ganun na pala kalayo ang narating ng kanilang pang-apat na album. Tatlong linggo lang siyang nawala pero tila pakiramdam niya’y nahuli na siya. Napalunok ng laway ang binata.

“Whaat? A-are you sure David? How did it happen?” Namilog ang mga matang tanong ni Brian dito.

“Hey! Are you underestimating your capabilities as artists? And do I fecking look like I’m joking?” bahagyang tumaas ang tinig nito habang nagsasalita.

“Of course not! But—“ hindi na niya natapos pa ang susunod na sasabihin dahil sumabad na sa usapan si Shane.

“Uh, uh. . No buts and maybe’s, dude. People have decided.” Kibit-balikat na pakli ng kanyang kaibigan. Hindi nalang umangal pa si Brian dahil talaga namang wala siyang alam. Kay Katharina lang kasi umikot ang kanyang mundo habang nasa Pilipinas siya.

“Anyway, what do you think, lads? Are you ready to start with the rehearsals on Wednesday?” Pag-iiba ng usapan ng isa sa kanilang producers. Sabay-sabay na sumang-ayon ang apat na binata maliban kay Brian. Napansin nito ang binata.

“And what about you, Mr. McFadden?” baling nito sa kanya.

“Y-yes, Yes! Of course!” Ang tanging naisagot ng binata.

Nang matapos ang meeting ay sabay ng nagtungo ang limang binata patungo sa basement ng RCA builing. May tatlong oras pa sila bago mag-night life.

“So, we’ll just see each other at the Temple Bar later?” si Nicky. Palipat-lipat ito ng tingin sa kanilang apat.

Like Only A Woman Can (A Brian McFadden Fan Fiction) [Revising]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon