LIKE ONLY A WOMAN CAN -Chapter 11-

1K 23 3
  • Dedicated kay Betsy Pearl
                                    

-Chapter 11-

HINDI PA RIN MAWAKSI sa isip ni Katharina ang kanyang panaginip sa nagdaang gabi kaya habang tinatapos niya ang pagbe-bake ng wedding cake ay nakasimangot pa rin siya at nakatitig sa kawalan. Nasa isip niya si Brian kaya hindi niya namalayang dumating na ang kanyang dalawang pinsang sina Jannah at Anna Lou.

“Cuz! We’re home!”

May kalakasan na ang boses ni Jannah ngunit nanatili pa ring nakatitig sa kawalan ang dalaga. Dumiretso sa kusina ang dalawang kakarating pa lang ng walang marinig na sagot ang mga ito mula sa kanya.

“O, Cuz! Bakit kay aga-aga ay sambakol ‘yang mukha mo?” Untag ni Anna Lou.

Nang wala pa rin siyang kibo ay pumitik ito ng daliri sa harap ng kanyang mukha dahilan upang siya’y mapakurap.

“Oi Anna Lou, Jannah! Kayo pala.”

“At bakit nakatulala ka ha? Hmm, Lemme guess. Iniisip mo si Brian ‘no? Kuu! Bistado ka na Katharina!” si Jannah.

“Korak ka diyan, Cuz! Baka inlababo na naman itong pinsan natin.” Palatak pa ni Anna Lou saka nag-apir ang dalawa at nagtawanan na siyang ikinunot ng kanyang noo.

“Pwede ba, lubayan niyo nga ako sa usapin tungkol sa Brian na ‘yon. Sinabi ng ‘di type ang kumag na ‘yon eh!”

Ngunit habang sinasambit ni Katharina ang mga salitang iyon ay tila tumututol ang kanyang puso na nagsisimula na yatang pumintig para sa binata. Taliwas sa kanyang mga sinasabi ang totoong nararamdaman nito at animo’y umaayon na rin dito ang kanyang isip na patuloy pa ring nilalaman ang hitsura ni Brian.

“Asus! At wagas ka naman kung maka-react. Naku Cuz ha, naaamoy ko na tuloy ang pagiging gilty mo.” Gatong pa ni Jannah na siyang pinagmulan ng panunukso ng mga ito sa kanya. “Uy! Defensive!” Magkasabay pang sambit nito at ni Anna Lou sabay kalabit sa kanya.

“Bahala na nga kayo! Para malaman niyo kahit kamukha pa niya si Brian ko ay hindi pa rin niya mapapantayan ang ka-gwapuhan nun. Kaya please lang bawas-bawasan niyo na ang pagpe-playing-cupid niyong ‘yan!”

Pagkawika noon ay tumayo na ang dalaga at pinuntahan ang gas range dahil tumunog na ang naturang bagay saka kinuha ang cake na nakasalang doon.

“Hay naku Cuz, umi-skwerda na nga tayo dito. Dahil baka matarakan pa tayo ng umuusok na cake sa mukha.” Si Jannah ulit saka humalakhak ito sabay hila ng balikat ni Anna Lou.

“Ay naku, korak ka nga diyan, Cuz! Exit na nga muna tayo.” Sagot naman nito.

“Naku, buti pa nga! Excited pa naman itong cake na lumapat sa mga mukha ninyo.” Sagot ng dalaga saka marahang tumawa.

----------------------------------------------

“Hijo, Why are you calling me? You miss me ‘no?” Sagot ni Kakai sa kabilang linya. Natawa ng pagak si Brian sa sinabi ng katiwala sapagka’t alam niyang binibiro lang siya nito. 

“Yes, I missed you but I am calling to ask if how can I make a Filipina fall in love with me?”

Kahit marahang nakatawa ay nasa himig ng binata ang pagiging seryoso. Matindi na siguro ang naging tama sa kanya ni Katharina dahil hindi ito mawala-wala sa kanyang isip at tila hindi na nito kayang ikaila pa ang kanyang nararamdaman para dito. Bago sa kanya ang ganoong pakiramdam dahilan upang hindi niya malaman kung ano ang dapat niyang gawin mahuli lang ang loob ng dalaga.

“Hay naku, hijo! Stop making crazy to me. I will not believe you because you are babaero. I will not say I love you too.”

“Kakai, please listen to me first. I am not joking here. I’m serious!” Seryosong saad ng binata.

Like Only A Woman Can (A Brian McFadden Fan Fiction) [Revising]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon