LIKE ONLY A WOMAN CAN -Chapter 28-

636 14 12
  • Dedicated kay Faith Encarnado
                                    

-Chapter 28-

DALAWANG ARAW NA SIMULA ng bumalik si Trixie sa Maynila ngunit hindi pa rin makatkat ni Katharina sa kanyang pag-iisip ang paraan ng pagtingin nito sa kanya noong huli silang mag-usap. Hindi pa rin niya mapigilan ang mapaisip kung bakit mailap ang mga tingin nito sa kanya na tila may itinatago ito. Sumagi sa isip niya na baka totoo nga ang sinasabi ni Jannah na hindi talaga ito mapagkakatiwalaan pero mas nanaig sa kanya ang pagkakaibigan nilang dalawa ng babae. Nasa kalagitnaan na siya ng pagbabasa ng pocketbook sa gabing iyon ng mag-ring ang kanyang celphone. Unknown ang number na nakalagay ngunit pinili pa rin niyang sagutin iyon.

“Hello Katharina? Si Betsy ito! Kumusta?” Tila nae-excite na sagot ng tumawag sa kanya.

“Betsy! Kumusta ka na? Okay lang ako. Naku, na-miss na talaga kita. Sinabi kasi ni Mama sa akin na nasira daw ang celphone mo.” Halos tumitiling sagot ng dalaga sa kaibigan.

“Okay na okay lang ako, mare. Heto, single pa rin. Ewan ko nga ba. Ayoko pang magpatali kay Papa Jovan. Eh, ikaw? Oi, balita ko, may boyfriend ka na daw diyan. Brian din daw ang name ng jowa mo.”

“Naku naman. Matagal na talaga ang issue na ‘yan, mare ha. Sige ka, baka hindi na kayo makahabol sa pag-aanak niyan. Ayaw mo pa bang lumagay sa tahimik?” Natatawa niyang sagot sa kaibigan.

“Lumagay sa magulo ka’mo! Saka Kath, share mo naman sa akin ang tungkol sa lovelife mo.” Pangungumbinsi ni Betsy sa dalaga.

“Sige na nga pero nahihiya kasi ako sa’yo kasi baka sabihin mong nag-iilusyon lang ang feg ko.”

“Hoy! Huwag kang ganyan ha. Hindi lang tayo nagkita ng ilang buwan pero hindi ibig sabihin na naputol na ang pagiging mag-BFF natin. ‘Kaw talaga Katharina!”

“Sige na nga! Sa totoo kasi niyan Bets, si Brian ang boyfriend ko. Lungkot nga ang feg ko this Christmas kasi nasa ibang bansa siya.”

“Sinong Brian? Si Brian McFadden ba? Ayyy! Harujusko mare! Gusto ko ng himatayin sa kilig dito!” Tili nito mula sa kabilang linya.

Bahagyang inilayo ni Katharina ang celphone mula sa kanyang tainga dahil tila pakiramdam niya ay nababasag ang eardrum niya sa lakas ng pagtili ng kanyang kaibigan.

“Kalma ka lang diyan, mare. Kaya nga nagpapasalamat ako sa’yo ng bongga dahil powerful ‘yang dila mo.”

Pumailanlang ang halakhakan sa magkabilang linya habang pinag-uusapan nila ang tugkol sa buhay pag-ibig ni Katharina. Hindi rin maiwasan ng dalaga na kiligin habang iniisip ang kasintahan ngunit wala pa rin siyang planong ipaalam dito na may nangyari na kanila ng binata.

“Maiba ako, Katharina. Nag-resign na pala ako sa TeleCel last month. Regular na kasi si ate doon sa France at gusto niya na akong kunin. Sino naman ako para tumanggi.” Pahayag ni Betsy.

“Naku, mare. Iiwan mo na pala ako dito sa Pinas.” Saad ng dalaga na may himig ng kalungkutan sa kanyang boses. “Saka, paano na si Papa Jovan mo?” dagdag pa niya.

“Tange! Naghahanap pa nga sila ng isang makakasama ko kasi may bakanteng slot sila doon. Ano, gusto mo bang sumama? May isang buwan ka pa para makapag-isip. Huwag kang mag-alala dahil nasa Italy si Jovan ngayon. Last month pa.”

“Ay siyanga ba?! Nahiya naman ako sa inyo, mare. Bigtime na pala kayo.”

“Asus! Eh kung sumama ka kaya sa akin para masaya. Siyempre, ayoko din namang iwan ang bestfriend ko dito sa Pinas ‘no!”

“Diyan ako walang sure, Bets kasi hindi ko maiwan sina Mama dito sa Pinas saka kuntento na rin kasi ako dito. Okay naman ang sahod ko dito sa resort ni Tita Isabel at hindi pa stressful ang work.” Tanggi niya dito.

Like Only A Woman Can (A Brian McFadden Fan Fiction) [Revising]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon