-Chapter 9-
SITIO REMEDIOS NG LAOAG. Isang napakagandang resort na nakaluklok sa siyudad ng Laoag, Ilocos Norte at nakaharap sa Kanlurang bahagi ng dagat ng Pilipinas na malapit na sa pinakadulo ng Luzon. Tila isang paraiso ang nasabing lugar dahil napakakulay nito at napapaligiran ng mga bulaklak. Presko ang simoy ng hangin na kailanman ay hindi nababahiran ng kahit na anong klase ng polusyon. Magarbo rin ang mga cottages na nakapalibot. The lay-out is in a grid typical of Spanish times, the quadricula, respectful of spaces and ancient trees, amid which the structures are built. Nakabibighani pati ang marahang paghampas ng mga along pabalik-balik sa aplaya ng malasutlang dagat na nasa di-kalayuan. Isang lugar na kahit sino ay papangarapin talagang mapuntahan.
Sumilay ang isang ubod ng tamis na ngiti mula sa mga labi ni Katharina ng masilayang muli ang paligid ng lugar na bunga ng pagsisikap ng pamilyang pinagmulan ng kanyang ama. Halos malula siya sa kagandahang nasisilayan ng kanyang mga paningin na tila siya’y nahihipnotismo. Ah, ilang taon na rin mula ng huli siyang magawi sa naturang lugar at malaki na rin talaga ang ipinagbago nito.
“Cuz, okay ka lang ba?” untag sa kanya ni Jannah.
Pinitik nito ang sariling daliri sa kanyang harapan kaya tila nagising ang kanyang natutulog na diwa. Hinamig ng dalaga ang kanyang sarili at pagkatapos ay nilingap ang buong paligid na kung saan nakita niyang nakababa na ang kanyang mga pinsan at tiyahin.
“H-ha? O-oo. O-okay lang ako, Cuz. Bakit naman ang hindi?”
Hindi magkandaugaga ang dalaga sa pagsagot sa tanong ng kanyang pinsan dahil hanggang ngayon ay tila naaakit pa rin siya sa kagandahang taglay ng lugar.
“Hay naku, Cuz! Tara na nga doon sa loob at ng makakain na tayo. Ang init-init dito. Gosh! Nakakasira ng beauty!” Maarte nitong sambit.
“Sylvester! Dalhin mo na ‘yang pinsan mo dito at ng makakain na!” Tawag ni Aling Isabel sa anak na bakla. Nasa loob na ito ng grill house.
“Mommy naman eh! Jannah nga ang pangalan ko. Girl po ako, as in G-I-R-L! Kita naman ang ebidensiya ‘di ba?” Maktol nito na nanunulis pa ang nguso. “Halika na nga sa loob ,Cuz. Hoy! Gising ka na.” Baling nito sa dalagang kasama pa ring nakatayo sa tabi ng sasakyan.
“Ang ganda na dito Cuz, ‘no? Ang laki na ng ipinagbago nitong Sitio Remedios. Matagal na nga talaga akong hindi nakapunta dito.” Aniya na hindi pa rin naalis ang ngiting nakapaskil sa mga labi. Pakiramdama niya’y tila hinahaplos ng malamig na kamay ang kanyang puso habang pinagmamasdan ang lugar.
“Naku Cuz, mamaya na ‘yang pag-eemote natin dahil feeling ko yata nagwawala na ang mga alaga kong anaconda!”
Hinila nito ang kanyang braso upang igiya siya sa grill house na nakatayo sa kanilang harapan habang ang isang kamay naman nito ay hila-hila ang kanyang luggage. Nagpatianod nalang ang dalaga habang inaayos ang sarili. Nang makarating sila sa loob ng grill house ay naroon na ang iba niyang bagahe at may mga pagkain na ring nakahanda sa mesa. Habang kumakain ay puno sila ng kwentuhan at maraming tanong kay Katharina ang kanyang mga kasalo sa hapag partikular na sa kanyang buhay pag-ibig na siyang bukod-tanging bagay na pinakaiiwasan niyang pag-usapan sa mga oras na iyon.
“Katharina, dinig ko ay may boyfriend ka daw na nurse. Nasaan nga pala siya ngayon at bakit hindi mo siya kasama dito? Mabuti’t pinayagan ka niyang pumunta dito mag-isa.” Ani Anna Lou, isa sa kanyang mga pinsan na nakiumpok rin sa kanila. Kibit-balikat lang ang naging tugon ng dalaga sa tanong nito na naging sanhi upang umugong ang malakas na tuksuhan. “Ibig sabihin ay false alarm lang iyon?” Dagdag pa nito sa kanya.
BINABASA MO ANG
Like Only A Woman Can (A Brian McFadden Fan Fiction) [Revising]
Fanfiction[[NOTE: This is the unedited version of the story so please bear with the typos and wrong grammar. I'm still finding enough time to polish this so it would look presentable.]] "Like Only A Woman Can" is a fan-fiction romance novel written by Yours T...