LIKE ONLY A WOMAN CAN -Chapter 3-

1.2K 26 3
  • Dedicated kay Mandy Maria Duncan
                                    

-Chapter 3-

UMAGA NA NG MAGISING si Katharina. Nasa kanyang kwarto siya at at nakahiga pa. Nang masulyapan niya ang kanyang wall clock ay alas sais pa ng umaga. Nag-inat ang dalaga at naghikab saka bumangon. Lumabas ng kwarto ang dalaga. Tulog pa ang kanyang kapatid na si Marrah at ang kanyang Mama Marga ng mapadaan siya sa kwarto ng mga ito.  Pumunta siya sa kusina at nag-toothbrush saka naligo. Napagpasyahan niyang siya na lang ang magluluto ng agahan nilang mag-iina sa umagang iyon para pagkagising ng kanyang kapatid at ina ay kakain nalang ang mga ito. Nasiyahan ang dalaga habang tinitingnan nya ang mga hinanda nya sa mesa. May mga ngiting nakapagkit sa kanyang mga labi habang napaupo sa isa sa mga upuan sa kanilang hapag-kainan. Simula kasi ng magtrabaho siya sa call center ay bihira niya ng naipagluluto ang kanyang ina at kapatid dahil pagkagaling niya sa trabaho ay dire-diretso na siya kanyang kwarto para matulog. Nasa kasarapan na ng pagbabasa ng “A Walk To Remember” si Katharina ng makarinig siya ng mga yabag na patungo sa kusina na ang nagmamay-ari ay ang kanilang ina. Umaliwalas ang mukha nito ng matingnan ang mga umuusok pang pagkain sa mesa.

“Ako na ang nagluto ng agahan, ma. Matagal-tagal ko na rin kasi tong di nagagawa.” Pahayag ni Katharina sa ina.

“Naku ‘Nak, nag-abala ka pa. Hindi mo na naman kailangang gawin iyan. Saka naiintindihan ko kung gaano ka napapagod sa trabaho mo. Kahit wala akong naririnig na reklamo galing sa’yo ay ramdam ko 'yon.”

Ngumiti sa kanya ang kanilang ina saka hinawakan nito ang kanyang balikat. Gumanti rin ng pagkakangiti si Katharina dito. 

“Sus! Ayos lang po iyon sa akin, Ma. Salamat po pala sa pag-iintindi ha. Sige, gigisingin ko na po muna si Marrah para sabay na tayong tatlo na kumain.”

Tumayo na siya at inakyat ang kanilang hagdanan na may limang baiting saka pumasok sa kwarto ni Marrah na nasa harap ng hagdanan. Kumatok siya ngunit wala siyang narinig na sagot galing sa kwarto nito. Pinihit na niya ang doorknob. Pagkapasok niya sa kwarto ng nakababatang kapatid ay nakita niyang nakahiga pa ito sa kama at tulog pa. Yakap-yakap nito ang isang hotdog na unan na paborito nitong yakapin sa pagtulog simula ng mga bata pa lang sila. Sinipat niya ang kwarto at nakita niya ang mga posters ng iba’t-ibang boybands na paborito nito ngunit ang nakatawag sa kanyang pansin ay ang pinakamalaking poster nito na siyang nasa pinakagitna. Poster iyong ng pinakasikat na bandang Westlife. May limang binata sa poster pero doon siya sa pinakamatangkad nakatingin. Ito ay walang iba kundi si Brian McFadden. Nilapitan niya ang poster at hinimas ang mukha ng binata at kung gaano man siya katagal sa ganoong posisyon ay hindi niya alam habang may naaalala niya yung Fourth year High School pa lang siya. .

Bumili ng DVD tape ng Westlife ang kanilang amang si Mang  Fernando. Kauuwi lang nito galing sa Basilan. Pinagbakasyon ito at ang iba pa nitong mga kasamahang mga sundalo. Sumaglit ito sa Cebu para bumili ng DVD tape kasi matagal na niya iyong hinihiling sa kanilang ama. Kasisimula pa lang ng video ay nagsigawan na silang dalawa ni Marrah. Sina Mark at Nicky ang mga  paborito nitong members habang siya naman ay si Brian.

“Ang gwapo nina Kian at Mark, ate! Haaay! Nakakalaglag panty talaga ang ka-gwapuhan!” Namimilipit ito sa pagkakilig.

“Gwapo silang lahat pero ang pinaka-gwapo ay ang my one and only Brian!!!” Kinikilig namang saad ni Katharina sa kapatid. Niyugyog niya ang balikat nito.

Hindi magkamayaw silang dalawang magkakapatid. Hindi naman talaga maikakaila ang ka-gwapuhang taglay ng limang binata. Marami nga ang nagsasabing ang Westlife ang pinaka-perpektong boyband kasi bukod sa mga talented ang mga ito ay kay gu-gwapo pa lahat ng miyembro. Grade six  pa lang si Marrah ng mga panahong iyon pero alam na nito kung paano ang humanga. Hindi pa rin tumitigil ang dalawa sa kasisigaw lalo na kapag napo-focus sa screen ang gwapong mukha ng kani-kanilang mga paborito. .

Like Only A Woman Can (A Brian McFadden Fan Fiction) [Revising]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon