LIKE ONLY A WOMAN CAN -Chapter 38-

777 16 5
  • Dedicated kay Jeined Gutierrez-Rivera
                                    

-Chapter 38-

PAHINAMAD NA INILATAG NI Trixie ang dalang luggage sa couch na nasa salas na kanugnog ng townhouse kung saan siya dumiretso galing sa airport. Nakatanggap siya ng tip mula sa tauhan ni Congressman Montecalvo na may kotseng palaging nakaparada sa di-kalayuan ng naturang bahay. Kahit hindi siya sigurado na siya talaga ang pakay ng taong naroon ay pinili ng dalawa ang kumilos ng kaswal sa loob. Ingat na ingat din siyang huwag makagawa ng bagay na kahina-hinala kaya panay text nalang ang kanyang ginagawa upang huwag marinig ang kanyang boses kung sakaling may nakapasok mang espiya. Nahulog siya sa malalim na pag-iisip habang nakaupo sa tabi ng kanyang luggage at maya-maya’y tila siya napukaw ng marinig niya ang tunog ng kanyang “Message Alert Tone.” Galing sa isa sa mga tauhan ni Congressman Montecalvo ang mensaheng kanyang natanggap. Nang hindi niya mahikayat si Vito na gawin ang kanyang kagustuhan ay napilitan siyang kontakin ang kongresman na kasalukuyang nasa Amerika upang hingin ang tulong nito ngunit siyempre ibang dahilan ang kanyang sinabi.

Ma’am Trixie, wala na si Katharina sa Laoag. Umuwi na siya sa kanilang probinsiya sa Negros Oriental.

“Sh*t! Hindi pwedeng makalayo ang babaeng ‘yon!” Aniya sa kanyang isipan pagkatapos basahin ang naturang mensahe.

Letse! Hanapin niyo kahit pa saang lupalop magtago ang babaeng iyon! Kailangan siyang maligpit para wala ng salot sa buhay ko.

Areglado po Ma’am. Tini-trace na po namin kung saang barangay siya naroon.

Medyo nakahinga ng maluwang si Trixie ng mabasa ang sagot ng kanilang tauhan kaya ng masigurong kumikilos na ang mga ito’y muli niyang ibinalik ang celphone sa loob ng lalagyan nito.

“Bwisit naman kasi itong si Vito. Kung bakit kasi biglang naduwag!” Muling sigaw ng kanyang isipan.

Padarag na tumayo ang dalaga saka pumasok sa loob ng kanyang kwarto upang mag-freshen up. Samantala, mula sa loob ng kanyang kotse ay kitang-kita ni Jericho ang bawat galaw ni Trixie sa loob ng townhouse nito. Eksaktong alas kwatro y medya ng hapon ito dumating at hindi malayo sa oras na sinabi ni Tiara sa kanya.

“Damn! Sino kaya ang katext niya? Hindi naman sana tungkol kay Katharina.” Bulong ng binata sa kanyang sarili habang nakatutok sa monitor ng kanyang laptop saka pinagalaw ang mouse niyon upang tingnan ang mga kaganapan sa ibang bahagi ng bahay.

“Hmm, so far wala namang kahina-hinala sa loob ng bahay ni Montecalvo.”

Nang masiguro niyang negative ang kilos sa loob ay saka napagpasiyahan ni Jericho na lisanin ang lugar na iyon ngunit patuloy pa rin ang pagkukuha ng video sa loob ng bahay sa pamamagitan ng mga surveillance cameras na kanyang itinanim sa bawat parte niyon.

----------------------------------------------

Biglang nakaramdam ng matinding init si Brian at tigbi-tigbi na rin ang kanyang pawis kaya naisipan niyang hubarin ang kanyang jacket at ang tanging itinira ay ang malalaking shades at baseball cap upang patuloy pa ring ikubli ang kanyang hitsura. Kasalukuyan siyang nakasakay sa tricycle na kanyang inarkila at binabagtas ang medyo malubak na daan ng Barangay Victoria. Kung kailanman sila darating sa Sitio Remedios, hindi niya alam. Hindi na rin siya nag-usisa pa sa driver na lalaking medyo may edad na at baka makulitan ito sa kanya dahil kanina pa siya nagtatanong dito. Pinili nalang niyang igala ang kanyang paningin sa luntiang paligid na kanilang nadadaanan. Maya-maya’y napansin ni Brian na nag-U-turn ang driver at huminto sa tapat ng isang daanang pamilyar sa kanya. May kalakip na amusement ang ngiting gumuhit sa kanyang mga labi ng mabasa niya ang karatulang may pangalang “Sitio Remedios” ng itaas niya ang kanyang paningin. Dumukot ng fifty pesos bill ang binata mula sa kanyang pitaka saka ibinigay iyon sa driver. 

Like Only A Woman Can (A Brian McFadden Fan Fiction) [Revising]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon