NOTE: Medyo sensored po ang first part nito pero okay lang na lagpasan niyo ang bahaging iyon kung hindi niyo siya kayang basahin. Thank you so much for your undying support. Happy Reading! xxx
------------------------------------------------------------------------------------------------------------
-Chapter 32-
NAGTAGUMPAY SI TRIXIE NA MADALA si Brian sa hotel kung saan siya naka-check in habang naghahanap pa siya ng apartment kung saan maaari niyang tirhan sa kanyang pananatili sa Ireland. Wala man lang siyang narinig na kahit konting pagtutol galing sa binata at bahagya pa itong sumusuray habang papasok sila sa loob ng kwarto. Marahan niya itong iniupo sa gilid ng kanyang kama at kagaya kanina, nagmistulang papel ulit ang binata na nagpatangay nalang sa hangin. Tumabi siya dito ngunit gayon na lang ang kanyang pagkabigla ng mabilis siyang kinabig ni Brian palapit dito. Niyakap siya nito ng mahigpit na siyang nagpapahirap sa kanyang huminga. Taliwas iyon sa kanyang inaasahan dahil inakala niya’y magagalit ito sa kanya.
“B-Brian. .Does this mean you’re accepting me in you life again?” Malambing na tanong ni Trixie sa binata na ngayo’y naaamoy na niya ang mabangong hininga na nahahaluan ng amoy ng alak na nainom nito kanina.
“How could you this to me, Katharina?! How could you deceive me and let me experience this kind of hell?” Punumpuno ng hinanakit na tugon ni Brian.
Walang humpay ang pagbagsak ng luha galing sa mga mata nito at ngayon ay mas lalong humigpit ang pagkakayakap nito sa dalaga na inaakala nitong ang kasintahang si Katharina ang naroon. Namilog ang mga mata ni Trixie at tila piniga ang kanyang puso pagkatapos marinig ang mga katagang lumabas mula sa bibig ng binata. Biglang nabuhay ang kanyang pagkamuhi sa babaeng kaagaw niya sa pag-ibig ng binatang ngayon ay patuloy pa ring naghihinanakit sa kanyang harapan.
“I’m not Katharina, Bri. This is me, Trixie! The woman who can give you all the love that you need.” Anas ni Trxie sa kabila ng kanyang kahirapan sa paghinga.
“I tried my best to forget you, Katharina but damn! This heart of mine is just really too stubborn and I bloody fecking hate you for making my life miserable. How could you betray me by having an affair with a twat?!”
Ngunit tila hindi narinig ni Brian ang sinabi ni Trixie kanina at patuloy pa rin nitong inilalabas ang lahat ng hinanakit, poot at galit na kumakain na naman sa buong pagkatao nito. Bigla namang bumundol ang kaba sa dibdib ni Trixie dahil sa kanyang narinig kani-kanina lang lalo na sa huling mga katagang sinambit ng binata. Bumitiw ang binata sa pagkakayakap sa dalaga at ang mga kamay nito’y lumipat sa magkabilang balikat ng huli. Kung ano ang ikinahigpit ng pagkakayakap nito ay siya ring ikinahigpit ng pagkakahawak nito sa kanya ngayon kaya bahagyang napangiwi ang dalaga.
“Brian, please. You’re hurting me now.” Pagsusumamo ni Trixie.
Animo’y narinig ni Brian ang kanyang sinabi kaya naramdaman niyang lumuwag ang pagkakahawak nito sa kanya. Wala siyang narinig na tugon mula dito bagkus ay mas lalo pang inilapit ng binata ang mukha nito sa kanyang mukha kaya ngayon ay gahibla nalang ang pagitan ng dalawa.
“I hate you so much, Katharina! You deserve to be punished!”
Nakaramdam ng saya si Trixie ng marinig niya iyon mula sa binata ngunit bago pa man siya nakasagot ay marahas na kinabig ni Brian ang kanyang batok at kinuyumos ng halik ang kanyang labi. Marahas, mapaghiganti at mabigat ang naturang halik. Pero imbes na pumalag ang dalaga ay agad niya iyong tinugon dahil simula’t sapul ay iyon na ang pagkakataong kanyang hinihintay. Wala na siyang pakialam sa mga iniisip ng binata laban sa kanya pati na sa mga sinabi nito kanina. Mabilis niyang tinanggal ang pagkakabutones ng polo ni Brian at gayundin ang ginawa nito sa kanyang pang-itaas na saplot. Nang mahubad ang pang-itaas na damit ng dalaga ay nagsimula ng mamisil sa kanyang dibdib ang binata. Saglit nitong iniwan ang kanyang labi at ngayon ay dumausdos na patungo sa kanyang leeg ang mga halik nito. Pumailanlang sa kabuuan ng naturang silid ang mga ungol sanhi ng tila apoy na nagsisimula ng mag-init sa pagitan nilang dalawa.
BINABASA MO ANG
Like Only A Woman Can (A Brian McFadden Fan Fiction) [Revising]
Fanfic[[NOTE: This is the unedited version of the story so please bear with the typos and wrong grammar. I'm still finding enough time to polish this so it would look presentable.]] "Like Only A Woman Can" is a fan-fiction romance novel written by Yours T...