LIKE ONLY A WOMAN CAN -Chapter 30-

608 13 4
  • Dedicated kay Mharian Malolot
                                    

-Chapter 30-

ISANG NAPAKALAKING PALAISIPAN SA mga tao ang biglaang pag-anunsiyo nina Peter at Franklin na kapwa mga manager ng Westlife kung bakit pansamantalang ititigil ng dalawang buwan ang World Tour ng grupo. Nakadalawang conference pa sila bago tuluyang naintindihan ng mga concert producers, promoters, crews and staffs ang dahilan ng pansamantalang pagtigil ng nasabing tour. Maraming katanungan galing sa media, press at pati na rin sa mga radio announcers na hindi nabigyan ng sapat na kasagutan. Mahigpit ang kanilang ginawang pagpo-protekta sa kalagayan ni Brian kaya iniwasan na rin nilang maharap sa camera ang apat na binatang sina Mark, Kian, Nicky at Shane dahil baka mas lalong dadagsa ang katanungan ng mga tao. Marami din ang nanghinayang lalo na sa mga taong nagpareserve na ng ticket sa kani-kanilang bansa.

“Mr. Clapton, what can you say about the sudden postponement of the five lads’ world tour?” Tanong ng isang babaeng taga press kay Peter sa isang panayam.

“The management have decided to give them a break. That’s all.” Makling pahayag ng General Manager ng Westlife habang naglalakad ito papasok sa gusali ng BMG Records.

“Why is it that the five lads refused to be in an interview where in fact, it is their obligation to give their statement so as not to leave the fans cliff-hanging?” Tanong pa ng isa habang inilalapit sa lalaki ang hawak na recorder nito.

“Isn’t it clear to you that we already made the decision to give them a break so that they can fully prepare for their return. I’m sorry. I’m busy so I can’t be with you here the whole day.” May inis sa tinig na pahayag ni Peter saka nagmamadaling pumasok na sa loob ng elevator ng gusali. Walang nagawa ang mga taga press kundi lumabas nalang mula doon na pawang may katanungan pa rin sa kani-kanilang isipan.

-o00o-

Napailing nalang ang apat na binatang sina Kian, Mark, Shane at Nicky habang pinapanood ang  news clip na iyon sa isa sa mga channels ng telebisyon. Nasa tinitirhang bahay sila ng una. Inuupahan lang nito ang bahay na iyon dahil malayo-layo ang Sligo kung saan ito tunay na nakatira kasama ng pamilya. 

“I still can’t believe that our tour is postponed for two months. But we can’t blame the management because they’re just protecting us especially Brian.” Seryosong pahayag ni Nicky habang panay ang iling. 

“I was fecking excited to go to Paris before but everything turned out into something horrible. I wonder who’s really the root cause of this horrendous thing. Lads, do you really believe that Katharina can really do such vindictive act?” Pakli ni Mark saka pinalipat-lipat ang tingin sa apat na kaibigan.

“Honestly Mark, I couldn’t really believe it. I think there’s something weird that’s happening here that we need to discover. What can you say, Kian?” Tanong ni Shane saka tiningnan ang kaibigan.

Nasa counter ng bahay na kanyang inuupahan si Kian at nagbubukas ng apat na bote ng beer na kinuha nito mula sa refrigerator na naroon. Kibit-balikat lang ang kanyang itinugon sa kaibigang nagtanong sa kanya. May namumuong plano sa kanyang isip ngunit hindi pa niya alam kung ano ang unang hakbang na gagawin kaya hindi pa niya masabi-sabi sa tatlo kung ano ang bagay na ngayo’y umoukupa sa kanyang isipan. Isa-isa nitong inabot ang bawat bote ng beer sa tatlong kaibigan saka naupo sa couch katabi si Mark.

“Thanks, dude.” Ani Mark na siyang huling inabutan niya ng bote. “I wanted to phone Katharina without Brian’s knowledge and ask her about those pics but I don’t think I’m in the position to do it. Besides, I don’t have her phone number.” Dagdag pa nito sabay tungga sa laman ng bote.

Like Only A Woman Can (A Brian McFadden Fan Fiction) [Revising]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon