LIKE ONLY A WOMAN CAN -Chapter 22-

646 13 6
  • Dedicated kay Jap Jap
                                    

-Chapter 22-

KINABUKASAN AY DAGSA SA lahat ng social networking sites ang tungkol sa isinagot ni Brian noong tanungin siya ng isang fan tungkol sa kanyang buhay pag-ibig. Maraming nagpahayag ng kanilang saloobin tungkol doon. Maraming nag-kumento ng positibo ngunit may iba ring hindi matanggap na may nagmamay-ari na sa puso ng binata.

“Cheers for having someone in your life now, Brian.”

“I am happy to hear about you having a lovelife, Bri.”

“Who’s that special someone of yours, Brian?”

 “Who’s that bitch, Brian?!”

“Oh gosh! Someone stole you out from me!”

“Brian, why a Filipina? German ladies are here!”

 

Iyon ang iilan sa mga kumentong mababasa mo sa facebook at twitter. Napatawa nalang habang napailing si Brian ng mabasa ang mga iyon pati na rin ang kanyang mga kaibigan at kasamahan sa banda na sina Shane, Kian, Nicky at Mark. Sanay na silang lima sa mga ganoon kaya tila wala na lang sa kanila ang mga iyon. Ngunit ang inaalala ng binata ay si Katharina kapag nabasa nito ang mga negatibong kumento ng mga tao.

“Hmm, a lot of people are so affected with what you said yesterday, dude!” untag ni Mark sa binata ng nasa dressing room sila habang kasalukuyang nagpapahinga galing sa kanilang pag-eensayo sa kanilang mga kakantahin sa darating na concert nila sa Pilipinas.

“Yeah, Mark. I’m so worried that Katharina will be hurt about it. That’s why I don’t wanna bring this in public.” Bakas sa mukha ng binata ang pag-aalala habang iniisip ang dalaga. Kaya tinapik nalang ng kaibigan ang kanyang balikat upang kahit papaano’y pagaanin ang kanyang loob.

“Don’t worry, Bri.  We know she’s a strong woman. She can handle all of this. Besides, those are just comments. People cannot harm her physically because they don’t know who she is.” Sagot naman nito sa kanya.

 “I just hope so, Mark ‘cause it will hurt me more if she’s hurt. I absolutely love her. Geez! She’s all that matters to me. I wanted to go back to the Philippines and just live with her there. Please tell me what to do, dude. Sometimes, a thought will just come across my mind. What if I’ll quit, just marry her and we’ll live peacefully in her country?” Bumabalong na ang luha sa mga mata ng binata habang sinasambit iyon sa kaibigan. Bumakas sa mukha ni Mark ang takot sa sinabi ng binata dito. Mahirap para sa kanya na paniwalaan ang lahat ng mga sinasabi nito dahil kung meron man sa kanila ang lubos na pinapahalagahan ang banda ay si Brian na iyon.

“Don’t say that, dude! This is our dream. A dream we built five years ago. You can’t just leave us! You’re just in a state of confusion as of this moment. Do you think Katharina would be happy if you’ll leave the band because of her? Come to think of it, dude!” Tila nagtaas na ang boses ng kanyang kaibigan habang sinasabi iyon na kanina ay napakamalumanay pa sana nito.

Tuluyan ng umiyak ang binata. Tahimik lang siyang umiiyak na tila pilit na pinipigilang ibuhos ang lahat ng kanyang mga luha at wala ng salitang namutawi mula sa kanyang bibig. Nakaramdam ng matinding pagkahabag si Mark habang tinitingnan ang kaibigan. Kahit hindi pa niya naranasan ang umibig ng totoo sa isang babae ay ramdam niya ang sakit na dinadala nito sa puso, ang matinding pangungulila nito sa dalagang iniibig. Taliwas na ito sa Brian na kanyang nakilala. Iyong tipong palabiro at mahilig tumawa kaya niyakap niya ang kaibigan.

Like Only A Woman Can (A Brian McFadden Fan Fiction) [Revising]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon