-Chapter 1-
SIYA SI KATHARINA CUENCO, edad bente tres at isang Floor Supervisor sa TeleCel Inc., sa isa sa mga call centers sa Dumaguete City, Negros Oriental. Isa itong kumpanya na nagba-base sa United States kaya halos lahat ng kanilang mga customers ay mga Amerikano at Amerikana. Meron naming ibang tao na tumira sa Amerika at nag-avail sa serbisyo na inaalok ng naturang kumpanya. Mahigit dalawang taon na siyang nagtatrabaho sa call center. Nakatira siya sa inuupahang maliit na bahay kasama ang kanyang ina at isang nakababatang kapatid na babae, si Marrah na nasa ikalawang taon na ng kolehiyo sa kusrong Accountancy. Limang taon na silang ulila sa amang sundalo na namatay sa giyera. Nagtapos ng Bachelor of Elementary Education si Katharina at nag-major ng General Curriculum pero hindi siya nakapag-trabaho bilang isang guro dahil sa kahirapang maghanap ng trabaho sa siyudad kung saan siya ipinanganak at lumaki kaya nag-apply siya sa TeleCel Inc. Dahil na rin sa kahusayan niyang magsalita ng Ingles kaya natanggap siya agad.
“Naku! Isang oras na pala ako dito sa pantry. Hindi ko namalayan. Napasarap yata ang kain ko nitong Chocolate cake. Hmm, Naka-tatlong platito rin ako.” Wika ni Katharina sa sarili pagkatapos sipatin ang relong nasa kanyang pulso.
Pagkatapos uminom ng tubig, bumalik na si Katharina sa kanyang pwesto. Hanggang sa mag alas kwatro ng umaga. Walang overtime kaya nagkaroon pa siya ng oras para i-meet ang kanyang mga ahente.
“Guys, do you have any other concerns about your calls? What about the updates?” Tanong ni Katharina sa kanyang mga ahente.
“None so far, Miss!” Sabay-sabay na sagot ng mga ito dahil na rin sa kasabikang makauwi.
“Okay, the meeting is adjourned. Take care, guys!” Pahuling-salita ng dalaga sa mga ito.
“Bye, Miss!” sagot naman ng mga ahente. Nagsilabasan na ang mga ito.
Pagkalabas niya sa meeting room, nakita niyang naglalakad papunta sa kanya ang isa sa kanyang mga kasamahan at siyang maituturing niyang matalik na kaibigan, si Betsy. Katulad niya ay Floor Supervisor din ito at magkaparehong team sila noong sila’y mga ahente pa.
“Uy Katharina! Uuwi ka na ba?” Bungad nito sa kanya.
“Oo, Bets. Inaantok na kasi ako eh.” Sagot naman ni Katharina sa kaibigan.
“Sige, sabay na tayo. Hihintayin mo ba si lovey dovey Patrick mo?” May himig ng panunuksong tanong nito sa kanya.
“Siyempre naman ‘no. Maari ba ang hindi?”
Namumula ang kanyang mukha pagkatapos niyang sumagot dito dahil hindi niya maiwasan ang kiligin. Tinutukoy ni Betsy ang kanyang nobyo. Isa itong nurse sa Silliman University Medical Center, ang pinakasikat na ospital sa Negros Oriental at may balak na rin silang magpakasal. Masaya ang buhay pag-ibig ni Katharina sa unang taon ng pagsasama nilang dalawa ni Patrick pero ng lumipas ang unang taon nila bilang magkasintahan, bigla siyang nakaramdam ng pagbabago. Parang lumamig na ang pakikitungo nito sa kanya. Wala naman silang naging tampuhan at kahit pilitin nitong ipakita ang pagmamahal nito sa kanya, pakiramdam niya ay may kulang pa rin. Tatlumpong minutong naghintay ang dalaga sa main exit ng building kung saan siya nagtatrabaho hanggang sa dumating si Patrick lulan ng gray Vios na kotse nito. Naunang umuwi si Betsy kasi sinundo na rin ito ng nobyo nito. Agad na lumapit si Katharina sa kotse at sumakay.
“Hi Hon!” Bati ng binata saka hinalikan sa kanyang pisngi pagkasakay niya sa kotse. Nagtaka ang dalaga dahil wala na iyong tila kuryente na dati niyang nararamdaman sa tuwing lumalapat ang mga labi nito sa kanyang pisngi. Pero pinili nalang ng dalaga na balewalain iyon.
BINABASA MO ANG
Like Only A Woman Can (A Brian McFadden Fan Fiction) [Revising]
Fanfiction[[NOTE: This is the unedited version of the story so please bear with the typos and wrong grammar. I'm still finding enough time to polish this so it would look presentable.]] "Like Only A Woman Can" is a fan-fiction romance novel written by Yours T...