LIKE ONLY A WOMAN CAN -Chapter 37-

948 16 5
                                    

-Chapter 37

AKALA NI KATHARINA AY matatahimik na siya sa ginawang paglayo kay Brian ngunit bigo siya sa nais na mangyari dahil wagas na kahungkagan ang kanyang nararamdaman habang lumalapag na ang eroplanong kinalululanan sa Ninoy Aquino International Airport. Ngayon pa man  ay tila umiiyak na ang kanyang puso sa ideyang hindi na niya kailanman masisilayan pa ang mukha ng binatang minsan na niyang pinag-alayan ng lahat, matikman ang matatamis nitong halik at maramdaman ang init ng mga yakap nito. Ito ang tanging gumugulo sa kanyang sistema sa halos dalawampu’t apat na biyahe pabalik sa sariling bansa at animo’y nais pa niyang pagsisihan ang naging pasya dahil hindi naman talaga iyon ang nais mangyari ng kanyang puso.

“God! Bakit ba ako nagkakaganito? Gusto ko ng kalimutan si Brian pero bakit patuloy pa rin akong naliligalig? Gusto ko siyang makasama at parang nais kong bumalik sa Ireland upang manghingi ng patawad sa kanya.” Saisip ng dalaga. Mariin niyang ipinikit ang kanyang mga mata upang kahit papaano’y pawiin ang kaguluhan sa kanyang isip ngunit tila naman tuksong rumehistro doon ang gwapong mukha ng binata. Kinagat niya ang pang-ibabang labi dahil pakiramdam niya’y nagi-guilty siya sa binata.

“Sh*t! Ano ba ‘tong nangyayari sa akin? Bahala na nga!” Patuloy na sigaw ng kanyang isip saka tumayo na ng makitang tuluyan ng lumapag ang eroplano. Bigla siyang nakadama ng labis na pananabik sa Pilipinas ng malanghap niya ang simoy ng hangin sa oras na nakalabas siya ng pintuan ng kinasasakyan. Kahit na napamahal sa kanya ang Ireland sa dalawang linggo niyang pananatili doon, para sa dalaga’y iba pa rin talaga kapag nasa sariling bansa. Nagsimula na siyang humakbang pababa saka naglakad patungo sa Arrival Area ng paliparan upang tumawag sa pinsang si Jannah at ipaalam dito na nakabalik na siya.

“Hello Cuz? Nasaan ka na ngayon?” Tanong nito mula sa kabilang linya.

“Narito na ako sa NAIA, Cuz. Sa susunod na araw na siguro ako luluwas pauwi diyan sa Laoag kasi gusto ko munang magliwaliw dito.” Sagot niya dito.

“Ayee! Marami kang ikekwento sa amin ha? Na-miss ka talaga namin ng bongga, Cuz. So pupunta ba kami ni Anna Lou diyan para hindi ka ma-bored sa biyahe pag-uwi?”  

“Naku, hindi na Jannah. Nakakahiya naman kay Tita Isabel kung mababawasan ng tao diyan sa resort lalo na sa grill house. Saka gusto ko rin munang mag-solo flight kaya okay lang. Diyan nalang tayo magkita ha?”

“Naku, ikaw na ngang bahala. Susme! Nagpapamiss kang masyado eh pero sige, enjoy ka muna diyan. Saka huwag mong kalimutan ang pasalubong namin ha?”

“Oo naman! Pwede ko ba namang kalimutan iyon? Arte mo talaga bakla ka. Sige, ibababa ko na muna ito kasi kailangan ko ng mag-abang ng taxi. Tatawag nalang ulit ako mamaya ha. Babuu, Cuz! Muaah!”

Nang matapos ang usapan nila ng pinsan, kahit papaano’y nakaramdam ng saya si Katharina. Saglit niyang nakalimutan ang bigat na nararamdaman sanhi ng kanyang ginawang pag-iwan kay Brian. Nag-abang ng taxi ang dalaga at nagpahatid sa isang hotel. Hindi naman nagtagal ay may huminto sa kanyang tapat at kaagad siyang pinasakay.

----------------------------------------------

“We still have one month before we go back to work, Bri so you can still follow Katharina in the Philippines. I mean, why don’t you court her again? Just like what you did before. Right, lads?”  Wika ni Mark nang magkaroon sila ng pagkakataong magtipon sa bahay nito. 

“Mark’s absolutely right, Bri. Why don’t you start from the very beginning? Gain her trust again and show to her that you really love her to bits. Come on! That’s where you’re good at, dealing with girls.” Sang-ayon ni Shane na bahagya pang tumatawa habang panay ang iling gayundin sina Nicky at Kian.

Like Only A Woman Can (A Brian McFadden Fan Fiction) [Revising]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon