LIKE ONLY A WOMAN CAN -Chapter 12-

1K 23 2
  • Dedicated kay Genelyn Samar Sigua Westlifer
                                    

-Chapter 12-

SIMPATIKO ANG NGITING SUMILAY sa mapupulang labi ni Brian habang pinagmamasdan ang sariling repleksiyon ng salaming nasa harap niya. Excited na siyang masilayang muli ang maamong mukha ni Katharina na hindi na mapuknat-puknat sa kanyang isip. Nagwisik siy ng pabango at pagkatapos ay binitbit ang kanyang acoustic guitar na dala upang isagawa ang paghaharana sa dalaga. Naglakad siya patungo sa grill house kung saan alam niyang naroon ito. Sumilay ang isang matamis na ngiti sa kanyang mga labi sumagi sa kanyang isip ang mukha ng babaeng nagpapagulo sa kanyang malikot na puso. Nang dahil sa dalaga ay hindi na siya nagkaka-interes sa ibang babaeng nakikita niya sa resort. Bagkus ay nakatatak na sa kanyang isipan ang pagiging desididong ligawan ito.  Pagdating niya ay sina Jannah, Anna Lou at si Joyce ang una niyang nakita ngunit hindi mahagilap ng kanyang mga mata ang mukha ng taong hinahanap.

“Hello Papa B!”

Halos magkasabay na bumati sa kanyang ang mga ito. Hindi mapigilan ng mga ito na kiligin ng makita siya at hindi rin nakaligtas sa paningin ng mga ito ang bitbit niyang instrumento.

“Hi! Is Katharina around?” Tanong ng binata sa mga ito saka gumuhit ng simpatikong ngiti sa kanyang mga labi.

“She’s still in the house making cupcakes but she’ll be here in a while now.” Si Jannah ang sumagot.

“What is that acoustic guitar for, Papa B?” Dagdag nito habang palipat-lipat ang tingin sa mukha ni Brian at sa nasabing bagay.

“Oh, this? Well, I’m going to serenade her.”

“Ah. Sige pupuntahan ko nalang siya. Excuse me.”

“Joyce! Ang haba naman ng hair ni Kath! Bukod sa ang yummy ni Brian, napaka-sweet pa nito!” Natitilihang pahayag ni Anna Lou na tila namimilipit dahil sa kilig gayundin si Joyce.

“Korak ka diyan, Anna Lou. Kainggit nga siya eh. Hay naku! Kailan din kaya ako magkaka-Papa B.” Ani Joyce saka napapailing na napapangiti.

Humakbang si Jannah palayo sa kanila upang puntahan ang pinsang si Katharina at ipaalam dito na naroon si Brian. Hindi pa siya nakalayo ng magkasalubong sila ng dalaga sa daan.

“Cuz, nandito ka na pala. Nandiyan na ang manliligaw mo. I-entertain mo naman!” Saad ni Jannah habang sinasalubong siya. Biglang napakurap ang dalaga at bahagyang itinigil ang paglalakad.

“I-entertain? Ano naman ang gusto mong gawin ko? Mag-tumbling sa harapan niya para ma-entertain siya? Pambihira kang bakla ka ha!”

“Kuu! Nag-iinarte ka na naman ha, humahaba na naman iyang hair mo! Kalbuhin kaya kita.” Palatak nito.

“Ano ba talaga ang gusto mong mangyari, bakla? Babalik din naman iyan sa bansa nila kaya walang patutunguhan ang panliligaw kuno ng lalaking ‘yan kung iyan man ang gagawin niya!” Aniya na pilit na nagmamatigas.

“Ay naku! Halika na nga, Katharina. Tama na ang inarte ha at huwag ka ng magmaganda. Kinuha mo na sa akin lahat!”

Hindi na sumgot pa si Katharina at bahagya nalang pinatulis ang nguso. Magkasabay silang naglakad ni Jannah patungo sa coffeeshop na kanugnog ng grill house at kung saan nakatayo malapit doon sina Brian, Joyce at Anna Lou.

“Hi Katharina! How are you?” Maaliwalas ang bukas ng mukha na bati ni Brian sa kanya.

“A-ah, eh. I’m g-good Brian. How are you too?” Pilit ang ngiting balik niya ng tanong dito.

Bago sumagot ay inilapag ni Brian ang acoustic guitar na dala upang tulungan ang dalaga sa pagbubuhat ng mga dala nito. Pinamulhan ng mukha si Katharina ng hindi sinasadyang naglapat ang kanilang mga kamay habang kinukuha ng binata ang kahon na kanyang binubuhat.

Like Only A Woman Can (A Brian McFadden Fan Fiction) [Revising]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon