LIKE ONLY A WOMAN CAN -Chapter 40-

1.1K 19 6
                                    

NOTE:  Muli ay nagpapasalamat ako sa lahat ng suportang ibinigay niyo sa story na ito. A million apologies talaga if it took me almost two weeks to finish this chapter. Marami kasi talaga akong ginawa ng mga araw na iyon. Isa sa mga dahilan ay ang birthday ng mama ko, fiesta dito sa amin and of course ang concert ni Daniel Padilla. Naging far out ako sa last reason but I just want to be honest.

By the way, this is the final chapter of my fan fiction pero take note, may Epilogue pa kaya sana mag-stay put pa rin kayo. One thing is may intimate scene sa middle part ng chapter na ito at kung hindi niyo kayang basahin, pwede niyo siyang i-skip. Sana magustuhan niyo ang chapter na ito. Enjoy reading at abangan niyo po ang finale. :)

---------------------------------------------------------------------------------------------------

-Chapter 40-

HABANG NAGLILINIS SI KAKAI sa loob ng kwarto ni Brian ay aksidenteng may natabig ang dulo ng hawakan ng vacuum cleaner na kanyang hawak. Bigla siyang napadta at nagmamadaling itinabi ang naturang bagay upang tingnan kung ano ang tila kristal na nabasag. Pagtingin niya sa sahig ay nakita niya ang may kalakihang picture frame na may larawan ng Westlife na kung saan kasama ang binatang amo ngunit ang mas nakatatawag-pansin sa kanya ay sa mismong mukha lang nito nabasag ang salamin. Saglit na namilog ang kanyang mga mata sa nakita dahil biglang bumundol ang kakaibang kaba sa kanyang dibdib. Bigla niya kasing naalala ang isa sa mga paniniwala nila sa Pilipinas na may masamang mangyayari kapag ganoon ang nangyari.

“Diyos ko, sir Brian!”

Tarantang inipon niya ang maliliit na bubog na kumalat sa sahig sa pamamagitan ng papel na naroon upang itapon iyon ngunit hindi pa rin makatkat sa kanyang isipan ang amo na siyang pinakamalapit sa kanya.

“Wala naman po sanang masamang nangyari sa’yo, sir.”

Hindi pa rin humihinto sa pagdarasal ang may edad ng katulong na nagsisimula ng mag-alala para sa binata na itinuring na rin niyang anak. Inalis niya ang litrato mula sa picture frame saka inilagay ang huli sa basurahan.

----------------------------------------------

//“BRIAN!! PARANG AWA MO NA, HUWAG MO AKONG IIWAN!!”

Nakalarawan sa gwapong mukha ni Brian ang kalungkutan habang tinitingnan ang isang babaeng umiiyak at nagsusumamong huwag niyang iiwan na walang iba kundi si Katharina. Pilit nitong iniabot sa kanya ang isang kamay nito ngunit sa hindi sinasadyang pangyayari ay hindi siya nito magawang hawakan. Saglit niyang nilinga ang paligid at kulay puti ang lahat ng kanyang nakikita pati na ang kanyang suot na polo shirt at pantalon maliban sa babae na nakasuot ng bulaklaking bistida. Nang lumingon siya sa kanyang likuran ay nasulyapan niya roon ang kanyang kababatang si Norman na pilit ding inaabot ang kamay sa kanya.

“Bro, come with me. I’ll take you to the paradise and you’ll surely love there because you won’t experience sorrow, fear and failure.”

Nanatiling tahimik si Brian habang tinitingnan niya ito at saglit niyang ipinikit ang kanyang mga mata upang alalahanin kung saang bahagi ng kanyang buhay ito naging parte. Nang muli niyang idilat ang kanyang mga paningin ay biglang pumitik sa kanyang isipan na ito pala ang matalik niyang kaibigan noong high school na namatay sa isang car accident. Isang iglap lang ay natagpuan niya ang kanyang sarili na pilit ng inaabot ang kamay nito ngunit bigla iyong nabitin sa ere ng malapit na niya itong mahawakan ng marinig niyang muli ang tinig ng umiiyak na babae.

“BRIAN!! PARANG AWA MO NA, HUWAG MO AKONG IIWAN!! BRIAN!!”

Nakita ng binata na tumatakbo na ito palapit sa kanya at ng halos magkalapit na ang kanilang mga katawan ay niyakap siya nito ng sobrang higpit. Nang tiningnan niya ang kanyang matalik na kaibigang si Norman ay bahagya itong tumango at gumuhit sa mukha nito ang isang ngiti habang unti-unting naglalaho. .//

Like Only A Woman Can (A Brian McFadden Fan Fiction) [Revising]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon