LIKE ONLY A WOMAN CAN -Chapter 13-

1K 20 2
  • Dedicated kay GrEtah DaWillful
                                    

Note: If you're already on the part where Brian and Katharina are dancing, kindly click the link 'cause that is how the rhythm of the said song sounds like when they were dancing. Asking why I chose it? Well, I think you already know the answer! Just read the lyrics and you'll realize why. LOL. Happy reading! xox

------------------------------------------------------------------------------------------------------------

-Chapter 13-

MALAMIG ANG SIMOY NG HANGIN na dumadapo sa balat ni Katharina kaya napayakap siya sa sarili. Nakatayo siya sa gitna ng maikling habang nakatingala sa kalangitang nasasabugan ng mga bituin. Dahil sa kagandahang namamalas ay unti-unting gumuhit ang matamis na ngiti sa kanyang mga labi. Ilang sandali ang lumipas ay biglang may matitipunong mga brasong yumakap mula sa kanyang likuran at masuyong hinalikan ang kanyang buhok. Ramdam niya ang init na hatid mula sa katawan ng taong iyon gayundin ang mahinang pintig ng puso nito. Dahan-dahan siyang humarap dito at ang nasabing tao ay walang iba kundi si Brian. Si Brian na hindi na niya maitatangging umiibig na siya dito. Matamis ang ngiting sumilay mula sa mga labi ng binata habang nakatitig ito sa kabuuan ng kanyang mukha. Masuyo ang punum-puno ng respeto siyang hinalikan nito sa noo.

“Will you be my princess?” Masuyong tanong nito.                                                                     

“Your princess?”

“Yes.”

“What do princesses get?” Tanong niya sa binata.

“Love, happiness, a happy ending, and me.”

“A happy ending?”

“Yes, a happy ending.”

“Do they exist?”

“If I’m with you, then yes.”

Muling sumilay ang matamis na ngiti mula sa mapupulang labi ng binata at hindi na niya nakuha pang sumagot dahil nahihipnotismo na siya sa mga titig nito. Naglapat ang kanilang mga mata at ilang saglit a unti-unting lumapit ang mukha nito sa kanyang mukha hanggang sa naglapat ang kanilang mga labi. .

“Aaay!” Sigaw ni Katharina.

Napasapo siya sa kanyang balakang na siyang unang tumama sa sahig ng malaglag siya sa kama at pagkatapos ay umupo doon habang dama ang panghihinayang.

“Ay, panaginip lang?” Halos pabulong na usal niya sa kanyang sarili.

Bumalik ang dalaga sa kanyang kama at niyakap ang kanyang unan. Napangiti siya ng maaninag niya ang mukha ni Brian sa poster. Liwanang lang mula sa buwan ang pumasok sa bintana ng kanyang kwarto kaya nakita niya iyon. Lumakas ang pintig ng kanyang puso kaya napahawak siya sa kanyang dibdib.

“Ah, umiibig na nga siguro ako sa’yo, Brian.”

Humiga ulit ang dalaga at pinilit ang sarili na makatulog ngunit hanggang sa mag-umaga ay nanatiling gising ang kanyang diwa. Hindi na kasi mapuknat sa kanyang isipan ang eksena sa kanyang panaginip.

----------------------------------------------

Tunog ng celphone ang gumising sa natutulog pang si Brian. Ibinuka niya ang isang mata at kinapa ang kanyang celphone mula sa side table at pagsilip niya sa Caller ID niyon ay pangalan ni Shane ang kanyang nakita. Pinindot niya ang “Answer button” at ipinatong iyon sa kanyang tainga 

Like Only A Woman Can (A Brian McFadden Fan Fiction) [Revising]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon