LIKE ONLY A WOMAN CAN -Chapter 10-

1K 22 2
  • Dedicated kay Nisan K Abdullah Westlifer
                                    

-Chapter 10-

“HELLO ATE KATHARINA, KUMUSTA?”

Mababakas sa boses ni Marrah ang sobrang kasiyahan ng sagutin nito ang tawag ng nakatatandang kapatid na si Katharina.

“Okay lang ako, Marrah. Nasaan ang Mama?”

Kahit papaano ay napawi ang sobrang inis na nararamdaman ni Katharina dahil sa pagkapahiya sa kanya ng isang banyagang lalaki kanina sa coffeshop ng resort. Nakaguhit na ngayon ang ngiti sa kanyang mga labi habang kausap ang nakababatang kapatid dahil sobra na niya itong na-miss sa ilang araw na hindi nila pagkikita.

“Naku, Ate wala si Mama. Kaaalis niya lang papunta sa fashion house. Pero pwede ka namang tumawag ulit mamayang gabi kasi siguradong nakauwi na siya.”

Biglang gumuhit ang panghihinayang sa magandang mukha ni Katharina pagkatapos marinig ang sinabi ni Marrah dahil bukod dito ay ang kanilang ina ang katangi-tanging dahilan kung bakit siya tumawag.

“Naku, sayang naman. Sobrang na-miss ko pa naman siya, kayong dalawa. Ayos lang naman ako dito. Na-hire ako bilang baker sa coffeeshop na nasa resort na pag-aari mismo ng pamilya nina Papa. Mabuti nga ‘to kasi nagagawa ko na ang bagay na matagal ko ng gustong gawin.”

“Masaya ako para sa’yo, Ate! Pero nami-miss na talaga kita. Sana hindi magtagal at umuwi ka na, Ate Kath!” Malambing na pahayag ni Marrah.

“Sus! Miss ko na rin naman kayo ng Mama. Hayaan mo, uuwi din ako diyan saka nag-eenjoy pa kasi ako dito.” Aniya sa kapatid. “Maiba ako, Marrah, hmm, may isang lalaking foreigner dito sa resort. Ang gwapo niya sana pero naku! Nuknukan ng bastos!”

Tila nanggagalaiti ang dalaga sa inis habang naaalala ang banyagang lalaking nakasagutan niya sa coffeeshop. Sukat doon ay tila bumugso ang isang hindi maipaliwanag na damdamin lalo na sa kanyang puso ng maalala ang halik na iginawad nito sa kanya. Animo’y may sumisingit na mumunting kilig sa kanyang puso lalo na ng maalala niya ang mabangong hininga nito at hindi niya totally makuhang mainis dito.

“As in, Ate? Ay, ano ba ‘yan! Karamihan talaga sa mga gwapo ay mga bastos. Sayang ang kanilang hitsura!” May panghihinayang sa tinig ni Marrah.

“Take note, Marrah. Kamukha niya si Papa B!”

Hindi niya maintindihan ngunit biglang mas nag-ibayo ang kilig na kanyang nararamdaman ng maalala ang gwapong mukha ni Brian. Pilit niyang iwinaksi sa isipan ang hitsura nito ngunit tila pilit pa rin itong naggugumiit doon. Naiinis siya sa kanyang sarili dahil nagsisimula ng hanapin ng kanyang mga mata ang binata kapag hindi niya ito nakikita.

“Hay! Sinasabi ko na nga ba! Ikaw Ate Kath ha, napapansin kong panay Brian na ang lumalabas diyan sa bibig mo. Tuloy mo lang ‘yan kasi iyang dila, may powers ‘yan. Baka marinig ni Papa B at maisipan niyang magpunta dito sa Pinas.”

Sukat sa sinabi ni Marrah ay napabunghalit silang dalawa sa pagtawa habang nag-uusap sa celphone. Marami pa silang pinag-usapang magkapatid. Halos dalawang oras bago sila natapos at kulang pa iyon kung tutuusin dahil sa sobrang pananabik nila sa isa’t-isa. Natapos lang ang kanilang pag-uusap ng sabihin nito na pupunta na sa paaralan. Tumayo na ang dalaga para mag-lakad-lakad sa dalampasigan. Isang simpleng walking shorts lang at blouse ang kanyang isinuot tapos naglagay ng baby powder at lipgloss.

----------------------------------------------

Samantala, naglalakad  rin sa dalampasigan si Brian na naka-shorts lang at walang pang-itaas. Medyo maalinsangan kaya gusto niyang magtampisaw sa dagat sa mga oras na iyon. Nang medyo mapagod ay umupo siya sa gilid ng di-kalakihang bato. Marami-raming tao sa dagat. May mga babaeng naka-swimsuit at ang iba naman ay nakasimpleng shorts lang at blouse habang naliligo. Panay ang tingin ng binata sa paligid dahil may hinahanap na pamilyar na bulto ng babae ang kanyang mga mata. Hindi niya nagawang makatulog ng maayos kagabi dahil hindi na niya nagawang iwaglit sa kanyang isipan ang maiitim at nangungusap nitong mga mata, ang maganda at inosente nitong mukha na kainosentihan ay nagmumukha itong vulnerable sa kanyang paningin. Tila isang kristal na kailangang ingatan dahil anumang oras ay mababasag. Napangiti ang binata ng maalala ang mukha nito.  Habang nag-iisip ay aksidente siyang napatitig sa kinaroroonan ng isang babaeng nag-iisa at naka-swimsuit. Ngumiti ito sa kanya at dahil likas na palakaibigan ay ginanti iyon ng binata ngunit hindi niya inasahan na lalapitan siya ng naturang babae.

Like Only A Woman Can (A Brian McFadden Fan Fiction) [Revising]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon