NOTE: There are some switching of scence in this chapter so I hope you won't be confused. Enjoy reading! xxx
------------------------------------------------------------------------------------------------------------
-Chapter 24-
NAG-IIMPAKI NA ANG MAGPINSANG sina Katharina, Jannah at Anna Lou para tumulak pa-Maynila alas singko y medya pa lang ng umaga. Bukas na ng gabi ang concert ng Westlife sa Araneta Coliseum. Tumawag na rin ang kapatid ng una na lilipad na rin ito at ang kanilang ina papunta sa Maynila at doon na sila sa paliparan magkita. Sa Laoag magpapasko sina Marrah at Aling Marga.
“Hindi ba talaga kayo magpapahatid sa tito Roger ninyo?” Tanong ni Aling Isabel sa kanila ng lumabas na sila galing sa kanilang mga kwarto.
“Ah, hindi na po Tita. Mako-commute nalang po kami. Malayo po kasi ang Maynila dito. Baka mapagod si Tito Roger.” Sagot ni Katharina sa tiyahin.
“Oo nga naman po, Mommy! Baka ma-stress si Tito Roger at atakihin siya ng rayuma niya.” Pakli ni Jannah.
“Hala sige, kayo ang bahala. Basta mag-iingat kayo doon ha. Marami pa naman daw mga luko-luko doon.” Paalala nito sa kanila.
“Naku! Huwag po kayong mag-aalala! Kering-keri namin ‘yan. Tatlo yata kami!” si Anna Lou.
“Sige po, Tita. Mauna na po kami. Mahaba-haba pa po kasi ang biyahe namin.” Paalam ni Katharina.
“Sige, sige. Ipapahatid ko nalang kayo ni Roger sa estasyon ng bus.”
Hinatid sila ng kanilang tiyuhin sa naturang estasyon. Pansamantala silang naupo sa waiting area habang hinihintay nila ang bus na maghahatid sa kanila patungo sa siyudad ng Maynila. Hindi nagtagal ay dumating din ang kanilang hinihintay. Nag-unahan na ang mga pasahero sa pag-akyat kabilang na silang tatlong magpinsan. Sa wakas ay nakapili na rin sila ng upuan kung saan kasya silang tatlo. Nasa may bintana ang dalaga. Nang mapuno ang bus ay dahan-dahan na iyong umuusad. Habang tumatakbo ang naturang sasakyan ay hindi mapigilan ng dalaga na kiligin at kabahan sa muli nilang pagkikita ni Brian. Kinikilig dahil masisilayan na naman niya ang binatang siyang iniibig na niya ng labis at kinakabahan dahil wala siyang ka-ide-ideya kung ano ang sinasabi nitong sorpresa sa kanya. Simula kasi ng tumawag sa kanya ang binata ay hindi na iyon makatkat sa kanyang isipan. Matigas naman ang desisyon nito na hindi iyon sasabihin sa kanya.
“Ano kaya talaga ang sinsabi niyang sorpresa? Hay naku, clueless talaga ako sa isang ‘to.” Saisip niya habang tinatanaw ang naggagandahang tanawing nadadaanan ng kanilang sinasakyan. Napabuntong-hininga nalang ang dalaga. Nilingon niya ang dalawang pinsan. Kapwa na tulog ang mga ito. Maya-maya’y natukso na rin ang dalaga na ipikit ang kanyang mga mata dahil na rin sa preskong simoy ng hangin na tumatama sa kanyang mukha hanggang ang kanyang diwa ay nagsimula ng maglakbay sa kung saan. .
“Brian! Huwag mo akong iiwan! Mahal na mahal kita! Pakiusap. . bumalik ka!” sigaw ng dalaga habang walang tigil sa pag-agos ng mga luha sa kanyang mga mata.
Ngunit tuluyan ng naglakad palayo sa kanya ang kasintahan. Walang ni isang katagang namutawi mula sa mga labi nito. Hindi rin ito nag-abalang lingunin siya. Hanggang sa tuluyan na itong naglaho sa kanyang paningin.
“Briaaaaan!” Napaluhod nalang dalaga habang umiiyak at nayakap niya ang kanyang sarili. Nagsisikip ang kanyang dibdib ng dahil sa sakit na nadarama sa paglayo ng minamahal na binata. . .
“O, yung mga bababa diyan! Nasa Maynila na tayo!”
Iyon ang sigaw ng konduktor ng bus na kanilang sinasakyan ang nagpagising sa dalaga. Eksaktong anim na oras ang biyahe mula sa Laoag. Mabilis na idinilat ang dalaga at nararamdaman niya ang pamamasa ng kanyang pisngi dahil sa mga luhang tumulo mula sa kanyang mga mata. Bigla niyang natutop ang kanyang dibdib ng biglang bumundol ang kaba doon.
BINABASA MO ANG
Like Only A Woman Can (A Brian McFadden Fan Fiction) [Revising]
Fanfiction[[NOTE: This is the unedited version of the story so please bear with the typos and wrong grammar. I'm still finding enough time to polish this so it would look presentable.]] "Like Only A Woman Can" is a fan-fiction romance novel written by Yours T...