-Chapter 2-
ARAW NG BIYRENES AT day off ni Katharina. Wala siyang ibang plano para sa araw na iyon kundi ang pumirmi lang sa bahay at magpahinga buong araw. Kasalukuyang nagbabasa ang dalaga ng nobelang pinamagatang “A Walk to Remember” na sulat ng kanyang paboritong author na si Nicholas Sparks nang biglang nag-ring ang kanyang celphone. Binasa niya ang caller ID at pangalan ng kanyang kaibigang si Betsy ang nakarehistro. Sinagot ng dalaga ang tawag.
“Hello Bets! O, ba’t napatawag ka?” sagot niya sa kaibigan.
“Hoy girl! May chika ako sa’yo pero ayokong sabihin dito sa phone. Kailangang mag-usap tayo sa personal.” Hindi magkamayaw na sagot ni Betsy sa kabilang linya.
“Ha? Tungkol saan? May nag na-autofail ba sa mga ahente natin?” Tanong ng dalaga sa kausap.
Ang auto-fail ay score na zero na kadalasang nakakamit ng mga ahente kapag ito ay nagpapakita ng pagiging rude sa mga customers na sineserbesyohan. Performance basis kasi ang kumpanyang kanilang pinagtatrabahoan kaya nire-rate ang scores ng mga ahente in a randomly manner.
“Hindi ah! Napaka far-out mo naman!” Napataas bigla ang boses ni Betsy sa kabilang linya.
“Eh ano nga?!” Kunwari’y naiinis na tanong niya dito.
“Ah basta! Kailangang magkita tayo. Teka, asan ka ba ngayon? Naamoy ko yatang hindi ka pa naliligo.” Sagot naman ng kanyang kaibigan sabay tawa ng nakakaloko.
“Kasi naman po, nasa bahay lang ako at saka, para malaman mo, day off ko ngayon kaya mahalaga ang bawat oras ko.” Turan ng dalaga sa kaibigan sabay tawa na rin.
“O siya sige, ako nalang ang pupunta dyan. I’ll be there in 30 minutes. Magpapaganda na muna ako kasi may date kami ng Papah Jovan ko pagkagaling ko dyan. Sige buh-bye na!” pinal na sabi nito. “Sige bye! Muah!”
Parang mga bakla sila kung mag-usap Betsy marahil ay kabi-kabila ng mga bakla sa call center kung saan sila nagtatrabaho kaya nahawaan sila sa pag-uugali ng ito.
“Hay naku! Kakaloka talaga ang babaeng yun! So ibig sabihin nito, mauudlot na naman ang pagbabasa ko??” Pakumpas-kumpas pa ng kamay na sabi ni Katharina na parang may kausap ito.
“Ate, pwede ko bang mahiram itong wedge mo? Mamamasyal lang kami sa Robinsons ni Angela.” Untag ni Marrah.
Hawak-hawak nito ang kanyang wedge sandals na kulay fuschia pink na five inches ang taas. Nakaayos na ito na kung saan ay kulay fuschia pink na sleeveless na may butones at pencel cut na paldang kulay itim na above the knee and suot nito.
“Mamamasyal ba ka mo o makikipag-date? Uy! Sino ang boylet na yan ha, Marrah?” Kantiyaw niya dito.
“Hindi ah! Si Angela po talaga ng kasama ko ‘te. Promise! Ikaw talaga ate Kath, Ppalagi mo talaga akong inaakusahang may ka-date sa tuwing pumupunta ako sa mall kasama ang bestfriend ko.” Pagtatanggi ni Marrah na ang tinutukoy ay ang best friend nito mula high school hanggang sa kasalukuyan.
“Sus! Kaya pala namumula iyang mukha mo?” gatong pa niya ito. Nilubos na niya ang pangangantyaw sa kapatid.
“Si Angela lang po talaga ang kasama ko ‘te. Promise! Kahit samahan mo pa ako.” Saad naman ni Marrah habang itinataas ang kanang palad na animo’y nagpa-Panatang Makabayan ito.
Oh siya, siya. Naniniwala na ako sa’yo. Ito naman, hindi mabiro. Nagpaalam ka na ba kay mama?” tanong ni Katharina sa kapatid.
“Kanina pa po bago siya nagpunta sa palengke. Naku! Thank you po talaga ate! Kayo po talaga ang the best and the prettiest ate in the whole world!” May kaartehang wika ng kanyang kapatid. Lumapit ito sa kanya at niyakap siya nito.
BINABASA MO ANG
Like Only A Woman Can (A Brian McFadden Fan Fiction) [Revising]
Fanfiction[[NOTE: This is the unedited version of the story so please bear with the typos and wrong grammar. I'm still finding enough time to polish this so it would look presentable.]] "Like Only A Woman Can" is a fan-fiction romance novel written by Yours T...