-Chapter 17-
NATAPOS NA ANG MISA para sa pag-iisang dibdib ng mga kliyente ni Katharina na sina Adriana at Nathaniel at nagsipunta na sa pagdarausan ng reception ng mga bisita na kinabibilangan ng dalaga at ni Brian pati na rin ng kanyang mga pinsan at kapatid na si Marrah. Mababanaag sa mga mukha ng mga bagong kasal ang kaligayahan na sa wakas ay nabasbasan na ng simbahan ang pagsasama ng mga ito. Hindi pa nagsisimula ang reception ay nilapitan siya ng bride.
“Hi Kath! How are you? I’m so glad na nakapunta ka dito sa kasal ko.” Bati nito sa dalaga sabay halik sa kanyang pisngi. Gumanti din siya ng halik sa pisngi nito. Napakaganda nito sa suot na trahe-de-boda. Idagdag pa na magaling ito magdala ng damit. Hindi mapigilan ng dalaga na mapahanga dito.
“Oo nga eh, Siyempre naman, hindi talaga ako mawawala no. Saka, ang ganda mo talaga! Bagay sa’yo ang naka-gown!” puri niya sa kliyente at kaibigan na rin.
“Naku, thank you. Magaling lang talaga magtahi yung couturier na kinuha namin. Ikaw nga diyan eh, ang ganda ng cake na ginawa mo. I love it so much! Thank you ha.” Medyo nahihiyang sagot nito at saka sumilay ang isang napakatamis na ngiti mula sa mga labi.
“Asus! Pa-humble ka pa ha. You’re welcome at saka thank you na rin. Mabuti naman at nagustuhan mo yung ginawa ko. Siyempre, para sa espesyal na araw mo.” Aniya saka napangiti sa babae. Lumapit sa kanila si Brian.
“Oh, there you are! I was looking around trying to find you.” Simpatikong ngiti ng binata. “Hi Adriana!” Kapagkuwa’y bumaling ito sa babae.
“Hello Brian! Naku! Lalanggamin na yata tayo nito.” Pabirong pahayag ni Adriana saka mahinhing tumawa. Tawa nalang ang itinugon nilang dalawa ng binata. Maya-maya ay lumapit na si Nathaniel sa kanilang kinaroroon.
“O, babe. Narito ka na pala. Pa’no, let’s go?” masuyo nitong yaya sa asawa. Tumango ang babae dito saka ngumiti.
“Sige Kath, Bri. I’ll leave you for a while ha. Bye! See you around.” Paalam nito sa kanila.
“Alright, enjoy and best wishes!” pahabol ni Brian sa dalawa ng tumalikod na ang mga ito. Hinanap na nilang dalawa ang dalawang pinsang sina Jannah at Anna Lou pati na rin si Marrah. Kahit maraming bisita ay hindi naman sila nahirapang hanapin ang mga ito. Ilang sandali ay nagsimula na ang programa sa reception. Bongga ang piging at hindi talaga maikakaila na panay may kaya ang mga pamilyang pinanggalingan ng mga ikinasal. Nang matapos ang kainan ay nag-announce na ang babaeng emcee na magsasayawan na ang mga ito sa gitna. Palakpakan at kutsarang ipiningki sa baso ang pumailanlang sa bahaging iyon ng hotel bukod pa sa malamyos na musikang pinatugtog. Kay saya ng mga taong naroon at lahat ay maligaya para sa dalawang taong pinili ng magpatali sa isa’t-isa. Tumigil na ang tugtog at nagsalita ulit ang emcee na pwede ng magsayaw ang ilang pares. Umupo na rin sa harapan ang mga bagong kasal kaharap ang mga bisita.
“May I have this dance with you, Sweetie?” masuyong tanong ni Brian sa dalaga. Mapupungay ang mga mata nito habang nakayuko dahil nakaupo ang huli. Impit namang napatili sina Jannah at Anna Lou gayundin si Marrah. Hindi kaagad nakasagot si Katharina.
“Oi Cuz! Huwag ka ng paduding diyan!” ani Jannah saka kinalabit ang kanyang braso.
“Oo nga naman ate. Sige ka, baka maunahan ka ng ibang babae diyan!” pakli ni Marrah. Nagmukha ng cheering squad ang mga ito sa pangngumbinse sa kanya.
“Hay naku! Sige na nga, ang kulit kasi nitong mga fans ko eh.” Natatawang pahayag ng dalaga ngunit ang totoo ay nabubuhay na naman ang kilig sa kanyang puso. Napakaligaya niya dahil kahit doon ay hindi siya ikinahiya ng binata. Humawak na siya palad ng binata at inalalayan siya nitong tumayo. Nang maglakad na sila patungo sa dance floor ay sa kanila nakatingin lahat ng mga tao. Bakit ang hindi? Kayo ba naman ang makakita ng isang binatang mala-Diyos na Griyegong bumaba sa lupa. Lahat ng mga kadalagahan ay panay ang pa-cute sa binata. Lahat ng mga ito ay napapa-swoon kapag dumaan ang binata sa harapan ng mga ito. Kahit nga magkasalubong ay hindi talaga pu-pwedeng hindi mapapalingon ang mga ito sa direksiyon ni Brian. Hindi naman mapigilan ng dalaga na maging proud dahil sa dinami-dami ba naman ng babae sa mundo ay siya pa ang napili ng isang Brian McFadden. Nang marating na nila ang dance-floor ay masuyong hinapit ng binata ang kanyang baywang. Ikinapit niya ang dalawang braso sa leeg nito. Malamyos ang tugtog kaya marahan lang silang umiindak. May iilang pares din ang naroon at nagsasayaw. Napansin niyang kanina pa nakatitig sa kanya ang binata.
BINABASA MO ANG
Like Only A Woman Can (A Brian McFadden Fan Fiction) [Revising]
Fiksi Penggemar[[NOTE: This is the unedited version of the story so please bear with the typos and wrong grammar. I'm still finding enough time to polish this so it would look presentable.]] "Like Only A Woman Can" is a fan-fiction romance novel written by Yours T...