NOTE: May scene dito na maypagka RATED PG kaya ini-specify ko ang rating ng story as PG-13 because of the hero and the heroine's intimate scenes. Okay lang na lampasan niyo ang part na iyon kung hindi niyo kayang basahin. Happy Reading! x
------------------------------------------------------------------------------------------------------------
-Chapter 25-
KATATAPOS LANG NG CONCERT at kasalukuyang nasa backstage sina Brian, Mark, Nicky, Kian, Shane at ang buong staff. Magulong-magulo ang naturang lugar dahil abala ang lahat sa pagliligpit ng mga gamit. May ibang fans na nabigyan ng pagkakataong makapasok doon. Kabi-kabila ang paanyaya sa kanila na magpa-picture at magpa-sign ng autograph. Halos hindi magkandaugaga ang limang binata sa pag-entertain ng mga ito at umabot pa sa puntong nangalay na ang kanilang mga panga sa kakangiti sa harap ng camera ngunit masaya naman sila sa kanilang ginagawa. Pumuslit si Brian sa dressing room saka dinukot ang kanyang celphone mula sa bulsa ng kanyang suot na pantalon. Idinayal niya ang numero ni Katharina.
“Hello, Brian?” Sagot malambing na boses mula sa kabilang linya.
“Yes, Sweetie! Where are you now?” Masiglang tanong ng binata dito.
“Ah, nasa labas ang kami ng Araneta. Kasama ko sina Vivien. Hindi na kami nakigulo diyan kasi ang daming tao. Kanina pa nga nangungulit itong tatlong asungot na kasama namin na pumasok diyan sa backstage.” Sina Jannah, Anna Lou at Marrah ang tinutukoy ng dalaga saka binuntutan ng tawa ang sinabi nito.
“Oh, I’m so sorry but we’ll see each other later, okay? We’ll just have to pack our things here.”
“Naku, okay lang. Nag-eenjoy naman kaming kasama ang kapatid mo kasi napaka-makwento niya. Take your time lang. Hihintayin namin kayo.”
“Alrigh, Sweetie. I’ll just call you back, okay? I love you!”
“Sige, Bri. I love you too.” Pagkasabi ng dalaga niyon ay narinig ng binata ang tilian ng mga nasa kabilang linya. Nang maputol ang linya ay hindi niya mapigilan ang mapangiti at mapailing. Hindi siya makapaniwala na ikakasal na sila ng dalagang iniibig. Nagpakawala siya ng isang buntong-hininga saka lumabas na ng dressing room para harapin ang kanilang mga fans.
----------------------------------------------
“So, where’s your mother?” Tanong ni Vivien kay Katharina habang naglalakad sila sa gilid ng kalsada.
Maliwanag ang buong kapaligiran dahil sa iba’t-iabng klase ng ilaw na hatid ng mga Christmas lights na naroon. Karamihan sa mga shopping malls na nasa paligid ay nag-midnight sale ng dahil na sa concert ng Westlife. Alam ng mga may-ari ng mga establisyemento na dadagsa ang mga tao.
“She chose to stay at the pension house where we are checking in. Her blood pressure might raise higher that’s why she just chose to take a rest even if she wanted to watch the concert.” Pagpapaliwanag ng dalaga. Ayaw ng dalaga na maisip ng kapatid ng kasintahan na hindi ito suportado ng kanilang ina.
“Ah, I see. I hope she’ll be fine.” May pag-aalala sa tinig na sagot nito.
“Thank you.” Nakangiting sagot ng dalaga.
“By the way, Vien, how about you? What do you do?” Pakli ni Jannah.
“Hmm, well, I’m still beginning with my career. I’m presently joining the singing competition in Ireland. It is the ‘Irish Voice’. I don’t know if you’re familiar with it.”
BINABASA MO ANG
Like Only A Woman Can (A Brian McFadden Fan Fiction) [Revising]
Fanfic[[NOTE: This is the unedited version of the story so please bear with the typos and wrong grammar. I'm still finding enough time to polish this so it would look presentable.]] "Like Only A Woman Can" is a fan-fiction romance novel written by Yours T...