LIKE ONLY A WOMAN CAN -Chapter 31-

640 17 4
                                    

-Chapter 31- 

TUNOG NG KANYANG CELPHONE ang nagpagising sa lumilipad na diwa ni Katharina. Nag-iisip siya kung ano ang naghihintay sa kanya bukas sa pagpunta niya sa Maynila upang asikasuhin ang mga papeles sa Department of Foreign Affairs para sa plano niyang pagpunta ng Ireland. Biglang nagkaroon ng sigla ang kanyang mukhang ilang araw ng nababakasan ng kalungkutan kaya diretso niyang pinindot ang “Answer” button.

“Hello Bri! Salamat sa Diyos at tumawag ka. Miss na miss na talaga kita.” Maluha-luhang pahayag ng dalaga habang nakapagkit ang isang matamis na ngiti sa kanyang mga labi.

“Mare! Anong Brian? Si Betsy ‘to. Ano, kumusta na?” Mababakas sa boses ni Betsy ang pagtataka nito ng marinig ang sinabi ng kaibigan.

Biglang lumaglag ang balikat ni Katharina ng mapagtanto niyang ang matalik na kaibigan pala ang tumawag sa kanya at hindi ang kasintahang ilang linggo na niyang pinanabikang marinig ang boses. Tila siya binuhusan ng malamig na tubig ng mapagtanto niyang si Betsy nga ang nasa kabilang linya ng matingnan niya ang pangalan sa caller ID ng kanyang celphone.

“Ay, s-sorry, Bets. Akala ko kasi si Brian ang tumawag. Heto, okay naman ako. Ikaw? Kumusta ka na nga pala? Sorry nga pala ha. Hindi tayo madalas na nagkakausap sa celphone. Medyo na-busy kasi ako.” Nahihiyang sagot ng dalaga.

“Ano ka ba? Okay lang iyon ‘no. Saka, luluwas pala ako ng Maynila bukas kasi sa susunod na araw na ang lipad ko papuntang France. I’ll spend one day in Manila para bumili ng pasalubong para kay Jovan. Loko talaga ang isang ‘yon. May pasalubong pang nalalaman para namang hindi taga-Pinas.” Saka binuntutan pa nito ng tawa ang sinabi. “Wala ka ba talagang plano pumunta sa France, Kath? Sayang kasi ‘yong opportunity.” Dagdag nito.

Tila naman nakaramdam ng kurot sa kanyang puso ang dalaga pagkatapos marinig ang sinabi ng kaibigan. Bigla na namang nanlalabo ang kanyang paningin dahil sa mga luhang nagbabadya na namang tumulo mula roon. Nagtatalo ang kanyang isipan sa hindi mawaring dahilan at nakadama siya ng mumunting inggit sa buhay pag-ibig ng kanyang matalik na kaibigan.

“A-Ano kasi Bets, kakausapin ko pa si Mama tungkol diyan. Pero hayaan mo kapag nakapag-decide ako ay hindi na ako magdadalawang isip na kontakin ka. Saka tamang tama kasi ihahatid ko din sina Mama at Marrah bukas sa airport doon sa Maynila. Magkita tayo doon ha? Miss na kasi kita.”

“Ay naku mare! That’s a good idea. Oo ba, go ako diyan. Excited na excited na rin akong makita iyang beauty mo. 10 AM ang flight ko patungo diyan. Nasa Cebu na ako ngayon so at 11 AM, nasa NAIA na ako.” Ani Betsy na halata sa tinig nito ang pananabik na makita siya.

“Tamang-tama Bets. 10 AM din ang flight nina Mama pabalik ng Negros kaya pwede talaga tayong magkita.”

“O, sige mare ha. Basta, kita tayo bukas. Gusto ko na yatang mag-umaga na para makapunta na ako diyan sa Maynila.” Sagot ni Betsy saka tumawa ulit.

“Sira ka talaga ‘no? Ilang oras na rin naman eh. Itulog mo nalang ‘yan at bukas ay lilipad ka na papuntang Maynila.” Pati si Katharina ay nakitawa na rin dahil sa pagkakalog ng kaibigan.

Kahit papaano ay saglit niyang nakalimutan ang kalungkutang nadarama likha ng mga nangyayari sa kanilang dalawa ni Brian. Nais niyang isiwalat lahat sa kanyang kaibigan ang lahat ng sakit na kanyang dinadala ngunit pinili nalang muna niyang huwag magsabi dito dahil alam niyang labis itong mag-aalala para sa kanya. Kaya naging mainam sa kanya na hindi na ito nag-usisa pa tungkol sa kanilang dalawa ng binata.

“Naku, Kath speaking of tulog, hala sige. Tayo na ngang magsitulog at maaga pa tayo bukas. Baka maiwan ako sa eroplano na maghahatid sa akin sa Maynila kapag napasarap ang tulog ko.” Pagbibiro nito saka humagikhik.

Like Only A Woman Can (A Brian McFadden Fan Fiction) [Revising]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon