LIKE ONLY A WOMAN CAN -Chapter 34-

771 14 4
  • Dedicated kay Emily Teñajora
                                    

-Chapter 34-

PANAY ANG YUKO NI Vito habang nakatayo pa at hinahanap ang numero ng upuang nakalaan sa kanya habang nasa loob na siya ng eroplano upang hindi siya makita ni Katharina. Nasulyapan niya na nakapuwesto na ang dalaga sa nakalaang upuan nito. Malayo lang ang pagitan ng kanilang pagitan kaagad na lumapit si Vito sa pwestong kanina pa niya hinahanap ng matagpuan niya ito. Kaagad siyang umupo doon at pinili na lang na manahimik upang huwag makahalata ang dalaga na naroon din siya’t kasama nito sa iisang eroplano.

Samantala, wagas ang kaligayahang nararamdaman ni Katharina na ngayon ay nakaupo na sa long eroplanong maghahatid sa kanya sa Ireland kung saan doon ay magkikita na naman silang muli ng kanyang kasintahang si Brian. Tila pakiramdam ng dalaga ay nakaupo siya sa ulap habang tinitingnan ang nasa labas ng bintana. Unti-unti na niyang nasusulyapan ang mga ulap dahil umuusad na ang kanyang kinasasakyan patungo sa himpapawid. Malapad ang ngiting sumilay sa kanyang mga labi dahil sa nararamdamang kasiyahan habang tinitingnan ang

“Ilang oras nalang Bri ay magkikita na tayo. Nasasabik na talaga akong makitang muli ang gwapo mong mukha at ang makulong ulit sa iyong mga bisig.” 

May mumunting kilig na naramdaman ang dalaga habang iniisip ang mga bagay na iyon. Halo-halo ang kanyang nararamdaman sa mga oras na iyon. Hindi niya rin mapigilan ang kabahan habang iniisip kung ano ang magiging reaksiyon ng binata kapag nakita siya nito sa sarili nitong bansa ngunit mas nanaig pa rin ang kaligayahang kanyang nararamdaman.

----------------------------------------------

Lingid sa kaalaman ni Katharina ay kanina pa pala siya sinusundan ng palihim ni Jericho dahil nalaman ng binata ang tungkol sa pagpunta ng dalaga sa Ireland base na rin sa kanyang pangangalap ng impormasyon. Nang makalipad na ang eroplano ay agad siyang tumawag kay Kian upang ipaalam dito ang tungkol sa kanyang nalaman. Matiyagang naghintay si Jericho na sagutin ng binata ang kanyang tawag at ng sa wakas ay narinig niya ang mahinang pag-click ng may sumagot sa mula kabilang linya.

“Hello Jericho? Is there any news about Katharina?” Sagot ni Kian sa kabilang linya.

“Yes, sir Kian. I saw Katharina here in Ninoy Aquino International Airport this afternoon and she was one of the passengers of the Etihad Airways. I have the hint that she’s flying towards Ireland based on what I’ve heard when she and her cousins were talking at the waiting area.” Magalang na pagbibigay impormasyon ng detective agent.

“Oh, really? Did you hear the reason why? I mean what is she up to here?” Nagtatakang tanong ni Kian sa binata.

“She’s going there in Ireland to see your mate and at the same time her boyfriend named Brian. Based on her physical appearance and gestures, I could see that she doesn’t have any idea about what’s happening and in fact, she’s utterly excited to see her boyfriend again.” Pagpapatuloy ni Jericho.

“Jeez! This is another hint that she’s really innocent regarding the photos I gave you. Thank you for the informations, Mr. Fuentebella. I would surely keep an eye with her when she’s already here. I will also contact Etihad airways regarding its arrival here in Dublin airport.”

“You’re welcome, sir Kian and I would also continue to dig deeper and find more information regarding the said case. I’m going back to Laoag now. I will just send you the additional informations through e-mails.”

“Alright, Mr. Fuentebella. Thank you so much.”

Pagkatapos ng kanilang usapan ni Jericho ay nahulog sa isang malalim na pag-iisip si Kian. Inaanalisa niya kung ano ang mga tamang hakbang na gagawin sa oras na lumapag ang eroplanong kinasasakyan ni Katharina sa paliparan ng Dublin. Nag-aalala rin siya para sa dalaga lalo na kapag nalaman nitong unti-unti ng nahuhulog na loob ni Brian sa ibang babae dahil tiyak na masasaktan ito. Tila nais na mainis ng binata sa kanyang kaibigan at kasama sa banda dahil hindi man lang nito nagawang pakinggan ang nobya kung ano talaga ang katotohanan sa mga larawang nakita. Bago dumulog sa kanyang kama upang matulog ay ipinasya ng binata na padalhan ng mensahe ang nakababatang kapatid ni Brian na si Vivien dahil naisip niyang baka natulog na ang dalaga.

Like Only A Woman Can (A Brian McFadden Fan Fiction) [Revising]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon