LIKE ONLY A WOMAN CAN -Chapter 36-

838 19 3
  • Dedicated kay Jennifer Lora Pastolero-Raterta Yañez
                                    

NOTE: Para sa last bit ng chapter na ito, paki-play lang ang video na nasa gilid. Iyan ang pinapakinggan ko habang sinusulat ang part na iyon. Sana nakuha ko lang ang emotion. Happy reading sa inyo! :)

----------------------------------------------------------------------------------------------------------

-Chapter 36-

WALANG TIGIL SA PAG-AGOS ang mga luha galing sa kanyang mga mata habang binabaybay ni Katharina ang kahabaan ng Great Georges Street kung saan naroon ang Radisson Blu na tila sa pamamagitan niyon ay mapapawi ang sakit na kanyang nararamdaman. Litung-lito ang dalaga sa lahat ng mga pangyayari partikular na sa pagkasira ng kanilang relasyon ni Brian ngunit kahit anong pilit ang kanyang gawin ay hindi pa rin niya magawang tuluyang limutin ang binata. Akala niya ay mauuwi sa wagas na kaligayahan ang pag-iibigan nila nito ngunit realisasyon na ang nagsasabing sa panaginip lang pala mangyayari iyon. Habang naglalakad siya’y may nabuong pasya sa kanyang isipan at kasabay ng pagpapasyang iyon ay ang tuluyan ng limutin si Brian kahit na napakasakit iyon para sa kanya. Nag-abang ng pampublikong sasakyan si Katharina na siyang maghahatid sa kanya sa bahay ni Nicky kung saan siya pansamantalang nananatili habang siya’y naroon.  Maya-maya’y may tumigil na sasakyan sa kanyang harapan at agad siyang sumampa sa likuran niyon ng tumango ang driver pagkasabi niya dito sa lugar kung saan siya magpapahatid. Habang binabagtas nila ang kalsada ay tila lumilipad na naman ang isipan ng dalaga. Tila tuksong bumabalik sa kanyang isipan ang mga masasayang alaala nilang dalawa ng dating nobyo lalung-lalo na noong inalok siya nito ng kasal sa mismong concert ng Westlife sa Pilipinas. .

“I have never been so sure with my life for the past 26 years. Yeah, it was undeniable that people would cap me as “The man with the wildest heart” but when I met you, my life started to have a direction. I felt magic. You’re the only woman who makes my heart tremble. This may sound so absurd but I utterly love you to bits. You have the sweetest smile I ever saw. You’re all the matters to me now.” Inilabas nito ang kahetang nasa bulsa nito at binuksan iyon. Tumambad ang isang napakagandang singsing mula doon. Hindi mapigilan ng dalaga ang mamangha sa kanyang nakita. “So Miss Katharina Cuenco, I don’t wanna prolong this agony. Will you marry me?” May pagsusumamo sa boses na sambit ni Brian.

Tila gusto ng himatayin ng dalaga habang paulit-ulit na bumabalik sa kanyang pandinig ang katanungang iyon ng binata.

“Yes! Yes!” Sigaw ng audience.

 “Yes, Brian! I will marry you. Yes!” Saka namilibis sa kanyang pisngi ang luha ng kaligayahang kanyang nararamdaman. Isang kaligayahan na minsan lang niyang naramdaman sa tanang buhay niya. Mabilis na isinuot ni Brian sa kanyang palasingsingan ang singsing na iyon saka niyakap siya ng mahigpit.

“Thank you so much, baby! This has been the best Christmas gift I’ve ever received in my whole life! You are so amazing!” Hindi na rin mapigilan ng binata ang pag-agos ng kanyang mga luha dahil sa bugso ng kaligayahan.

“Kiss! Kiss! Kiss!” Nag-uumapaw sa kaligayahang sigaw ng audience. Masaya ang mga ito para sa dalawa. Isang masuyong halik sa noo ang iginawad ng binata sa kasintahan na ngayon ay fiancé na niya. Nagyakap silang muli at doon pinasabog ang confetti. .

Walang patid sa pag-agos ang kanyang luha habang inaalala ang kapilas ng kahapong iyon sa pag-iibigan nilang dalawa ng binata. Panay ang kanyang pagpaypay ng kanyang sarili gamit ang kanyang dalawang kamay dahil pakiramdam niya’y nahuhugot na ang kanyang hininga at tila may bumabara sa kanyang lalamunan. Ibayong pagpipigil din ang kanyang ginagawa upang huwag siyang mapahikbi 

Like Only A Woman Can (A Brian McFadden Fan Fiction) [Revising]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon